YHOONICA'S NOTE

2.1K 209 67
                                    

Ang istoryang ito ay nagmula mismo sa akin at walang sinuman ang kinopyahan. Kaya pakiusap lang po, MAGING YHOONICA! Doon ko pa naman kinuha 'yung username ko sa pagiging Unique. So samahan niyo po akong isulong ang NO PLAGIARISM. Ang dami na po kasi nila. Haha!

Pansamantalang, time out po muna tayo sa genre na fantasy. Masyado kasing mainit ngayon ang genre na 'to dahil sa palabas na Hwayugi and other KDrama na fantasy, madaming gumagaya, eh. Charot.  Haha!

So, as of now, pagbigyan niyo muna po ang kalandian ng inyong lingkod. Mag romance po muna tayo plus comedy plus youth plus slight spg po ito dahil sa mga words or other scene na hindi naaayon sa edad 9 years old pababa. Mga neng, totoy, bawal pa po sa inyo 'to. Biro lang. 

Pa-shout out pala dun sa mga friendships ko in person at dito sa wattpad na kahit ang napakabagal ng progreso ng aking pag -update, nagtiyatiyaga pa ring maghintay. Many to mention, pero alam niyo na kung sino kayo. Love lots.

Well, salamat din pala dun sa mga nagmarka ng kalendaryo nila. Ito na ang malaking pasabog na sinasabi ko sa inyo. I really really really try my best pero wala, eh, kapos talaga. At pasensya na rin kung napaka-common ng title, wala kasi akong maisip na matinong pamagat kundi 'yan lang. Pero mas bet ko talaga 'yung "ANG BOYFRIEND KONG SUEPUTH" wahahaha. Peace hihi.

Heto na nga po, mananahimik na ko. May tinatamaan, eh, 'di kasi marunong umilag. Hihihi! Nakaganti rin ako. Yipee! So ito na talaga, don't skip reading, libre votes and comments pero bawal gayahin.

I dedicated this story to my beloved number 10010010001 fans. Charr

Edit:

Finally! Nakagawa rin ako ng Story Description nito. Hahaha! And, sad to say naiba na 'yung title but mananatili pa rin Story of Us (SofU) sa akin. Pero bet ko pa rin talaga ANG BOYFRIEND KONG SUEPUTH. Hahaha! Sana'y bigyan niyo ng puwang sa inyong mga puso ang bagong title nito.

Muli, samahan niyo po akong magbalik tanaw, umpisahan ang kanilang walang hanggang nobela. Asahan na pong maraming pagbabago. May madadagdag na mga eksena at ilang tauhan sa kanilang kuwento. Pakatandaan po silang mabuti nang sa ganoon ay hindi po tayo malito. Mayroon naman po akong ilalagay na listahan ng mga character, pakitignan na lang sa pinakahuli ng bawat bahagi ng kuwento, after Playlist. Sa mga hindi nakakaalam, nahahati po pala ito sa apat na parte. Kayo na lang mismo ang tumingin. Ayoko na mang spoil kung anong highlights ng every part. Hahaha!

And napagdesisyunan ko ring hatiin ito. Bale dito nakapaloob ang PART I AND PART II. Nakakatamad na talaga kasi basahin kapag sobrang haba, tipong umabot na ng 100 plus chapter. Feel ko kayo. Hahaha! Kaya 'yung PART III AND PART IV sa kabilang book ko na lang ilalagay. Continuation na lang ang bilang para ebrybady happy.

Maraming maraming maraming maraming maraming salamat po pala sa lahat ng sumubaybay nito. Tatlong taon na pero hindi ko pa natatapos. Pasensya na, hirap talaga ako bitawan ito dahil sobra na itong napamahal sa akin. Please bear with me, darating din ang araw na mapapalaya ko sila. 🤧

Maraming salamat din po pala sa gumawa ng new cover nitong NO ORDINARY LOVE. Hindi ko na kayo babanggitin. Alam niyo na kung sino kayo. Maraming salamat! Goodluck sa writing journey natin. Stay healthy and God bless everyone!❤️❤️❤️

NO ORDINARY LOVEDove le storie prendono vita. Scoprilo ora