NOL 62 (LXII)

1.1K 123 211
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

"No, mahal pala! Mahal na mahal kita Jennica!"

Nandudumilat kong nilingon ang balon, gusto ko iyon lapitan para alamin kung sino siya ngunit tila ba napako ang aking mga paa sa aking kinatatayuan. Hindi ko rin magawang magsalita, nalunok ko yata dila ko sa sobrang shocked sa confession nito.

Meanwhile, nasa harap ko na ulit ang drone na may nakadikit na ngayong one piece of red Ecuadorian Rose with my picture na kakuha-kuha lang ngayon. As in ngayon lang mismo, kung ano reaction ko nang marinig ko ang confession, gano'n na gano'n ang nandito. Nilibot ko nang tingin ang paligid, wala naman akong nakitang tao. Gusto ko i-check ang bawat sulok pero hindi ko talaga maihakbang ang mga paa ko. Kaya tinignan ko na lang ang likod ng picture with note na....

"Don't talk. Stay where you are. Just listen."  - Mr. Left.

Mula ulit sa loob ng balon, may narinig akong tunog ng gitara. Umupo ako sa pinakahuling baitang at pinakinggan na lang iyon. Gusto ko pa marinig ang boses niya, baka sakaling makilala or kilala ko siya.

Now Playing: O ilaw by Reuben Tagalog

Napangiti at natawa ako sa boses nito, kapanahunan pa 'ata ng lolo't lola namin ang kinakanta niya. If I'm not mistaken, madalas iyon ipangharana sa mga classical movies noon.

Date: Saturday, January 27, 2018
Time: 10:35 AM
Location: Bataan Rest House (Girls Room) 

Dear Mareng Diary,
      Kagabi ko pa sana gusto isulat ito kaso nakatulog na ko. Alam mo ba kagabi hinarana ako ni Mr. Left, ang nakakatawa pa roon yung kanta niyang pang-sinauna pero maganda naman ang meaning. Tapos binigyan pa niya akong Ecuadorian rose, favorite flower ko 'yon. Hihi!
      Pero ang malaking palaisipan pa rin talaga sa akin kung sino siya? Sino siya sa mga lalaking kasama namin dito sa rest house? Ayan na naman, umaandar na naman pagka-feelingera ko. Asa naman akong isa sa kanila, ang guwa-guwapo kaya no'n! 'Tsaka mukang mataas ang standards nila sa babae.
       Aish! Iyon na nga lang ang pag-uukulan ko nang pansin. Kesa magmukmok, magpaka-bitter, isumpa ang mga kalalakihan at alalahanin ang aking pagkasawi kay Sir Kersey. Huhulihin ko na lang kung sino ang Mr. Left na ito, yari siya sa'kin!

Binaling ko ang aking tingin sa red Ecuadorian rose na nilagay ko sa isang clear jar na nakapatong sa side table ko, napakaganda talaga. Parang enchanted rose sa Beauty And The Beast'.

"Uwaaa!" Nalipat ang aking tingin sa bestfriend kong nababaliw na naman. Gumugulong-gulong ito sa higaan niya at sinabunot-sabunutan ang sarili. Epekto nang pag-isnab ni Aenon kagabi. "Aish! Halos ilabas ko na ang lahat-lahat sa akin, wala pa rin sa kaniya! Ano ba gusto ng lalaking 'yon! Puri ko, pwes handang-handa ko ibigay iyon sa kaniya anytime! Kung gusto niya 24 hours pa! Everyday! Uwaa!"

Nakakakilabot naman mga pinagsasabi ng bestfriend ko na ito.

Tinago ko na ang diary ko sa ilalim ng aking unan. Kinuha ko ang polaroid camera na pinahiram sa'kin ni Renz. Lumabas ako ng kuwarto namin at bumungad sa akin ang kalalabas lang din ng katapat naming boy's room na si Edritch. Hindi naman niya ako napansin dahil may kausap siya sa cellphone. 

"Sige na, oo na, magpapaalam na ako sa kanila," nakasimangot na anito sa kausap niya sa cellphone, dire-diretso siyang humakbang patungo sa hagdanan.

Sa gusto kong iwasan ang may saltik na si Edritch at makapag-picture ng walang istorbo't mambu-bully. Humakbang na lang ako patungo sa natuklasan kong daan kagabi. Nakabukas pa rin ang pinto nito kaya dito na lang muna ako magsisimula.

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now