BM66 - Lutos feet

16.9K 521 95
                                    

Chapter 66

Gareth Liu POV

Nakauwi nalang ako dito sa bahay pero wala paring reply ni Jeisen. Kanina pa 'ko naiinis at 'di mapakali dahil sa kanya.

Ano bang pinagkaka abalahan nun at kung bakit lagi nalang nawawala?

Nagpa gulong gulong nalang ako dito sa kama. Naamoy ko pa nga ang natural scent niya. Sa mga unan at sa kumot ko.

Kasama na dun ang amoy laway niya.

Nababaliw na nga ata talaga ako.

At dahil sa inis ko sa kanya, pinalitan ko nalang ang pangalan niya sa phonebook ko ng 'buday'. Bagay lang sa kanya ang name na 'yan.

Babangon na sana ako sa higaan ng biglang tumunog ang phone ko. Muntik pa 'tong mahulog sa mukha ko.

I checked it again to make sure if it's really her. Si buday nga! Kapapalit ko lang ng name niya 'e. Napalunok ako at napakagat ng labi.

S-she's really calling me.

Jeisen is calling me!

Calling Buday...

"Sabi na nga ba Jeisen. Hindi mo ako matiis 'e. Maypa tawag tawag kapa."

Naghintay ako ng second ring. Baka isipin ng babaeng 'to na atat ako na makausap siya.

Pero mag da-dalawang minuto na at hindi na uli ito tumawag.

"Tsk! Bad trip ka buday ha!" Tinuro turo ko ang phone ko as if naman na sasagot 'to sa 'kin. "Aish! Paasa ka masyado! Wala kang isang salita! Hindi ka tumutupad sa usapan Jeisen. Badtrip ka!"

Mukhang hindi na ata siya tatawag.

Babangon na naman sana ako ng tumunog uli ang phone ko. Napakagat na naman ako ng labi para pigilan ang ngiti ko.

Napaladalas na talaga 'to.

Calling Buday...

"Aha! Ikaw Jeisen ha... hmmm haha!"

Bumuga muna ako ng hangin bago ito sinagot. Pangalawang beses na niya akong tinatawagan. May sasabihin na naman kaya siyang weird kagaya nung nakaraang tumawag siya?

She's really unpredictable.

"H-hello?!" Nauutal na sagot ko. Daef lang! Ba't nga ba ako nauutal?

May naririnig akong parang ihip ng hangin sa kabilang linya at tunog ng alon. Nasa may tabing dagat ba 'to?

"Nabu budoy kana naman Gareth."

Tama ba narinig ko? Budoy talaga ang tinawag niya sa 'kin? Me? As in me 'the famous' Gareth Liu Fortel'?! Naningkit pa lalo ang singkit kong mata.

"W-whet!?"

Mariin akong napapikit. Yun na nga lang ang nasabi ko. Pumiyok pa 'ko.

Tumawa naman ito. Hindi gaano kalakas. Sakto lang. Ang sarap pala pakinggan ng tawa niya.

"Ang bayot mo dun ha." Natatawa parin ito. Nang asar pa siya.

At bayot daw. Halikan pa kita d'yan!

"Asar ka rin 'no?" Naiinis kong sabi sa kanya. "Why are you not texting me back? Hindi mo rin tinupad ang usapan natin kanina. Bigla ka nalang nawawala. Sa'n ka ba nagpupunta?!"

"Kalma lang. Mahina ang kalaban."

Kalma? Pa'no niya nagagawang kalmanti sa tuwing mainit ang ulo ko? Dapat natataranta na 'to ngayon dahil galit ako.

BMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon