BM71 - Angels

16.7K 476 89
                                    

Chapter 71

Jeisen Jee POV

Wala naman akong napapansin na kaduda-duda sa paligid. Normal lang ang kilos ng lahat. Pati ang buong kwarto ay sakto lang para sa mga models, make-up artist, photographers, at mga staff nitong gaganaping pictorial.

Tahimik lang akong nakaupo sa may sulok habang pinagmamasdan sila. All of them are busy doing their tasks.

At hindi pa sila nag-uumpisa.

Narinig ko kanina sa isang staff na hindi raw dito sa loob ng studio kukunahan sila ng pictures.

Sa gitna raw ng daanan dito sa loob ng EG Mall. At para realistic daw tingnan ang kuha. Mas okey na may mga tao sa paligid.

Isa rin sa marketing strategy nila ang magpapansin at magpa-uso.

Ang daming arte ng pictorial na 'to ha.

My cousin Maggie is also part of them.

She's a freelance model too.

Pareho sila ni Gareth.

But in all fairness, maganda ang theme nila ha. May nakita kasi akong mga malalaking angel wings. Kulay puti, itim, pula at ginto.

Para talaga 'tong totoo.

Ilang manok kaya ang kinatay para lang sa mga pakpak nila? And it's moving like a real angel wings.

May nilagay ata silang pang control dun.

Ayos ah! Magaling ang pagkakagawa.

"Tsk!"

Natigil ako sa pagmamasid ng umupo sa gilid ko si Gareth. Mas pumuti ito ngayon. Dahil seguro ito sa foundation na nilagay sa mukha niya. Ang singkit niyang mata ay mas napansin pa lalo  dahil sa eyeliner na itim na nilagay dito. Mas pumula rin ang labi niya na medyo basa pa. Maayos at makintab din ang buhok nito.

Napalunok ako at nalipat ang tingin kina Maggie na kasulukuyang inaayusan.

Wala kasing suot pantaas si Gareth.

Nakapants lang talaga 'to.

At ngayon ko lang napagtuonan ng pansin ang katawan niya sa malapitan. Gareth has this well-defined and visible muscles. Lalo na ang V-line cut niya up close.

Sumandig ito at iniunat ang braso.

Kitang kita ko ngayon ang kilikili niya. Ang kinis at puti. Langya, lalaki ba talaga 'to?

Hindi ko siya kinibo.

Ignoring is one of my talent. Pati na rin ang pagkontrol ng emosyon. Mabuti at nagagamit ko 'to sa mga pagkakataong ito.

"Quemerda! Tsk!" Sabi niya habang pinapaypay ang sarili. "I'm sweating. Ang init naman dito. Aish!"

Pinagpapawisan siya sa itsura at suot niyang 'yan? Nabubudoy na naman 'tong si Gareth. Ang lamig kaya.

Inabot nito ang puting panyo sa 'kin.

"Oy Jeisen!" Mahinang niyang tawag. "Punusan mo nga ang pawis ko. It's your job kaya 'wag kang magreklamo d'yan."

Psh! Budoy talaga.

Hindi nga ako nagsasalita.

Nagreklamo pa kaya?

May naririnig seguro itong hindi ko naririnig. Kung ano ang sinasabi 'e.

Kukunin ko na sana ang panyo pero may humila sa 'kin. Ito ang make-up artist na nag make-up kay Maggie.

BMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon