NOL 32 (XXXII)

650 57 12
                                    

Jennica Monique Sanchez POV

"See, mas bagay sa'yo iyang dress na bigay ko sa'yo. Ako pumili niyan!"

"Baka kasi magtampo ka na naman kapag hindi itong bigay mo isinuot ko," nakangusong aniko.

"Hahaha! Tara, sakay ka na."

Napansin kong hindi endless love bike ang dala niya. Three-wheels iyon na mukang bagong bili lang. Tapos may suot pa siyang pang protekta sa ulo, kamay, siko at tuhod.

"Kanino iyang three-wheels?"

"E'di akin! Tapos ibibigay ko kay Pareng Jinggoy. Napansin ko kasing luma na 'yong three-wheels niyang gamit papasok sa school."

Ang bait talaga niya. "Marunong ka ba niyan mag-drive, ha?! Baka mamaya managasa ka ng paa."

"Igaya mo naman ako sa'yo. Hahaha!"

Namimilog ang mga matang tumingin ako sa kaniya. "Paano mo nalaman na nakasagasa na ako ng paa gamit ang three-wheels?"

"Haha! Kinuwento sa akin ng mga kapatid mo. Haha!"

Nakanguso na lang akong umikot pakabila at sumakay sa side-car ng three-wheels niya. "Tumigil ka na nga sa kakatawa riyan. Tara na!"

Pinaandar na niya ito pero tawa pa rin siya nang tawa. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga nadadaanan naming tao.

Isa sa nadaanan namin sina Brittany at Melque na nakapayong habang palihim nilang sinusundan si Vivo na mag-isa na ngang naglalakad, nadadapa pa. Pero kunwari hindi namin siya nakita at mukang hindi naman niya kami nakita ni Renz.

"Ngango ngang mano nga! (G*go kang bato ka!)" bulyaw ni Vivo roon sa batong naging rason kung bakit siya nadapa.

Pagkalagpas namin sa kaniya, saka kami tumawa ni Renz. Sorry po, Papa Jesus, alam ko pong mali ang tumawa sa nangyari kay Vivo pero nakakatawa po talaga kasi siya.

"Sinisi pa bato, eh!" ani Renz sa gitna ng kaniyang pagtawa. "Kila Gian siguro siya pupunta."

Nang marating namin ang eskinitang papasok sa teritoryo nila. Tumingin-tingin muna si Renz sa buong paligid para tignan kung mayroon bang tao. Nang wala naman ay ipinasok niya agad ang three-wheels dito.

Lumingon ako sa pinakalabasan ng eskinita, na hindi ko na dapat ginawa pa dahil nakita ko roon si Tagno at ang mga kaibigan niyang nakatingin sa amin habang nakasakay sa mga bike nila.

"Renz, sila Tagno! Nakita nila tayong pumasok dito!" aniko. "Mukang susundan nila tayo!"

Lumingon si Renz sandali. Nakangisi nitong ibinalik ang tingin niya sa daan at binilisan pa niya ang pagpedal. "E'di sundan niya."

"Sinusundan nga nila tayo, Renz! Baka ma–" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang may pumito at mula sa nadaanan naming tapat ng isang magkatapat ng puno ay may naglabasang apat na sundalong may sukbit na mahabang baril. Nakaharang sila sa daanan, inaabangan nila ang paglapit nila Tagno.

"Don't worry na, Bubuwit, safe tayo rito," nakangising ani Renz.

"Baka malaman nila ang secret mo," nag-aalalang sabi ko.

"Huwag mo na problemahin 'yon. Ako na bahala roon," natatawang sabi ni Renz. "Ang mas mabuti pa, punasan mo na lang ang pawis ko."

"Tanghali kasing tapat nakapang mahaba ka pa. Para kang nasa Baguio, balot na balot." Kinuha ko bimpo ko sa dala kong bag pack, dahan-dahan akong tumayo palapit sa kaniya at pinunasan ko ang namumuong pawis niya sa noo, leeg at batok. Mayroon naman siyang good morning towel sa likod niya kaya hindi ko na iyon dinamay.

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now