NOL 43 (XLIII)

1.3K 145 272
                                    

JERON RENZ SANTILLAN POV

After namin mag-meditate. Sa mini temple ng mansion ni Grandma kami dumiretso. Naabutan namin dito ang mga tropa kong bagets na sina Cero, Mirko at Brix na nag-aayos ng mga gagamitin para sa ritual. So naka-ready na pala ang lahat.

Umakbay sa'kin si Ahbu. "Pinlano namin 'to kagabi."

Lumapit sa'min si Cero at may inabot sa akin itong picture ng isang naka-formal attire na lalaking nasa tapat ng bahay nila Jennica. In the next picture, may iniwan itong paper bag. Nag-flash back sa'kin 'yong laman ng paper bag kagabi. Puro chocolates 'yon.

"Gian sent me that pictures last night through Messenger . I print it out to show you. He is Kersey." Turo ni Cero sa lalaking nasa picture.

Kersey? Naalala ko 'yong Christmas morning na tinawagan ko si Jennica. Someone shouted about that person may bulaklak daw itong dala para sa kababata ko.

Nalamukot ko ang picture sa sobrang inis. Umeepal na nga 'tong si Tagnong Maligno este Tagnong Tamawo dahil pumuti na kasi siya ngayon. Lumaklak 'ata ng sangkatutak na Gluta. Tapos ngayon, meron pang Kersey na 'yan. 'Di ako papayag! Hinding-hindi.

"Simulan na natin ang ritual," seryosong sabi ko.

Pumwesto na ko sa may center ng heart shape na napapalibutan ng mga kandilang hugis puso rin. Tanging ito lamang ang nagbibigay tanglaw sa buong mini temple na kinaroroonan namin. Sinara na kasi nila lahat ng bintana at hinarangan na nila ito ng kurtina. Kahit na ang tinted glass door. 

Pinalibutan na nila ako. Lahat sila may hawak na garapon. Maliban kay Ahbu, maliit na bilao ang dala nito at palaspas. Tapos may suot din silang koronang may dahon ng bayabas. Nangangamoy, eh. Aircon pa naman dito.

"Are you ready, Fourth Dude?" Ahbu asked.

"Yeah, I'm ready." I answered.

Ilang minutong katahimikan ang namayani bago magsalita ulit si Ahbu ng kung ano-ano. Pinigil ko na lang ang sarili kong hindi matawa sa introduction niyang 'di ko maintindihan.

He looks like Vhong Navarro as Mang Kepweng sa ayos niya. Akala ko ba naman seryosong ritual. Kalokohan na naman pala. Masakyan na nga lang. Ayoko masabihang kill joy.

"DJ Cero! Music Please!" Sa dinami-dami ng mga pinagsasabi niya, iyon lang ang naintindihan ko. At nagsasayaw na silang lahat sa saliw ng tugtuging Harlem Shake. Kaniya-kaniya silang step habang iniikutan nila ko. Parang mga tanga. Haha!

Nang huminto ang music. Winasiwas na ni Ahbu ang hawak niyang palaspas sa ulo ko.

"Ohh, Fourth Dude aming pogeng pinsan at katropa. Iwaksi mo na sa iyong pagkatao ang katorpehan~" anito habang may hinahagis sa aking pino na kung ano. Nakigaya na rin sa kaniya ang mga katropa namin. Sh*t! Salt pala. Mukha ba kong aswang para paliguan nila ng asin? "Iwaksi mo na 'yan! Wala sa lahi natin 'yan. Pambihira ka~"

"Ahummm.." sagot naman ng mga tropa namin.

"Hey! Stop! Pwe! Hey!" aniko.

"Apo ka pa naman ng kapitag-pitagang dakilang babaerong Santillan tapos ganiyan ka~"

"Ahummm.."

"Hey, Guys! Stop!"

"Magtigil ka sa kakainarte riyan. 'Di pa kami finish ~" Tangeneh! Napakaalat ko na. "Aba, Fourth Dude, inuulan ka na ng asin. Ang katorpehan ay iwaksi mo na. Bukod kang pinagpala ng kapogean sa aming lahat kaya mamigay ka naman kahit konti lang."

Tsk. Niloko pa ang Aba Ginoong Maria. Lord, forgive them.

"Ahummmmm.." anila.

Sa wakas, natigil na rin ang pagpapaligo nila sa'kin ng asin. Ang hapdi sa balat.

NO ORDINARY LOVEWo Geschichten leben. Entdecke jetzt