BM18 - Textmate

21.3K 807 55
                                    

Chapter 18

Sebastian POV

Kanina ko pa hinintay si Lin, ang usapan namin magkikita kami ngayon. Nilagok ko nalang ang alak na inabot sa akin ni Kyle. Nandito ako ngayon sa isang bar kasama ng barkada.

Mahilig kaming gumala ng mga kaibigan ko sa baseball team. May mga kasama kaming mga babae, ang iba naman ay nagsasayawan sa gitna ng dance floor. Ito na ang buhay ko. Barkada at mga chicka babes.

"Oh anu dude, hindi pa ba darating si Lin? Diba nagpapasama sa'yo 'yon kanina?" Tanong sa akin ni Mike na kanina lang may kahalikang babae.

"Sinamahan ko lang kanina. Emergency daw kasi . Nag usap naman kami na magkikita rito. Hihintayin ko na lang."

"Alam mo Seb..." Si Kyle naman ang nagsalita. "Ang tagal mo ng nililigawan si Lin pero bakit hindi ka parin sinasagot?"

Hindi ko nga rin alam kung bakit hanggang ngayon hindi niya pa rin ako sinasagot. Gwapo naman ako at hindi ko ipagkakaila na maraming nagkakagusto sa akin.

Titingnan ko pa lang ang mga babae tumitili na sila.

"I don't know dude. Pero may kondisyon siya sa akin bago ko raw siya sagutin."

"Ano naman?" Tanong ni Mike. Nabaling na rin ang atensyon ng ibang kasama namin sa aming tatlo.

"Ang ligawan si Jeisen at pasagutin ito."

Hindi ko maintindihan kung bakit gusto niya akong mapalapit sa babaeng 'yon. Kaya kanina, naisipan kong sumama sa kanila ng mga kaibigan niya. Naalala ko pa nung unang kita palang namin ay iba na ang pakiramdam ko sa kanya.

Lalo na nung kinindatan niya ako.

Oo maganda siya, pero hindi siya ang tipo kong babae. Ang gusto ko lang ay si Lin at gagawin ko ang lahat para lang mapasagot ito.

Ang mga kaibigan ko naman ay panay ang kantyaw sa akin kung bakit ini snob raw ako ng babaeng manang na 'yon. Napapansin kasi nila ito dahil sa kakaiba itong manamit kumpara sa mga babae sa school.

If I know ang ganung klaseng babae ay pakipot lang sa una. Pero di kalaunan ay bibigay din.

"Oh edi ayos 'yan Seb!" Tumatawang sabi naman ni Barry sa akin. "Edi tuloy ang deal natin mga tol."

Napapailing nalang ako. Hindi ko gusto ang ideya nila pero ako ang gusto nilang lumapit dito nung nasa field sila ng mga kasama niya. Pinag usapan agad ito ng mga kasama ko at pinagpustahan.

"Oo nga no." Segunda naman ni Mike. "Balita ko ang talino raw nun. Kapag naging syota muna 'yon dude, I'm sure may taga gawa kana ng assignment at project mo! Hahaha"

"Mukhang madali ko lang makukuha ang loob niya." Alam kong pakipot lang 'yon sa una. Pag napalapit ako sa kanya at mahulog loob niya sa akin edi mission accomplish ako.

"Pusta ko 2 weeks mo siya bago mapasagot." Sabi naman Andy. May nakayakap dito na babae at kanina pa halik ng halik sa pisnge niya.

Mga babaero nga ang mga loko.

Marami ring nagkakandarapa sa akin pero loyal ako sa isang babae. Napagkakamalan lang akong playboy dahil sa mga ito.

"Ako 1 week lang. Sa gwapo ba naman nitong si Seb, madali niya lang mapapa ibig ito." Sabi naman ni Gerald. Medyo good boy sa amin ang isang ito pero sumasabay naman sa trip ng barkada.

Mga anak mayaman ang mga kaibigan ko. Halos may halong foreign blood kami. Ang sa akin naman, ang mom ko ang foreigner at sa kanya ko nakuha ang kulay asul na mata ko. May dugo kasi itong american pero pinay na pinay ang ugali nito.

BMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon