BM28- Tabachoy

23K 728 57
                                    

Chapter 28

Sebastian POV

Nagsusuka pa rin ang mga myembro ng cheer leaders pagkatapos nilang mainom ang ice tea na nakalagay sa jug. Ngayon alam ko na kung bakit pumayag ito at natagalan sa pag gawa ng maiinom nila.

Sinubukan ko namang tikman ito. Hindi nga talaga maganda ang lasa. Nilagyan ata ito ni Jeisen ng asin. Ang alat kasi ng lasa nito na may pagkamatamis.

"Naisahan na naman ako ng babaeng 'yon!" Naiinis na sabi ni Maggie.

Hindi ko tuloy mapigilang matawa sa itsura nila. Ang pilya rin pala niya. Akala ko magpapa api ito. May binabalak lang pala.

"Anong tinatawa mo d'yan?" Tanong sa akin ni Lin. "Natutuwa kapa ata sa nangyari eh."

"Wala ah." Agad kong sagot. "Guni guni mo lang 'yon. Mag iinsayo pa ba ka'yo?" Pag iiba ko ng usapan.

Umiling naman ito.

"Sa itsura kong 'to Seb?" Nakataas kilay niyang sagot sa akin habang turo ang sarili. "Mukha bang kaya ko pang mag insayo. Peste talaga!"

Nagulat naman ako sa malutong na mura ni Lin sa akin. Ngayon ko lang siya nakitang tarayan ako. Hindi naman siya ganito dati. Parang may nagbago sa kanya.

Kinuha ko nalang ang gamit niya para ihatid siya sa kanila.

"Ihahatid nalang kita sa inyo ngayon. 'Wag ka namang magalit sa 'kin. Grabe nga ang pag-alala ko sa 'yo ng malaman kong na injured kana naman."

Lumambot naman ang mukha nito saka ngumiti.

"S-sorry. Hindi ko sinasadya." Hinawakan niya naman ang kamay ko. "Sige, ihatid muna ako."

Nagpaalam na rin ito sa mga kasama niya habang hawak hawak niya parin ang kamay ko. Naninibago ako ngayon sa kinikilos ni Lin.

Narinig ko namang pinag uusapan ng mga ibang studyante ang nangyari kanina. Nagtipon tipon kasi ang mga sinasabi ng mga babae na prince sa gym kanina.

Lalo na ang pagkausap ni Jeisen sa lalaking German na 'yon. Parang napaka natural lang kasi sa kanya ang pakikihalubilo sa ibang lahi. Mukha pa ngang interasado ito sa kanya.

Pero mas nagulat ako ang pagsulpot ni Zedrick sa tabi ni Jeisen. Isinuot niya ang jacket nito sa kanya. Para matakpan ang legs nito na kanina pa pinagtitinginan ng mga lalaki.

May relasyon ba sila?

Hindi ko tuloy alam kong tama ang pinasok ko. Kahit na gusto ko si Lin, hindi ko rin naman gustong makasakit ng ibang tao. Kahit pa ang tingin sa akin ng iba ay playboy at barumbado ako.

Pero dahil kay Lin naman ang ginagawa ko. Susundin ko nalang siya. Mukhang magkaibigan lang naman sila ni Zedrick dahil magkasama sila sa student council. Diba?

Tiningnan ko naman si Lin na ngayon ay tahimik na natutulog sa upuan ng kotse ko. Hinawakang ko ang mukha niya gamit ang isang kamay ko.

"Ang ganda mo talaga." Bulong ko. "Gagawin ko ang lahat para lang sa ikaliligaya mo. Susundin ko ang mga gusto mo."

Itinuon ko agad ang atensyon ko sa pag mamaneho para makapag pahinga na agad si Lin.

---

Jeisen Jee POV

Hindi ko mapigilang matawa sa mga itsura nila kanina. Kaya lang naman ako pumayag sa gusto nila dahil may naisip akong kalokohan. Sa kapatid ko 'to natutunan eh.

Malakas kasi 'yong mang bully at palaban.

Nakalabas na kami ni Zedrick ng gym dahil hinila niya agad ako ng akmang susugurin ako ng mga ka grupo ni Maggie. Akala nila maiisahan nila ako.

BMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon