BM8 - Fishball

27.6K 852 102
                                    

Chapter 8

Jeisen Jee POV

Hindi ko alam ang erereact ko sa sinabi niya. Nahalata niya ba na ako ito? Magsasalita na sana ako ng may biglang bumunggo sa likod ko dahilan para masubsob ako sa malapad na dibdib ng kasama ko.

Para tuloy kaming magkayap dalawa dahil sa napahawak ito ng mahigpit sa bewang ko. Hindi ko alam kong matutuwa ako dahil nakaiwas ako sa sinabi niiya o maiinis dahil nangyari.

Narinig ko naman ang isang boses na humahagikhik sa likod ko.

"Ops! I'm sorry dear."

Nilingon ko ang nagsalita at si Tita Luchelle pala ito kasama ang asawa niya na pa iling-iling lang. Ano na naman kaya ang trip nito?

"Masyado kayong seryoso dalawa." Tiningnan niya naman kaming ng mapanukso. "Ehiii, ang sweet niyo na."

Lumayo ako ng bahagya sa pagkakahawak sa akin ni Gareth.

"Mi naman." Sita nito kay Tita. "Nakakahiya sa bisita."

Hindi parin maalis ang mapanukso nitong tingin sa amin. Pagkatapos ay bigla nalang itong kumanta ng sa mymp.

"A closer I get to you, lala la la lala. Hold me in your arms." Tiningnan naman siya ng masama ni Gareth para tumahimik. "Alright..." Binaling niya ang tingin sa akin. "Ikaw na bahala dear."

Sinundan ko nalang ng tingin ang mag asawa .

"I'm sorry about that." Napapailing nitong sabi sa akin.

"Your mom is cool actually. Ang cute nga eh."

Tumawa lang ito ng mahina sa sinabi ko. Alam ko na ang kakuletan ni Tita at ewan ko lang kong anong trip niya ngayon.

Hindi na rin kame nagtagal sa pagsasayaw at nagyaya na akong umalis para hanapin si Ares. Agad ko naman itong nakita, kinontak na rin namin ang mga kasamahan namin na manatili sa party hanggang sa matapos ito.

***

Katatapos lang ng panghuling klase namin nina Shasha at Aicel. Nasa cottage na naman kami nakatambay. Dala dala ko ngayon ang paborito kong blueberry cheesecake at ang dalawa ko namang kasama ay pizza.

Food is life talaga.

"Flower girl, ano ba 'yong narinig namin na magkaaway daw kayo ni Eanela?" Tanong ni Shasha sa akin.

Oo nga pala hindi ko na masyadong napagtuonan ang nangyaring 'yon ah. Sumubo ko muna ag blueberry cheesecake bago nagsalita.

"Wala 'yon."

"Anong wala flower girl? Eh bali-balita sa campus na pinagbibintangan mo raw siya ng kung anu-ano."

Ako pa talaga nagbibintang ha. Ano naman kaya ang pinagsasabi ng babaeng 'yon sa mga schoolmate namin. Gusto pa ata niyang baliktarin ang sitwasyon.

"Oo nga girl. Why ba she's so galit to you? I know her at maldita talaga 'yon. Kaya don't bangga nalang sa kanya." Sabi naman ni Aicel sa akin.

Wala naman akong pakialam kong sino mang bumangga sa akin o awayin ako. Basta alam ko ang totoo. 'Yon lang naman ang importante.

"Bahala siya kong anu ang gusto niyang ipagkalat."

"Basta flower girl. Kung ano man 'yan ay nandito lang kami para sa'yo."

Yinakap ako ni Shasha na akala mo kay laki ng problema na pinagdadaan ko. Pati si Aicel nakiyakap na rin sa 'kin. Grabe naman itong dalawang 'to, sobrang clingy.

"Oo nga girl. Bestfriends tayong three diba?"

Parang gusto kong matuwa o maiyak sa sinabi nila. Hindi pa ako nagkaroon ng mga kaibigan talaga.

BMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon