Chapter 124 - Cross Examination 2

1K 80 10
                                    

G/N: Salamat sa suporta angels. Ilang chapters nalang .. 😊

--

Chapter 124

Jeisen Jee POV

I feel like a lost soul.

Isang ligaw na kaluluwa at umaayon lang sa bawat galaw nila. I have no direction at all. Gusto kong umiyak pero parang naubos na ata ito kahit na hindi naman talaga ako umiyak. And as much as I wanted to show any emotions, wala, wala at blanko lang akong nakatingin sa kanilang lahat.

I am Jeisen Jee Escitosh.

I am empowered woman.

But.. not anymore.

My flicker of hope is gone. Hindi ko akalain na kahit sa sarili kong kaso wala akong maisip na paraan. All I want is to end this all.  Mawala ako ng tuluyan at hindi na makita ng lahat. I no longer see my worth now. I feel like my last stroke is just to only breath. I want to evaporate. I want people forget my existence.

Ba't pa nila ako pinaglalaban?

Masama akong tao.

Reclusion Perpetua is my death.

I welcome death in me.

Napabalikwas ako para tingnan ang kamay na nakahawak sa kaliwang braso ko. Si Amil. Si Atty. Amil na siyang katabi ko. May inabot itong isang maliit na piraso ng papel kaya napa-angat ako ng tingin sa kanya.

"Pinabibigay," mahina niyang sabi at nginuso ang sa may bandang likod namin. Parang siyang suso sa ginagawa niya. Sarap tampalim ang bibig. Psh.

Kinuha ko naman ito. Mabuti at hindi na ako pinosasan. Nasa kabilang banda sina Atty. Bernal na kinakausap si John Lester. Si Uno ng Stygian Mafia. Magtetestigo raw ito. Ngayon ko lang ito nakita simula nung nasa Kampo Ginoo ako.

We will fight for you.

Napahugot ako ng hininga.

"Pañera, ang mag asawang Fortel nandito. Sila ang nagpapaabot niyan," mahina uling salita ni Amil. "The amount of support you are getting from them are just unbelievable.  Kung alam mo lang ang nangyayari sa labas ngayon, pañera. The sovereignty. We are using the sovereignty to fight for you. Kaya 'wag tayong mawalan ng pag-asa. Mananalo tayo. Ipapanalo ka namin. No more pain asses in jail, pañera. Tiwala lang."

Hindi ko maintindihan ang gustong sabihin ni Amil na sovereignty fight.

May pinaplano ba sila sa labas? 

Wala na akong balita.

Mga kasama ko sa silda may  cellphone na ginagamit pero lihim lang ito. May mga contact parin sila sa labas. Isa ito sa mga sekreto sa looban. Pero wala naman akong pakialam sa mga ginagawa nila. Sa kanila na ang mga iyon.

Napalingon ako sa bandang likoran ko. Ang mommy at daddy nga ni Gareth. Kumaway si tita sa 'kin tapos ay umaksyon ng 'aja' sign. Magaling na nga pala ito. Si tito naman ay bahagyang ngumiti at tumango lang.

Hindi ko alam kung ano ang itutugon ko. I've been numb and isolated. Kaya binalik ko nalang agad ang tingin ko sa harapan. Si John Lester na pala ang isasalang sa witness stand box.

Mamaya ako naman.

"You know what Jim Morrison said?" tanong ko kay Amil. Mahina lang ang boses ko. Sakto lang para marinig nito.

"A-Ah, ako ba tinatanong mo pañera?"

Napalinga ito at napapatingin kina Atty. Zarte na nakatutok lang sa unahan pagkatapos akong kausapin saglit kanina. Malamang siya ang katabi ko 'e.

BMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon