NOL 26 (XXVI)

919 70 110
                                    

Jennica Monique Sanchez POV

Ang lalaruin namin nina Patricia at Nikki na 10-20 at Chinese garter ay nauwi ulit sa langit lupa pero sa pagkakataong ito ay tamang paraan na ang ginawa namin. Na kung sino ang matira, siya ang taya. At kapag nakataya ang nasa lupa kailangan na niya agad umakyat sa langit at sabihing 'langit' dahil maaaring tayain ulit siya ng panibagong taya na nasa lupa.

"Ah! Buro ka na, Vivo! Haha!" asar dito ni Patricia.

"Boss, iba na lang laruin natin!" ani Gian. 

Mukang inip na rin ito sa sitwasyon naming mga nasa langit na puro pilapil lang ang tinutuntungan. Iba talaga kasi kapag may iba pang masasampahan. Tulad doon sa  playground nila Renz sa Mansion ng Lola niya

"Oo nga, Boss! Moro-moro na lang, oh!" suhestiyon ni John.

"Ewww. Kadiri! Pang-lalaking laro. E'di kayong mga lalaki na lang maglaro ng moro-moro. Kami na lang mga babae mag-10-20," ani Nikki.

"Ewww.. kadiri.." panggagaya rito ng kambal at ni Gian habang maarteng nakatirik ang kanilang mga mata. 

Gayang-gaya talaga nila si Nikki. Haha!

Nagtatawanang umatras ang mga ito nang akma silang babalibagin ni Nikki nang hawak nitong suklay at salamin.

"Cherry de apple na lang laruin natin!" suhestiyon ni Patricia.

Gusto ko rin ang larong iyon. Hihi.

"Boring!" singhal ni Gian kay Patricia.

"Ang sabihin mo, bobo ka lang!" nakapamewang na sigaw rito ni Patricia.

"Ahh! Momo! (Ahh! Bobo!)" tumatawang ani Vivo habang nakaturo kay Gian. Nakatikim tuloy siya ng batok dito.

"Amoy kanal ang hininga!" depensa ni Gian.

"Baka 'yung kili-kili mo, amoy kanal! Haha!" ani Patricia rito. 

At nagkasabay na sila sa pagtukso sa isa't isa. Para talaga silang aso't pusa.  Ang sakit nila sa tenga pero sabi nga nila... diyan nagsisimula ang lahat. Ika nga nila'y, "Diyan nagkatuluyan ang lola't lolo ko." Hihi.

Nakisali na rin sa pakikipagbangayan nila ang kambal versus sa mag-bestfriend at kay Vivo. Na nauwi sa paghahamunan nila ng showdown na itlog na pabilog-bilog, kaya mo ba to?! at Miss Irap, Miss Model, na pagandahan ang pag-irap at pagmo-model.

Linalaro ko rin iyon pero ako lang mag-isa na nakikipag-irapan at model sa sarili ko sa harapan ng salamin ng tindahan ni Lola.

Umupo na lang muna ako sa tuyong pilapil at nanood sa kanila. Tumabi sa akin si Renz pero bago siya umupo ay nilagyan muna niya ng sapin ang uupuan niya. Ang arte talaga.

"Bubuwit." Sa kaniya nabaling ang tingin ko. "Punta tayo sa true house niyo sa Saturday, ha."

"Sige. Sasabihin ko kila Nanay."

Nakangiti lang itong tumango. Ibinaling ko na ulit sa mga kaibigan naming nagsho-showdown ang tingin ko. At kapagkuwa'y tinignan ko siya sa gilid ng aking mga mata. Nakangiti pa rin siya habang nakatingin sa akin.

Tumingin ulit ako sa kaniya nang nakakunot ang noo. Umiwas naman agad ito ng tingin at ibinaling ang tingin sa mga kaibigan namin habang nakangiti. Nangangamatis na naman nga ang buong mukha at tenga niya.

Sinalat ko ang noo niya kaya napatingin siya ulit sa akin. "Wala ka naman lagnat pero bakit ka namumula? Nahigad ka ba?" tanong ko. Tinanggal ko na ang kamay ko sa noo niya. Inobserbahan ko naman ang balat niya, wala naman siyang pantal-pantal. Basta namumula lang siya.

"Ikaw kasi, eh," humahagikgik na anito.

"Anong ako?! Hindi naman kita kinakagat diyan."

"'Yung puso ko nginatngat mo. Bubuwit ka talaga," binulong niya lang iyon kaya hindi ko gaanong naintindihan. "Don't mind me. I'm okay."

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon