NOL 53 (LIII)

1.1K 119 195
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

Message from: Nikki,

"Nasa loob ng first cubicle 'yong isusuot mo sa masquerade party na pupuntahan mo. Huwag ka na magreklamo! Kung ano ang napili kong damit, isuot mo. Ingat!" 

Tinignan ko ulit ang oras. 30 minutes left before mag-alas 7PM. Inis kong ibinalik ang pipitsuging cellphone ko sa loob ng aking sling bag. 'Tsaka ko nakangusong tinignan ang nasa harapan kong si Sir Kersey.

Gusto ko rin siyang makasama pero sa pang-forever iyon, hindi ngayon na may pupuntahan akong debut. 

"Alam mo na sigurong hindi na ako ang boss mo?" untag ni Sir Kersey. Nakanguso akong tumango-tango. "At kilala mo na rin siguro kung sino–"

"Opo, si Sir Arkin," sapaw ko sa sinasabi nito. "Sir, kung magdadaldalan lang naman po tayo ng hanggang alas seven dito. Puwede po bang pauwiin niyo na ako? May pupuntahan pa po kasi akong importante talaga."

"Kung ako ang masusunod, kanina pa kita pinauwi pero ang bilin sa akin nila–" Tumunog na naman ang cellphone niya. Napasimangot ako nang makita kong si Tracey 'yong tumatawag. "Excuse, Miss Sanchez." Kinuha nito ang cellphone niya't humakbang palayo sa akin.

"Sir, uuwi na po ko, ha," pabulong kong paalam dito. Dahan-dahan akong tumayo sa kinauupuan ko't paatras na humakbang habang paulit-ulit na umuusal ng, "Huwag kang lilingon." Hanggang sa may maapakan akong sapatos at may mabanggang mala-pader ang katawan. Kabado at dahan-dahan ko itong nilingon. Nakahinga ko ng maluwag nang malaman kong si Lance lang pala ito.

"Delivery," humahagikgik na anito sabay pakita sa akin ng bitbit niyang pagkaing nasa paper bag na ang tatak ay SOLE. 

"Pssh." Agad kong pagpapatahimik dito kahit wala pa naman siyang sinasabing kasunod. Tumango-tango lang ito habang nakatingin sa'kin at kay Sir Kersey na busy pa rin sa pakikipag-usap kay Tracey. "Pasabay, ha, hintayin kita sa parking lot. Pshhh ka lang kay Sir Kersey about sa pag-alis ko nang may paalam naman pero hindi niya nadinig. Thank you." Tapik ko sa braso nito.

Lumabas na ako ng office ni Sir Kersey. At tuwang-tuwa akong lumakad takbo papuntang CR na pinag-iwanan ni Nikki ng mga isusuot ko sa pupuntahan ko, para lang mag-mouthwash, retouch at magpalit ng damit.

Above the knee grey long-sleeved vintage dress ang napiling ipasuot ni Nikki para sa akin. Na pinartneran ng 3 inch black ankle gladiator heels. Hindi na ako magrereklamo. Wala na akong choice kundi suotin na lang ito. Pati na rin ang mga nakasama ritong hikaw at kuwintas kahit hindi naman talaga nagsusuot ng mga ganito. Hindi ko na problema ang buhok ko. Kanina kasing umaga habang may ginagawa ako sa printing room. Napag-trip-an i-fishtail braid ni Nikki 'yong buhok ko.

Iniwan ko na lang sa loob ng paper bag 'yong office uniform at flat shoes ko. Inilagay ko na lang ito sa locker ko.

Pagkatapos, mabilisan ulit akong humakbang palabas nitong Palermo Corporation. Pero siyempre dito ako sa exit dumaan baka kasi tawagan pa ni Sir Kersey ang mga guards para paballikin lang ako. Dedma nga lang ang pagpatay sindi ng ilaw at ang mga naaalala kong kahila-hilakbot na kuwento tungkol dito. Mag-isa pa naman ako rito sa exit. Iwinaksi ko na lang iyon sa isip ko.

Inisip ko na lang na babalik pa naman ako bukas para kuhanin ang mga iniwan kong gamit at para makasilay na rin ulit kay Sir Kersey. Hihi! Bukas na lang kami magdaldalan kahit hanggang kinabukasan pa, hindi ko siya uurungan.

Napabagal ako sa paglalakad nang may maramdaman akong parang may sumusunod sa akin. At nakaamoy na naman ako nang pamilyar na amoy ng pabango. Hindi ako nagkakamali, ito 'yong amoy noong nakulong ako sa isang room namin nung High School pa lang ako. Madalas ko rin ito maamoy noong nag-college din ako, at sa tuwing mag-isa ako sa kung saan... tulad ngayon.

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now