BM40 - 9262

21.9K 756 62
                                    

Chapter 40

G/N: Enjoy reading Angels! Medyo mahaba ang chapter na ito. :D

Eanela POV

Hinanap ko agad si Jeisen pagkadating ko ng school. Nangako kasi siya sa akin na sasamahan niya ako sa hospital. Nakalimutan ko kasing hingin ang number niya kaya ito at pumasok ako para sunduin siya.

Hindi ko mapigilang manlumo. Feeling ko kasi ang liit ng tingin ng mga schoolmates ko sa akin. Dahil ito sa pa dalos dalos na desisyon ko.

Pumunta ako sa cottage na madalas tambayan nila pero wala si Jiesen. . Ang sabi ng mga kaibigan niya ay nasa office siya ngayon ng student coucil. Hidi rin naman sila nag dalawang isip na samahan ako.

Ang swerte ni Jeisen dahil kahit bago palang ito sa school ay nakakuha agad ito ng mababait na kaibigan. Maliban kay Risa ay hindi ko alam kung may tunay ba akong kaibagan sa mga barkada ko. Simula kasi ng malaman nila ang issue sa akin ay nilayuan nila agad ako.

Hindi ko pa natatapos ang pagkatok sa pinto ng office nila ay binuksan agad ito ni Shasha. Ang kulet talaga ng babaeng ito. Pati itong si Donna nahahawa sa kakuletan niya.

Pero napatigil kami sa pagpasok ng makita namin si Mr president na malapit ang mukha kay Jeisen. Hindi ko alam kong balak niya ba itong halikan. Dahil kung oo, eh ba't nakakunot ang nuo nito?

Lumingon sila pagkakita sa amin.

"S-sorry..." Paghingi ko ng paumanhin. Ito kasing si Shasha eh. "Naistorbo ba namin kayo?"

Hindi nagsalita si Mr president at kinuha ang tasa na nasa mesa niya saka pumunta ng kitchen. Si Jeisen naman ay ngumiti sa amin.

"No Eanela." Sagot naman niya. "Pupunta na ba tayo sa hospital?"

"Oo sana eh. Okey lang ba na ngayon na?"

"Hospital?" Nagtatakang tanong ni Mr president ng papalapit sa amin. "Who's in the hospital?"

"Papunta kami kay Sir manyakis ngayon Mr president" Napapangiwing sagot ni Donna sa kanya. Si Aicel at Shasha ay yinakap si Jeisen. Ang sweet nilang kaibigan.

Napakunot naman ang nuo nito.

"Sir manyakis? You mean Sir RB?? Teka, ba't naman kayo pupunta dun? Hindi ba niloko niya kayo at pati na rin ang school na ito?"

"Kakausapin lang namin siya." Si Jeisen na ang sumagot saka nauna ng maglakad palabas ng pintuhan. Wala kaming nagawa kundi ang sumunod nalang.

"Hey! I'll come with you, Jeisen."

Nagtinginan naman kaming apat. Kahapon pa itong kakaibang galawan ni Mr president kay Jeisen ah. Palagay ko may gusto ito sa kanya pero parang manhid lang itong bagong kaibigan ko.

Tumango naman ito.

"Kaw bahala."

Tinawagan ko na rin ang abogado ko at sa hospital na rin kami magkikita. Gusto kong kausapin si Renie tungkol sa ginawa niya sa amin. Gusto ko ring makita ang asawa niya at malinawan.

Pagdating namin sa may lobby ay sinalubong agad ako ni Risa. Si Attorney Martinez naman ay biglang kinamayan si Jeisen pagkakita sa kanya. Magkakilala sila?

"Magkakilala kayo ni Jeisen Attorney?" Hindi ko mapigilang magtanong. Para kasing ag dating ay napaka importanteng tao nitong si Jeisen sa kanya.

"Oo nga girl. Are you two magkakilala na ba?" Maarteng tanong din ni Aicel dito.

Hindi muna ito nagsalita at tiningnan si Jeisen saglit. Pero tinanguan lang niya ito na parang sinasabi na 'ikaw na bahala kung anong sasabihin mo'.

Sinundan lang namin sya ng tingin ng bigla itong nag lakad papalapit ka Mr president na kanina pa may humaharang na mga babae at nagpapakuha ng litrato.

BMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon