NOL 57 (LVII)

1.1K 116 207
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

(Monday, January 22, 2018)

Iiling-iling ko na lang pinagmasdan ang nagbabantay kuno sa aking sina Nikki, Patricia at Gian na napakasarap ang tulog sa mga kinapupuwestuhan nilang higaan. Ang nakatoka naman sa aking nurse na kambal, tutulog-tulog din sa isang gilid.

Kesa hintayin ko pa silang magising at magpadaig ako sa takot ko. Ako na lang mismong mag-isa ang tumayo sa kinahihigaan kong hospital bed at nagpunta ng CR nitong ward na kinaroroonan ko.

Tama nga si Renz mayroon ngang butas ang pader nitong CR. Napakaliit lang naman no'n, kasyang-kasya ang isang ballpen. Hindi ko na lang inintindi iyon. Ginawa ko na lang ang lahat ng gagawin ko rito sa CR at nang matapos ay lumabas na agad ako.

Bumalik na ako sa hospital bed ko't naupo sa gilid nito upang inspeksyonin 'yong mga nakalagay sa side table at isang estante na punong-puno ng mga bigay sa akin ng mga dumadalaw. Iyong mga bulaklak nga naroon sa bench.

*tok tok tok*

Napatingin ako sa may pinto at hinintay iyong bumukas pero hindi naman iyon nagbukas kaya nagtungo ako sa gawing pinto para silipin sa butas nitong pinto ang labas.  Wala namang tao pero–

*tok tok tok*

Napalayo ako nang wala sa oras sa pinto.

"Uy, Paul, may tumatawag!" dinig kong sigaw ni John. Napatingin ako sa kinaroroonan nila, doon sa cellphone na hawak ni John na ang ringtone ay pagkatok sa pinto.

Aish! Ringtone lang pala iyon. Akala ko ba naman... pero parang may kumatok talaga, eh. Pero ang mahalaga hindi ako sumigaw sa takot.

"Uy, Jennica, bakit ka nakatayo?!" anang kambal na sabay ding tumayo sa pagkakahiga nila sa isang gilid para lapitan at alalayan ako sa pagbalik ng hospital bed ko.

"Tulog kayo, eh. Nahiya akong gisingin kayo kaya ako na lang mag-isa nagpunta sa CR," nakangusong aniko. 

Napakamot na lang ang mga ito sa ulo nila habang nagtitinginan sa isa't isa at sa mga tulog din naming kaibigan na nagbabantay din kuno sa akin.

JERON RENZ SANTILLAN POV

"Sorry kung hindi na ko nakabalik yesterday. Kanina lang kasi ako nagising," nahihiya kong sabi kay Jennica na busy sa pagkain ng dinala kong fried chicken and spaghetti. 

"Okay lang, 'no. Sina Nikki, Patricia, Gian at ang kambal nagbantay sa'kin dito. 'Tsaka bakit ba hindi pa ko puwedeng lumabas. Okay naman na ko."

"Hindi pa puwede, nilalagnat ka pa at kailangan mo pang ubusin ang dextrose mo." 

"Nilalagnat ka riyan. Wala na, oh! Tignan mo pa. 'Tsaka mukang hindi naman nababawasan ang dextrose na 'yan. Dinadagdagan yata ng mga nurse para mag-stay pa ko rito nang matagal."

"Pinaghinalaan pa ang nurse." Tatawa-tawa akong tumabi sa kaniya. "Naiinip ka na ba? Kung gusto mo… ipapasyal kita sa labas," bulong ko.

She nodded immediately. "Oo! Sige! Gusto ko 'yan! Doon tayo sa 5th floor na nadidinig kong pinagkwe-kwentuhan ng mga babaeng nurse kanina. Haunted daw ang room 505, lahat daw nang pinagru-room don, nadededo."

"Kung ganu'n naman pala dapat hindi na nila pinapagamit ang room na 'yon?"

"Oo nga, pero nag-research ako about dito sa hospital. Pina-hack ko kay Norby ang page nila. And we see the convo between the owner of this hospital and--" Pinakita nito sa'kin ang naka-screenshot na image sa phone niya. Three star na nasa loob ng isang eye. "Hindi ako sure kung gang organization ba ito? O occult? Kasi ayon do'n sa nabasa naming convo nila. Para raw ma-maintain ang paglago nitong hospital kailangan ng alay. Ang creepy 'di ba?!"

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now