BM88- Soccer 2

10.9K 408 59
                                    

G/N: Pucho-puchong Green Hornets Jersey nasa taas. Kakagawa ko lang niyan gamit ang photogrid. Hahaha! 😂

Pwede na pagtyagaan. Toink! 😂

--

Chapter 88

Jeisen Jee POV

Pataas na rin ang araw. Ba't ba kasi patanghali ang schedule ng game na 'to.

"Jeisen, ba't 'di ka sumali maglaro?"

Kinuha ko ang inabot na bottled water ni Regine. Ang sarap uminom ng tubig.

"Yeah," sabat naman ni Charmaine. "Pero ang ganda mo d'yan sa jersey natin ha. Nakakatomboy ang beauty mo."

"At ang ganda ng dance niyo kagabi, Jeisen. Congrats sa inyo," salita rin ni Quinn. "Atin-atin lang 'to ha. Kayo na ba ni Sebastian? Bagay kayo. Pero, atin-atin lang din 'to ha. Kita mo 'yang si Coline?"

Nginuso niya ang nasa kabilang field ng BC team. Actually tatlo sila. Sabay.

Psh! Powerpuff girls nga.

"Nililigawan niya 'yan. Nalilito nga ako sa trip ni Captain tisoy natin. Iba kasi tingin sa 'yo. Kaya ingat ka. Playboy 'yang Baseball team. Ang gu-gwapo sana. Ihanda mo ang ganda mo sa kanila."

Kinuha ko din ang tubig na bitbit nito.

Sabay naman silang napalunok ng inisang lagok ko laman ng bottled water. Mainit, 'di pwedeng ma-dehydrate.

Naka-dalawa na ako nito.

"Hindi ko kailangang maghanda," nakangisi kong sagot sa kanila. "Sila dapat."

"Ha? Bakit?" sabay nilang tanong.

"Dahil kakain ako."

Parang nag-hang ata sila sa joke ko.

Ang seryoso kasi nila. Isa pa, wala akong pakialam sa trip ng magkaibigang MML. Hindi sila ang misyon ko.

"Wahhh! Flower girl! Hinahabol ako ng bola. Oh my goodness! 'Di ako ready!"

"Kukukuku! Ba't ba nasali ako? Kuku!"

"Flower girl Rydel ang bola. Habolin mo! Attacker tayo. Kaya attack na. Dali!"

Face palm!

Mas malala pa ata 'to kanina.

Ang Attacker lang ang gumagalaw. Ang Midfielder at Defender nakatayo lang.

Hahaha! Patawa talaga ang CAS!

Booh! Sumipa lang 'di magawa! Haha!

Galingan niyo SharDonna!

Puro ganda lang kayo! Booh!

Mga stupida talaga ang CAS! Booh! Terrorism! Booh! Hornys! Hornys!

Kung 'di ko lang napansin na mahina sa vocabulary itong si Coline. Iisipin ko talagang, nang-aasar ito. Pero hindi 'e.

At ang bully nitong Business College.

Hindi naman halos lahat. Pero 'tong mga cheerleaders talaga. Kaya nga ayaw akong ipasali ni Maggie sa kanila. Alam niya kasi mga ugali ng mga ito.

'Di ko rin naman pinangarap masali.

BMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon