BM94 - Gareth vs Sebastian

15K 493 230
                                    

Chapter 94

Jeisen Jee POV

Mga uto-uto itong Fang Demon. Haha!

Binalik ko ang atensyon ko sa tatlong lalaki. Katatapos lang nila sa ginagawa.

"Kaya mas pinili ko ang Architecture 'e," salita ni Marie. "Ang dami kasing etatansya 'pag engineering ka. Design lang kami at mas okey ako dun. Pero, ang galing mo Ms. Jeisen ha. May alam ka pala sa ganitong larangan. Naks ka!"

"Oo nga, pards. Ang galing mo talaga, Jeisen," puri ni Zia sa 'kin at namula. "Kaya maraming may gusto sa 'yo. Mapalalaki man o maski babae pa."

"Pa'no mo nalaman ang mga 'yan, Jeisen?" tanong naman ni Amanda. "You're good at law, but engineering? Pucha!"

"He's a Civil Engineer," sagot ko at napangisi ng makilala ko ang paparating.

"Sino?" sabay nilang tanong.

"My cousin, Kelvin."

Tumayo na kami pagkatapos naming tingnan ang klase ng lupa sa Farm Town.

Pero 'yong tatlo na paparating sa direksyon namin ay busy parin sa pag-uusap. 'Di pa nila kami napapansin.

Kung 'di ko lang sila kilala. Aakalain kong mga turista sila na napadpad dito.

Ang tatangkad at gwapo kasi.

Kahit sa bukid. Nakaporma pa rin.

Lalo na 'yong nasa gitna na may dalang camera. Panay tawa nito sa katabi niya.

He is still the same.

Masayahin pa rin.

"Ang lakas maka Asian novela ng mga pucha. With matching hangin-hangin effect lang, e?" komento ni Aestus.

"Jee? Hey! Why are you here?"

"Kang," bati ko sa kanya ng mapansin niya na kami. Lumapit agad 'to sa 'kin.

"Ang tipid mo talaga magsalita," natatawa niyang sabi at itinuro ang mga kasama. "Remember Architect Wong? And Engr. Merwin Delos Trino? May project sila rito sa Farm Town, Jee."

Bihira lang akong makalimot.

Architect Wong is a Singaporean.

Pinoy naman si Engr. Delos Trino.

They actually got the looks that can easily swoon girls. Pero si Kelvin lang ata ang itsurang seryoso sa kanila. He looks like a boy next door with his eye glasses and braces. But in real, palangiti ito.

Magkaiba sila ng kapatid niyang si Maggie. May kanyang-kanyang mundo kasi.

Yes. Pinsan ko nga ang lalaking 'to.

"Of course lah, she remember me, Engr. Kelvin lah," salita naman ni Lawrence with his thick Singlish accent. "Eh, so how are you? Me lah? Life's been good to me. Though lor, working and traveling is a little bit tiring lah but you see I'm not a shag man king. Still handsome lah. So kiasu! Right? Philippines and people are always happy lah. I really like here. And, you lah, still beautiful as always."

Napangiwi ako.

Ang gulo mo, Lawrence.

At puro pa-cute parin pala 'to.

Palibhasa singkit. At gwapo ang mga singkit dito sa bansa. Ang tangkad pa niya.

"Welengye pala 'to," mahinang bulong ni Zia. "Hindi naman siya gwapo. Hmp! Lah pa ng lah. Lashing instsik ata 'to. Hmp!"

BMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon