BM27 - Roschultz

21.7K 747 35
                                    

Chapter 27

Sebastian POV

Tumayo naman agad si Jeisen ng marinig naming tumatawa si Maggie papunta sa pwesto namin.

"Well well well. Nag susuot kana pala ng maiiksing damit ngayon? Anong ginagawa mo rito?"

Magkakilala rin sila ni Maggie?

Sa pagkakaalam ko ang unang kita nila ay 'yong may nagtapon ng inomin kay Jeisen sa canteen. Talagang maldita itong Maggie at hindi na ako magtataka kong ganito ang ugali niya sa iba.

"Hinatid ko lang ang bag ni Seb."

Lumapit na rin ang mga ibang mga cheer leaders sa tabi namin. Mukhang nakiki usyuso ata.

"So, taga hatid kana pala ngayon?" Nakataas kilay na tanong niya. "Pwede ba Jeisen, wag ka nga mag bait baitan diyan. Nakakairita eh."

Tumawa naman ang mga kasama niya.

"So utusan na pala ang babaeng 'yan ngayon?"

"Girls, ba't 'di natin utusan siya na pagtimplahin ng inomin natin?"

"Right girls. Total andito na naman siya, edi utusan na natin."

"Ba't ba kasi andito yan!"

Tahimik parin itong si Jeisen na nakikinig sa mga pinagsasabi ng mga kasama nina Lin sa kanya. Ba't ba wala siyang pakialam kahit na inaaway na? Bumuntong hininga naman ito pagkatapos ay hinarap sila.

"Okey. San ko kukunin ang maiinom niyo?"

Ang sama naman ng tingin ni Maggie sa kanya. Parang nagpipigil ng galit. Tinuro naman nina Mina ang malaking jug.

Magsasalita na sana ako pero pinigilan ako ni Lin kaya nanatili nalang ako sa tabi niya. Nakita ko namang sinipa ito ng isang kasama nila habang naglalakad.

Natalisod naman si Jeisen pero hindi niya lang pinansin ang tawanan nila. Napatawa na rin ako dahil parang tanga siyang tingnan.

"Wala ba kayong mineral water nalang?" Tanong ko kay Linng makalayo na si Jeisen sa amin.

"Ba't mo natanong Seb?"

Nilingon ko uli si Jeisen na tinitingnan ang jug. Nakapagtataka kasi kung bakit sa jug nila ipalalagay ito. Kadalasan kasi nag bo-bottled water sila.

"Ba't kailangan niyo pang pag timplahin si Jeisen?"

"Gusto lang namin siyang pahirapan." Sagot naman ni Lin. "Don't tell me ipagtatanggol mo siya Seb?"

Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko.

Ganito pala ka bully ang grupo ng mga cheer leaders ng school. Mukhang okey na rin si Lin sa injury niya na hinilot ni Jeisen kanina.

Umiling naman ako.

"Hindi ah. Okey naba ang paa mo?"

"Okey na ako. Hindi na namamaga ang paa ko." Inikot ikot niya naman ang paa niya. "Ang galing din ng pesteng babaeng 'yon ah."

Nagulat naman ako sa huling sinabi niya. Minura niya si Jeisen. Ibang iba ang ugali niya ngayon. Di kagaya nung nakaraan na ang sweet nito at ang bait.

"May poging paparating oh." Rinig kong sabi ni Mina sa gilid namin. "Mukhang foreigner. Ngayon ko lang siya nakita."

Natilian naman ang mga kasama nito.

"Grabe ang hot niya!"

"Tara girls lapitan natin."

"Mukhang may hinanap eh."

Nagtakbuhan naman sila agad sa lalaki at hinila papalapit sa amin.

"Warte! Warte!" Rinig kong sabi nito.

BMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon