Chapter 48 - Darkgods

22.9K 693 94
                                    

Chapter 48

Warning: SPG

Sobrang Patnubay ni Guardian

---

Jeisen Jee POV

Anong nangyayari sa grupo nina Seb? Kanina lang nagtatalo sila, ngayon naman ay nagsasayawan. Mas lalo tuloy lumakas ang hiyawan sa loob ng arena.

Ang kulet nilang mag kaibigan.

Imbes na seryosohin ang laban. Nagkakatuwaan pa sila. Maybe because they knew it already that they will win the fight.

Well, that's... good for them.

"If Barry has V, he probably had dozens of bitches and assholes now." Nayayamot na puna ni Aestus sa tabi ko. " Ang landi 'e. Tingnan mo nga 'yan panay pa cute sa mga babae."

If I didn't know Aestus that well baka iisipin kung nag seselos ito. Pero ganyan na siya dati pa kapag nakakakita ng mga lalaking wala ng ginawa kundi ang maglaro at magpa cute sa mga babae.

"It's his nature." Sagot ko.

"What do you mean it's his nature?" Tanong niya. "So, kilala mo na talaga 'yang barkada nina Sebastian na mukhang in-love sa 'yo?"

Si Seb in-love sa 'kin?

I doubt it. He is just sweet and he likes someone else. Si Coline na matagal ng niyang nililigawan. Imposible din magustuhan niya ako.

I'm not his type.

Far from his ideal girl.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niyang 'in-love' ito sa 'kin at sinagot nalang ng diretso ang tanong niya.

"I barely know them but I know their nature. May tawag na nga ako sa kanila."

"Naks Thena ha?" Binunggo niya ako ng mahina sa balikat. "Anong tawag mo sa kanila?"

"MML..."

"MML?" Nagtataka niyang tanong. "Parang Small, Large, XL at XXL lang ah."

Tumawa ako. Oo nga 'no?

"Luh!? Wag mo kong tawanan Thena. Ano ngang MML na 'yan? Baka waley na jokes na naman 'yan, kung joke nga talaga ang sasabihin mo."

Hindi 'to joke. Para kasing bagay sa barkada nila 'yong naiisip ko. 

"Wala akong joke. Mamaya mag iisip ako." Nakangising kong sagot. Excited ata si Aetus sa joke ko kaya niya nabanggit.

"Okey. So ano nga ang MML?"

Nag umpisa ng mag laban ang dalawang grupo. Sa nakikita ko may ibubuga din sa laban sina Barry Mike, just like Gerald and Kyle.

Tumayo ako at naglakad papunta sa pwesto nina Seb. Gusto ko kasing makita ng mas malapitan ang dalawang grupo habang naglalaban.

"Thena..." Pabulong na tawag niya sa 'kin habang nakasunod. "Ang daya. Pabitin ka 'e."

"Mamaya sasabihin ko."

"Sheesh! Sige lang "

"Tingnan mo nalang si Barry. Panalo na ata sila ni Mike."

"Sus, 'di pa 'yan. Bakla kaya si Barny kaya matatalo agad 'yan."

Nasa likod na kami malapit kina Seb. Agad din naman nila kaming napansin dahil sa mga bulongan ng mga tao sa paligid.

"Kayo na ang susunod." Sabi ko sa kanila ni Andy. Natumba na kasi ang dalawang kalaban. As what I've expected. They are good at this kind of battle.

BMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon