NO ORDINARY LOVE

1.3K 89 133
                                    

PROLOGUE

"Yun nga, binata't dalaga na tayo. Pero magkaibigan pa rin tayo. Kailan ba tayo magle-level up?"

Tinignan ko siya. "Umayos ka nga, kung ano-ano pinagsasabi mo riyan. Baka mamaya, mapadaan dito 'yung first love mong pinopormahan mo at inalayan mo ng kanta kanina. Torpe."

"Tsk. Kung ako torpe, ikaw naman manhid," bulong niya.

Siniko ko ulit siya at ang mokong nakailag. "Bubulong-bulong ka pa riyan, naririnig ko rin naman."

"Haha! Kumain ka na nga lang, wala pang bawas pagkain mo, ohh. Kaya malnourished ka pa rin, eh."

Hinubad ko ang suot kong pink masquerade mask at saka tinignan ko siya ng masama. "Ayoko ng tinitignan ako 'pag kumakain."

"Gusto ko naman panuorin ang bawat ginagawa mo. And I don't wanna miss a thing by Khalil Ramos."

"Dami mong alam. Tsk!"

Kahit na ilang na ilang, pinilit kong kumain kahit konti. Nabusog na ko sa pagtitig niya, letchugas na lalaking 'to.

"Ohh? Bakit ka huminto?" puna niya sa'kin. "'Wag mo sabihing diet ka pa ng lagay na 'yan."

"Busog na ko."

"Hahaha! Seryoso? Eh, parang wala namang nabawas."

"Ewan ko sa'yo. Bahala ka nga riyan."

Akma na kong tatayo nang hilahin niya ulit ako pabalik sa kinauupuan ko. "Dito ka lang. Baka may makatisod sa'yo riyan, de nanuno mo pa."

"Tsk!" Inagaw ko ang kamay ko sa kaniya at kinuha ko 'yung gift ko for him na nasa ilalim ng mesa. "Ito, ohh. Pagpasensyahan mo na."

Tinanggap niya naman iyon. "Wow! Thank you. Nakakahiya naman, nag-abala ka pa. Ito ang huli kong bubuksan mamaya."

Tapos madi-disapoint ka lang, unan lang naman ang laman niyan na may pagmumuka ng Pokemon character na si Raichu. At least nag-evolved na from Pikachu.

"Welcome. Umayos ka nga ng upo," sabi ko ulit.

"Ano ba problema sa pag-upo ko?" And I'm sure na nanunulis na naman ang nguso niya. "Kaya nga pinapatay ko ang ilaw para makada-moves."

Dami niya talagang alam. "Puwes doon ka sa first love mo duma-moves."

"Hahaha! Ganiyan din ba ginawa mo kay Tagno? Balita ko niligawan ka nun pero binasted mo lang."

Pati ba naman iyon nalaman niya? Naalala ko tuloy 'yung speech ng malignong 'yon about sa paghihintay sa'kin yesterday. 'Di ko ma-imagined na siya ang maka-forever ko. Brrr!

"Bakit mo siya binasted? Ang gwapo na kaya nun ngayon," follow up pa na tanong nito.

"Ayoko sa kaniya."

"Bakit ayaw mo sa kaniya?"

Seryoso? Kailangan pa bang tanungin 'yon. Alam naman niya kung paano ko isumpa yung malignong 'yon, noon. "Basta, ayoko sa kaniya."

"Dahil ba sa pag-bully niya noon?"

Alam mo naman pala, tinatanong mo pa.

"Tama ako, noh! Haha. Kayo talagang mga babae, ang slow niyo."

"E'di wow. Kayo ng mga lalaki ang magaling." Magaling maglaro ng feelings.

"Kaya nga binu-bully ka ng Tagnong 'yon, kasi nga may crush siya sa'yo. Iyon lang ang paraan niya para mapansin mo siya."

Napa-roll eyes ako. "Paano mo naman nalaman na ganun? Ka-close mo ba siya?"

"Hindi," sagot niya agad.

"Ohh! Hindi naman pala. So pano mo nalaman na way niya lang 'yun para magpapansin sa'kin?" Kibit balikat kong tanong.

"Kasi, ganun din ako."

NO ORDINARY LOVEWo Geschichten leben. Entdecke jetzt