NOL 67 (LXVII)

1K 100 85
                                    

JERON RENZ SANTILLAN POV

My first kiss was gone. I gave that to Cero na dapat kay Jennica. And we did that in front of Jennica. Punyeta, sarap talaga ngumalngal. Kotang-kota na ko sa kahihiyan! Napakatangeneh ko! Napakag*go ko! So damn me! Sh*t! Ano pang mukha ang ihaharap ko sa kaniya? Mas lalo niya talagang iisipin na bakla ako.

Haist! Bakit ba kasi pinagkakaisahan nila ko? Bakit ba kasi pinangungunahan nila diskarte ko! I will confess naman, eh, at the right time.  Bakit ba kasi ang hilig nila madaliin ang bagay-bagay, hindi ba nila alam na may pinagdadaanan pang proseso.

"Haist! Damn them!" Ubos lakas kong hinagis sa karagatan ang mga batong tinipon ko, saka umupo ulit sa buhanginan. 

"Hey! Fourth dude!" Kahit hindi ko sila lingunin, alam kong mga punyeta kong pinsan 'yon. 

"Nandito ka lang pala. Hinahanap ka ni Couz Ae, magdi-dinner na tayo," si Ahbu na sumalampak sa right side ko. Pumuwesto naman si Dammy sa left side ko at si Lloyd naman sa likod ko, minassage-massage nito balikat ko.

"I'm full. Mauna na kayo. Thanks."

"Howag mo na damdamen 'yon, Fort Dod! Parang wala lang naman kay Jinneca Bubwet ang nasaksihan niyang paghalek mo kay Ciro, eh," pampalubag loob na sabi ni Lloyd. 

"Oo nga! 'Tsaka kaya lang naman nagawa nina Gian, Mirko and Cero 'yon dahil inutos ng Mommy mo, ni Auntie Keith," Ahbu said. 

"Because of what she discovered on really what happen to the rest house. Fourth Dude, listen carefully. Yung nakapasok sa rest house na muntik nang makakuha kay Jennica. Hindi siya kabilang sa mga nakalambitin na Makuto group sa gate," Dammy whispered.

"What do you mean?" kunot-noo kong tanong. "Yung dinala natin sa precint na nagpakamatay, hindi siya kabilang sa makuto group?" Tumango sila Dammy. "But he admit na kabilang siya roon. Narinig niyo naman siguro 'yon, 'di ba?"

"But the truth is.. no! Hindi siya belong and obviously may pinagtatakpan siya. According sa sources of information niyo, during the investigation, iyong mga kasama niya, nilinis ang lahat ng posibleng evidence. Fourth dude! Believe it or not, doon sa girls room may gift box na nakapatong sa bed ni Jennica." salaysay pa ni Dammy.

"Nasaan ang gift box? Wala namang na-recover do'n 'di ba?"

Binatukan ako ni Ahbu, Ouch! "You don't listen. Sabi nang nilinis nga ang mga evidence. According to the sources of information niyo, maimpluwensya ang taong 'yon."

"Mga tao," pagtatama ni Lloyd.

"Who are they? Anong kailangan nila kay—" Natigilan ako. I remembered about Jennica's true identity. Hindi kaya may kinalaman iyon doon? "Sh*t, dudes! I forgot something! Hindi ko dapat ginawa iyong announcement ko yesterday."

Inakbayan ako ni Ahbu. "May mas mabigat ka pang karibal kesa sa sinasabi mong Tagnong maligno at Edritch. Sila nakikita mo. Pero ang isang ito, maimpluwensya na, hindi mo pa nakikita. Kaya, doble ingat tayo, Fourth Dude. Huwag ka magpapahalatang may alam ka na. Tayo-tayo lang ang nakakaalam nito. Huwag na huwag ka magkwe-kwento kahit kanino at lalong huwag mo sasabihin kay Jennica, baka matakot siya. Observed na lang. And one more thing, 'yung nagpakamatay sa precint na nahuli natin, hindi iyon ang totoong mukha niya. May suot siyang realistic silicone mask," bulong nito sa'kin. 

"So posibleng magaya ng siraulong 'yon ang mukha ko or mukha niyo para makalapit lang kay Jennica?"

"Yes, Fourth Dude," Ahbu answered. 

"I have something to suggest, bakit 'di kaya---maglagay tayo ng palatandaan sa isa't isa. Para kung may hinala kayo na may gumaya sa mukha natin. Alam na ang impostor." 

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now