NOL 11 (XI)

1.1K 86 109
                                    

Jennica Monique Sanchez POV

"Jennica?" Nilingon ko 'yong tumawag sa akin, si Tita Fatima. Kabubukas lang nito ng pinto. Tumayo ako sa kinauupuan kong malinis na doormat. Naghubad ako ng tsinelas dahil de tiles ang sahig nila at lumapit ako rito para magmano. "Bakit ka umiiyak?"

Umiling-iling lang ako. Pinunasan ko mukha ko gamit ang laylayan ng damit ko. "Si Patricia po?"

"Na kila Nikki, may usapan ba kayo?" Umiling lang ako, pinunasan ko ulit ang mukha ko. "Halika, pumasok ka."

"Hindi na po, uuwi na lang po ako."

"Narinig mo usapan nila, 'no." Tiningala ko si Tita Fatima. Marahan akong tumango-tango. Nginitian ako ni Tita Fatima at inakay ako nito papasok ng bahay nila. "Ang sabi nga ng Kuya Peterson mo, tanggap ka nila kahit hindi ka nila totoong pinsan."

"Pero bakit hindi po sa akin sinabi nila Nanay?" umiiyak na tanong ko. Umupo kami sa mahabang sofa nitong sala nila.

"Kasi...bata ka pa. Hindi mo pa masyadong maiintindihan ang lahat."

"Marunong na po akong umintindi. Grade 5 na po ko, eh. Hindi naman po ko sanggol."

Natawa si Tita Fatima. "Ayokong pangunahan ang nanay mo kaya sila ang tanungin mo tungkol sa bagay na iyan."

"Alam niyo rin po ba tungkol doon?"

"Sino naman ang hindi makakaalam tungkol doon. Eh, may pakpak ang balita."

"Gusto ko po malaman..." Nagpahid ako ng luha. "ang mga balita at nangyari noong panahong iyon."

"Mas mabuting sa mga nanay mo na lang tanungin tungkol diyan."

"Ayoko pong sabihin na alam ko na. Ayoko pong mapagalitan si Kuya Peterson."

Tinitigan ako nito at bumuntong hininga. "Sige na nga, sandali lang, ipaghahanda lang kita ng makakakain. Kailangan sa pagbalik ko, hindi ka na umiiyak, ha."

Tumango lang ako. Nagpunas ulit ako ng mukha gamit ang laylayan ng damit ko. 

Pagbalik nito ay may dala itong isang kahong hopiang monggo at isang basong gatas para sa akin.

"Noong dalaga pa kami ng mga nanay mo. Hindi kami close. Hindi rin kami naging maging magkaibigan. Ang kasa-kasama lang niya no'n lagi si Delaila, si Savannah at 'yong nanay nila Kuya Peterson mo, si Nadia."

"Savannah? Mommy po ni Katherine? Naging kaibigan po ni Nanay ang mommy ni Katherine?"

Tumango-tango ito. "Noong mga panahong iyon, madaming naiinggit sa nanay mo, dahil sa nililigawan siya ng isa sa magandang lalaki ng nayon namin. Ang Tatay Natoy mo."

Napangiti ako. "Tapos po?"

"Nung naging sila ng Tatay Natoy mo, nagalit sina Savannah at Nadia sa Nanay mo. Ibinunyag nila ang sikreto ng Nanay mo sa buong nayon, na mayroon na siyang anak sa ibang lalaki. Ipinagkalat din nilang biktima ng rape ang nanay mo pero ang totoo niyan.. hindi."

"Hindi po ako anak ng masamang tao? Pero sa kuwento po ni Kuya Peterson---"

"Iyon ang kuwento sa kanila ng magaling nilang ina. Huwag ka makikinig doon, hindi iyon totoo. Naroon ako sa bahay ng lola mo nang ipinanganak ka ng Nanay mo. Kasa-kasama ko nun ang kamadronang nanay ko, asawa ko at baby pa lang na si Patricia. Nung araw ko lang din iyon nakita ang tatay mo."

"Ano po itsura niya?"

"Parehas kayong matangos ang ilong, natural na mapula ang labi at mapang-akit ang mga mata. Kung ide-describe siya, pasok na pasok siya sa tinatawag na TDH."

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now