NOL 65 (LXV)

1K 98 143
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

"How many times do I have to tell you? Stay by my side no matter what..... my baby cute." 

Nakanganga kong tinignan si Renz, nakangisi siyang umiwas ng tingin sa'kin at isinoli sa super shocked na shocked na Emcee ang microphone. Tapos, yung mga tao natahimik din ngunit maya-maya nagbulungan na sila. 

They think na girlfriend talaga ako ni Renz. Pashnea ka talaga Renz, humanda ka sa'kin mamaya. Argh!

Nawala na ang awkwardness nang magsimula ulit mang-interview ang emcee. About sa kung ano ang naramdaman nila nang pagtangkaang pasukin ang rest house nila ng mga bad guys. Kung ano-ano ang mga ginawa nila that time. At sino-sino ang mga kasama nila noong mangyari ang insidente. 

Sinagot lahat iyon ni Aenon except sa kung sino-sino ang mga kasama nila dahil pinoprotektahan daw nila ang mga taong nagligtas ng buhay nila. Which is kami 'yon. 

Malaking salot sa lipunan ang nadispatya namin kaya dapat mag-ingat. According to them, gusto pa nga raw kami parangalan ni Mr. President of the Philippines dahil sa napuksa namin ang isa sa mga sakit ng ulo niya na 'Makuto group'. Sila ang napapabalitang brutal na pumapatay ng mga inosenteng turista. Yung pinupugutan nila ng ulo on live cam, kapag hindi naibigay ang hinihingi nilang ransom money. 

That's why sobra akong nagpapasalamat at hindi ako nakuha. Juicecolored! Nakakakilabot everytime na maaalala ko. 

"According to the news, professionals daw ang mga ito?" tanong pa ng emcee.

"Yeah. Geniuses too," si Dammy ang sumagot.

Lalo tuloy silang naintriga sa geniuses na sinasabi ng magpipinsan na ito. Mga tsismosa nga naman. 

"Sasamantalahin ko na ang pagkakataong maipa-introduce ang sarili niya in public." Lumapit sa'min ang emcee, nagtilian ang mga malalanding audience. "Can you introduce yourself to us?"

Tumingin si Renz sa'kin, pairap kong binawi ang tingin sa kaniya at binaling ang tingin sa left side ko-- kung saan nakapuwesto si Chloe. Todo ngiti nito sa'kin kaya nginitian ko rin siya.

"I'am--- Jeron Renz Santillan." at ang sakit sa eardrums. Letche, napakakikire parang mga nakawala sa koral ng kalabaw, baka, kabayo, baboy, kambing. Ahh! Basta hayop, asar. 

"Ano ang mga pinagkaka-busy-han sa buhay?"

Mam-bully, mambwisit at inisin ako. 

"A lot. Many to mention."

"Oh. Kaya pala. Busy person pala siya. Why do you always cover your face? Can you remove that for at least a second?"

"No."

"Oh, why? According to them, mas pogi ka raw sa kanila?"

"No."

Napaka-boring namang interview-hin lalaking 'to. Sarap salaksakin ng microphone sa ngala-ngala. 

"His a liar. Haha!" natatawang side comment ni Ahbu. "He is the best of being handsome."

"Yes, he is," tumatawang sang-ayon nila Aenon kaya lalong umingay sa loob ng gymnasium. 

Sinisigaw nila na 'Hubadin na 'yan!' ng paulit-ulit. Nangingibabaw ang bunganga ng mga friendships naming nakapuwesto sa harapan lang ng stage.

"Okay. Okay. " Nagsitahimikan ang lahat. "Before we exit, I have an announcement." Pumuwesto si Renz sa center stage. "Don't forget to record it."

Bigla tuloy akong kinabahan.

"What is it kaya? Do you know about Kuya Jeron's announcement?" tanong sa'kin ni Chloe. 

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon