BM100 - Eight Hours

7.8K 288 40
                                    

G/N: Hello angels! I'm back! 😁

----

Chapter 100

Jeisen Jee POV

Mag-aalas dos na ng umaga at katatapos lang namin sa misyon namin. Pero hindi pa ako nakakaramdam ng pagod.

Parang.. gusto ko pang pumatay.

Gusto kong ubusin na sila.

Mapahilot ako sa may parte ng leeg ko. Nanlalamig na naman kasi ito. Ganito ako kapag may pinanggigilan.

"May tamang oras para sa inyo," mahina kong sabi habang paangkas ng Big Bike.

I'm wearing black latex wet leather bodysuit. I love Batman but I look like Catwoman now. Pero mas bagay ito kay Aestus. Maiksi kasi buhok niya.
Mas komportable tingnan sa kanya.

Nasa gilid ko lang ito.

Pati ang ibang Guardians.

"Hindi ka muna babalik sa Kampo, Thena?" tanong niya sa 'kin. Naka angkas na rin ito sa Big Bike niya.

"May pupuntahan lang ako saglit."

"Hey, bitches! Mauna na ako," sigaw ni Aphro at biglang pinaharurot ang Big Bike niya. Tumango naman ako sa ibang Guardians na mauuna na ring umalis. They look all tired. Ilang araw na rin silang walang maayos na tulog.

"Pucha, bitch pa more!" ganting sigaw ni Aestus kay Aphro at humarap uli sa 'kin. "Mukhang pagod na pagod mga Gods natin pero ikaw looking fresh parin at full charge pa rin, Thena."

Pinaandar ko ang Big Bike ko.

Tinatamad akong magsalita.

"Naman oh! Sama ako sa 'yo! Wait! "

Ilang minuto lang nakarating na kami sa bahay niya. Sa dating pwesto parin ako. Sa may puno. At kitang kita ko siya mula dito. Gising parin siya hanggang ngayon. 'Di ata makatulog.

"Kina Gareth Liu Fortel ito, Thena ah," salita ni Aestus habang paakyat ng puno. "Pucha! 'Pag sasama talaga ako sa 'yo, lagi akong unggoy. Ang hilig-hilig mong mag lambitin sa mga puno 'e."

Napangisi lang ako.

Sino bang may sabing sumama siya sa 'kin? Kaya ko namang mag-isa dito.

Umupo ito sa isa pang sanga ng kahoy.

Ako naman nakatayo.

Mula sa kinatatayuan ko, kitang kita ko ang bulto ni Gareth. Nakayuko ito habang naka sandig ang likod sa punching bag na nasa balcony ng kwarto niya.

Hmm. Ngayon ko lang nakita 'to ah.

"Naks. Nag-iinsayo na para maging si BAD MAN na dating GOOD MAN ah."

Paligi kong naririnig ang BAD MAN.

Parang nagpanting ang tenga ko.

Ibig nilang sabihin ay may posibilidad na maging masama si Gareth dahil sa ginagawa ko sa kanya. Pero hindi naman seguro tamang rason 'yon para mag-iba siya. Napakamababaw na rason. Isa pa, ang katulad ni Gareth, madali lang sa kanya ang mga babae. Nasa sa kanya na kasi halos tipo nila. Hindi siya mahihirapan.

At lalong hindi ako pwede sa kanya.

Napahawak ako sa may bandang puso ko. Ang bilis na naman ng tibok nito. Hindi ako nagpahalata kay Aestus.

"Bagay talaga kayo, Thena," sabi niya.

"Psh. Tao kami," sagot ko.

"Sus. Ayan na naman siya. What I mean is, bagay kayo as couple. Sayang lang at bawal sa atin magkaroon ng relasyon, love, commitment and so on. Mukhang tinamaan si binatang Fortel talaga sa 'yo. Look at him, ang lungkot-lungkot niya. Tingnan mo rin mga kamay niya oh. Namamaga na ata 'yan sa kakasuntok ng punching bag. Malamang d'yan niya binuhos ang galit niya sa nangyari. Pero..."

BMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon