BM22 - If killing is legal

23.2K 879 52
                                    

Chapter 22

Sebastian POV

Nag pa change schedule ako para mas lalo akong mapalapit kay Jeisen. Hindi ko talaga alam kong ano talaga ang plano Lin at kung bakit niya gustong malipat sa akin ang atensyon ng babaeng 'yon.

I'm maybe a playboy but I still have a heart.

I sighed. Gabi na rin pagkatapos kong ihatid si Lin sa bahay nila. Dumaan muna ako sa isang convenient store na malapit sa university namin. Medyo masakit pa ang panga ko dahil sa engkwentro kanina.

Bababa na sana ako ng makita ko si Jeisen na nasa gilid ng convenient store. May kausap na itong matanda at may inabot na

"Bakit niya kinakausap ang matandang pulubi na iyon? Ganyan naba siya kabait para mamigay ng pagkain sa iba?"

Napapailing ako. Hindi ko nalang tinuloy ang pagpunta ng convenient store at dumeretso ng uwi sa bahay. Pagdating ko naman sinalubong agad akong yakap ni mommy.

"Mabuti naman at makakasabay ka sa amin mag hapunan anak. Akala ko late kana naman uuwi."

"Ah, sige mom magbibihis muna ako." Pumasok agad ako sa kwarto at nagbihis.. Ayokong marinig ang kadramahan niya at gusto nilang gawin ko sa buhay ko.

Mabait ang mommy ko pero lagi lang itong nakasunod sa gusto ni daddy. Ni minsan hindi ko siya narinig na humindi sa kanya. At 'yon ang kinaiinisan ko. Hindi ko nga alam kong pumapanig siya sa akin o hindi sa tuwing nagtatalo kami ni daddy.

"Damn Sebastian, can you open this door!" Rinig kong sigaw ni daddy mula sa labas ng kwarto ko. May problema na naman ito sa 'kin panigurado. Umuwi na nga ako dahil may importante daw silang sasabihin.

"What?" Tanong ko pagkabukas ng pinto.

"Ano na naman ba 'to Sebastian! Katatapos ko lang ayusin ang gulo mo nung nakaraan at ngayon meron na naman? Alam mo bang tumawag sa akin ang guidance ng school niyo? Napaaway kana naman daw!" Tumigil ito sa pagsasalita at hinilot ang sentido niya. "I really don't know what to do with you."

Napakuyom lang ako ng kamao para pigilan ang galit ko. Totoong ngang napaaway ako kanina. May bumastos kasing mga barumbado kay Lin. Hindi ko maatim na bastusin nila ang kaisa isang babaeng mahal ko. Isa pa, matagal na naming kalaban ang grupo ng mga gangster na 'yon.

"Ano bang pakialam ninyo kung makipagbasag ulo ako?!"

"Aba't sumasagot kapa!" Susuntukin na sana niya ako pero pinigilan siya ni mommy. "Hindi ka rin daw pumapasok sa mga klase mo? How can you be a good lawyer kung hindi ka titino ng ganyan? Bakit ba ako nagkaroon ng anak na kagaya mo. Puro problema lang ang ibinibigay mo sa 'kin. Leche!"

Napahilamos ako ng mukha. Ganito na ba talaga ang tingin niya sa akin? Isang malas at problema lang ang dala sa buhay nila? Isang pabigat na anak?

Tiningnan ko si mommy na nangingilid ang luha sa tabi.

Pareho lang kayong dalawa ni dad, mom.

Puro kanila nalang ang dapat masunod. Pa'no naman ako? Pa'no naman ang gusto ko?

Lingid sa kaalaman nila ay hindi pag aabugasya ang kinuha ko. Hindi ko pinangarap ang maging isang abogado. Ang gusto ko ay ang mag pinta. Kaya naman pa sekreto akong nag enroll ng fine arts sa school.

Buong buhay ko lagi ko nalang sinusunod ang gusto nila. Lalo na si daddy. Ni minsan hindi ko nga naramdaman ang suporta niya sa akin.

Ilang beses ko na ding gustong sabihin sa kanila kung ano ang gusto ko. Pero lagi niya lang akong pinangungunahan ng galit. Gusto niya akong magaya sa mga kapatid ko na successful at matalino. Na naipagmamalaki sa lahat.

BMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon