NOL 27 (XXVII)

887 67 80
                                    

Jennica Monique Sanchez POV

Nakapikit kong pinunasan ng damit ko ang aking mukhang naangihan ni Tatay nang nabuga niyang tubig. 'Tsaka ko nandudumilat na tinignan si Renz, balewala lang sa kaniya kahit basa ang mukha niya. Basta nakangiti lang siyang nakatingin kina Nanay at Tatay na masyadong nagulat sa sinabi niya.

"A-ano u-ulit a-ang sinabi mo, Iho? G-gusto mong maka-date sa Valentine's ang anak ko?" hindi makapaniwalang tanong ni Tatay.

"Yes po. Mamasyal lang naman po kami. Pagkatapos po namin kumain, ihahatid na po namin siya ni Mang Andoy sa mga lola niya. Hanggang 7 PM lang po kami ni Jennica, sunod ko po kasing ide-date sina Mommy, Grandma at mga cousins ko po."

"Friendly date po ang ibig sabihin ng alaga ko." Nagulat naman kami sa biglang sulpot nina Nanny Yves at Mang Andoy. Napakadami nilang bitbit na plastik at paper bag. "Special friends po kasi ng baby boy ko ang anak niyo."

"Ahh!" natatawang sambit ni Tatay. Nakahinga ito ng maluwag sa sinabi ni Nanny Yves.

Maski na rin ako ay nawala ang takot at gulat. Akala ko ide-date niya talaga ko tulad ng mag-boyfriend-girlfriend. Naudlot tuloy ang kilig ko. Date na pang kaibigan lang pala. Mayroon palang ganoon? Ngayon lang ako nakarinig ng ganoong klaseng date.

"Akala ko naman, eh. Halikayo, saluhan niyo kami sa hapunan," magiliw na aya ni Nanay rito.

"Hindi na, ho," tanggi agad ni Mang Andoy. "Idinaan lang po namin itong pinabibigay ng Doña sa inyo."

"Really? Grandma bought all that stuff for them?" masiglang sabi ni Renz.

"Oho, Señorito. Pinasusundo na rin ho kayo ng Doña. Kailangan niyo na hong umuwi ngayon din," ani Mang Andoy.

Napatingin ako kay Renz. Si Renz naman ay napatingin din sa akin nang nakanguso habang pinupunasan ang mukha niya gamit ang kaniyang panyo.

"Let's go, Baby boy," ani Nanny Yves.

"Hindi pa nakakakain si Kuya Renz! Isa kang halimaw sa banga!" bulyaw ni Odessa kay Nanny Yves, sabay tingin dito ng masama.

"Ahhh! Si Bugan!" tumatawang sabi nina SayJan at Caerwin habang nakaturo kay Nanny Yves.

Sa pagkakaalam ko ang tinutukoy nilang Bugan ay 'yong halimaw sa banga sa Super Inggo. Okay na iyon, medyo maganda na iyon kesa tawaging Bakekang.

"SayJan! Caerwin! Odessa! Nasa harap kayo ng pagkainan 'di ba?!" nandudumilat na saway sa kanila ni Nanay. Kung malapit lang sila kay Nanay siguradong makakatikim sila ng tigi-tigisang kurot.

Tahimik na nagpatuloy sa pagkain ang mga kapatid ko.

"Kung kumain na muna kaya kayo," sabi ni Tatay.

"Hindi na, ho. Salamat na lang, ho. Saan po ba namin ilalagay itong pinabibigay ng Doña... para sa inyo at sa mga bata," sabi ni Mang Andoy.

Tumayo agad sina Nanay at Tatay para tulungan ang mga ito sa pagbitbit ng mga dala nito patungong sala namin.

"Kuya Renz, sumubo ka muna. Dali! Habang hindi pa kayo umaalis!" ani SayJan.

"H-hindi na. Next time na lang. Thanks," bahagya nitong nginitian si SayJan. Tumayo na ito. "Bubuwit, uwi na ko, hindi man lang tayo nakapag-bonding. Dapat magba-bonding tayo mula 8 PM to 10 PM, eh, kaya lang pinapasundo na ako ni Grandma," malungkot pa nitong sabi.

"Ayos lang iyon. Sa susunod na lang," nakangiting aniko sa kaniya. "Ako na humihingi ng tawad sa nagawang pagbuga ng tubig ni Tatay sa atin. Nagulat lang siya."

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now