BM30 -Roman numerals

21.9K 776 45
                                    

Chapter 30

Sebastian POV

Pagkatapos naming gumimik ng barkada umuwi agad ako sa bahay. Nag away na naman kami ng dad ko. Ganun parin ang issue niya sa 'kin. Hindi ko na siya pinakinggan at pumasok nalang ng kwarto.

Tinawagan ko muna si Lin para kumustahin ang kalagayan niya. Mabuti naman at okey na ito. Hindi na raw masakit ang paa niya.

Thanks to Jeisen.

Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit bigla nalang itong nagalit ng pinag usapan namin ito. Siya ang nagtanong pero siya rin ang nagalit kung bakit ko raw ito ipinagtanggol.

Hindi ko na talaga alam kong anong tumatakbo sa isipan niya.

Speaking of her.

Ano kaya ang ginagawa nun ngayon?

Sayang at hindi ko siya nakausap kanina dahil umalis agad ito. Narinig ko pa siyang pinag uusapan ng mga studyante ng university. Kinuha ko nalang ang phone ko para etext siya.

Sana naman mag reply.

Nagtetext ako sa kanya pero wala pa akong natatanggap ni isang reply niya. Tama naman 'yong number na tinext ko. Ganun ba ako kahirap replyan? Isa pa wala bang epekto sa kanya ang ka gwapohan ko?

Tama nga si Mike naging impulsive ako kanina. Kung gusto ko ba raw mapalapit ng husto sa kanya bakit daw bigla akong umalis sa insayo namin.

Nag aalala lang naman ako kay Lin. Sino ba ang hindi mag aalala sa taong matagal mo ng inaalagaan tapos mapapano lang.

Pero maling mali talaga ang diskarte ko kanina.

Sana hindi ko nalang muna iniwan si Jeisen sa dance room kasama si Rhe. Feeling ko tuloy ako ang may kasalanan kong bakit pinag uusapan siya ng mga kalalakihan. Tsk.

Madami namang nag so-short d'yan na mga babae sa school pero sa kanya talaga ang pinag tuunan ng pansin. Hindi ko akalaing ganun talaga kalakas ng appeal niya.

Ang liit pa ng beywang nito at ang kinis.

Nag tipa agad ako para etext ito.

To: Jeisen

Hi Jeisen. Pasensya na kanina ha. Hindi tuloy kita nakausap pagkatapos ng nangyari sa gym.. Feeling ko tuloy ang rude ko kanina ng iniwan kita.

Nag hintay ako ng ilang minuto para sa reply nito. Hindi pa naman malalim ang gabi. Imposibleng tulog pa 'yon.

Nagtext na naman ako. Baka hindi niya lang na-receive.

To: Jeisen

Gising ka pa ba? Gusto kitang maka text.

Naghintay uli ako.

"Arg! Bat ba ayaw mong mag reply sa akin? Alam mo bang ang daming gustong makatext ako?"

Para na akong baliw dito at kinakausap ang phone ko. Nag tipa uli ako para mag text sa kanya. Baka sakaling mag reply na ito.

To: Jeisen

Jeisen? Mag reply ka naman oh. Napaka snob mo naman. :(

Naghintay uli ako ng reply niya pero wala pa rin.

Baka naman tulog na talaga ito. Bukas ko nalang siya kakausapin at may ibibigay ako sa kanyang peace offering.

Nag tipa uli ako.

To: Jeisen

Pwede ba tayong magkita bukas ng umaga? May sasabihin at ibibigay lang ako. Hihintayin kita sa cottage ng CAS.

BMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon