STORY OF US

2K 218 250
                                    

Hindi ko aalisin itong chapter na ito bilang pag-alaala sa dating pamagat nitong aking nobela.

---

Madaming beses ko nang tinangkang umpisahan.
Pero 'di ko alam kung sa paanong paraan ko sisimulan.

Sabi ko nga, sa ibang araw na lang pag kaya ko ng sariwain muli ang ating nakaraan.

Lumipas ang ilang taon sa 'di sinasadyang pagkakataon.

Nabuklat kong muli ang isang kwaderno. Isang kwadernong talaan ng ating ala-ala.

At umayon naman sa akin ang tadhana, dahil nang mga oras na 'yon ay nag-iisip ako kung ano ba ang dapat kong ihandog sa'yo.

Sapatos ba? Bag? Damit? Relo? Singsing? Kwintas? Album ng paborito mong banda? O boxer na may kasamang brief na may burdang pangalan mo ulit?

Pero naisip ko, marami ka na nun. Marami ka naman pambili nun.

Saktong-sakto naman na nag-text ka, "Oi! Author, kailan mo ba balak mag-update?"

Napatulala ako do'n sa hawak kong napakalumang kwaderno at kasabay nun ang paulit-ulit na pag-sink in sa utak ko ng text mo.

Hanggang sa may namuong ideya sa aking isipan.

Isang ideya na sobrang nagpangiti sa akin.

Alam kong mahirap at kulang sa panahon, pero handa akong sumugal.

Kilala mo naman ako 'di ba? Gusto ko yung ma-effort, dahil ganun din ako.

Kaya pagpasensyahan mo na ang munti kong handog, 'di man ito expensive pero ako yung mismong gumawa nito.

Hindi ito made in China, Japan, Korea, Hongkong­, Thailand, Singapore o Philippines.

Made in BABY CUTE mo 'to!

Ui, wag kang tumawa! Seryoso ako. Nagmula ito sa aking puso't isipan na ikaw lamang ang nilalaman.

Halika basahin mo 'tong....

STORY OF US

🌹Yhoonica🌹


NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now