NOL 60 (LX)

1.1K 119 182
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

"What?" hindi makapaniwalang bulalas ni Farah. Ako rin naman sobrang nagulat sa sinabi ni Renz. Ni hindi nga ako makapagsalita at makapalag sa pagkakahawak niya sa kamay ko. "Are you out of your mind, Jeron? Thi-- this girl is your girlfriend?" Turo nito sa'kin. 

Pinamewangan ko siya gamit ang malaya kong kamay. Sa tono nang pananalita niya parang may ibig siyang sabihin, ha. Ganoon ba ko kapanget para sabihin niyang nawawala na sa sarili si Renz at ako ang pinatulan kuno nito. 

"Upakan ko kaya babaeng 'to nang malaman niya pinagsasabi niya," bulong ko.

Pinisil ni Renz ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. Umiling ito. "Hayaan mo na. Ganiyan lang talaga 'yan, kulang sa pansin," pasimpleng bulong nito sa'kin.

Whatever! Tsk! Binalik ko na lang ang tingin ko kay Farah na pinagmamasdan pa rin ako mula ulo hanggang paa tapos magtataas siya ng kilay. Hinawi ko bangs ko at tinaasan ko rin siya ng kilay. Akala mo ikaw lang ang marunong, ha! Ako rin, 'no! 

"I can't believe this! Hindi ko alam na bumaba na pala ang standards mo pagdating sa babae." 

Impaktita pala ito, eh! Marahas akong kumalas sa pagkakahawak ni Renz sa kamay ko. Sinubukan ako nitong pigilan pero wala siyang nagawa dahil nakalapit na ko kay Farah at pinamewangan ko ito. Nakatingala ako sa kaniya kasi matangkad siya tapos nakasuot pa siya ng heels. "Hoy!" Duro ko sa kaniya. "For your information, hindi ka maganda, maputi at matangkad ka lang. Kaya huwag kang mag-feeling diyan bago ko pa makalimutang may pinag-aralan ako at tao ka. Umayos ka lang, ha! Sa susunod na insultuhin mo pa ko, ihahampas ko na iyang suot mong heels sa pagmumukha mo," gigil na sabi ko rito.

Namutla ito. "I- I'm sorry. I think you misunderstood what I'm sayi--" Pinalagutok-lagutok ko ang mga buto ko sa kamay habang nanlilisik ang mga mata kong nakatingin sa kaniya. Umatras ito nang unti palayo sa'kin. "A- ang ibig kong sabihin, na-nabanggit kasi sa akin ni Renz noon na matangkad ang gusto niya. Then nagulat ako nang--"

"Na maliit girlfriend niya?" dugtong ko sa sinabi nito. "Masyado mo yata akong minamaliit, eh. Baka gusto mong tiklupin kita sa beinte at isilid kita riyan sa hand bag mo." Humakbang ako ng unti palapit ulit dito. "Hindi ko gusto tabas ng dila mo girl. Hindi naman masama magsabi ng totoo pero isipin mo rin ang mararamdaman ng mga taong nakapaligid sa'yo. Or else–" Sumenyas ako ditong laslas leeg. Lalo itong naging tisay sa sobrang pagkaputla. "Bye!" paalam ko rito sabay sibat ko kasama yung pushcart.

Buwisit siya! Akala mong kung sino kung makapagsalita. Bakit? Akala ba niya dream girl siya ng lahat ng kalalakihan. May standards standards pa siyang nalalaman. Electric fan lang meron no'n. The nerve! Ang sarap niyang bigwasan ng isa. Tsk!

Pero hindi talaga ko mapakali. Nangangati itong kamao ko. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakasapak, eh. Matambangan kaya sa labas ng department store. Ma-salvage nga at itapon sa may bangin.

"Hey! Hahaha!" Akbay sa'kin ni Renz. Sinamaan ko siya nang tingin. Tinanggal naman agad niya 'yong pagkaka-akbay sa akin at nag-hands up. "Sorry." Tapos bigla itong tumawa. "Relax lang, lumalaki na naman ang butas ng ilong mo, oh!"

"Relax? O' common, Renz. Puro na lang ba ako ang laging magpapasensya sa mga taong katulad ng Farah na 'yon! Buong buhay ko, lagi na lang akong may naririnig na ganoong mga komento. Kundi lait, pang-iinsulto naman. Argh! Nakakagigil talaga. Ang sarap niyang sampalin ng sampung beses using her heels at kaladkarin sa buong department store na ito habang hila-hila ang buhok niya. Tapos, kakalbuhin ko siya. Isasabit ko ang ulo niya sa may billboard with a caption na 'Huwag niyo akong tularan, dimunyita ako!'. At ikaw naman.." Pinamewangan ko siya. "Bakit mo sinabing girlfriend mo ko? Nasabihan ka tuloy na mababa na pala ang standards mo sa babae!"

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now