NOL 58 (LVIII)

1.1K 116 202
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

"Ate!" Muntikan na ko masubasob sa sahig nang bigla nito itulak ang pintong kinasasandalan ko. "Ate! Nandiyan sina Ate Patricia, Ate Nikki, Ate Janina, Ate Norby, Ate Mandie, Kuya Gian at si ano nga ba pangalan no'n ate? Yung matangkad na foreign-ger na kaklase mo dati?" Ang daldal talaga ng kapatid ko na ito. Rinecite pa talaga ang mga pangalan ng kaibigan ko. Pinahirapan pa ang sarili. "Ate! Ano nga ulit pangalan no'n?" kalabit pa nito sakin.

"Renz," pakli kong sagot. 

"Ayun si Kuya Renz! Hihi! Ang guwapo talaga no'n, Ate. Saan ka ba nakapulot ng ganoong klaseng kaibigan? I-share mo naman sa'kin baka sakaling makapulot din ako."

"Gano'n? Halika, ituturo ko sa'yo." Lumapit ito sa'kin. "Paglabas mo ng kuwarto ko, kumanan ka tapos kumaliwa ka. Buksan mo ang pinto, nandoon na 'yon."

"Kanan. Kaliwa tapos buksan ko ang pinto. Nandoon na 'yon," Mwestra niya. "Okay, copy-copy. Thank you, Ate!" tuwang-tuwang sabi pa nito sabay sibat palabas ng kwarto ko. 

Kahit kailan, napaka-funny talaga ng kapatid ko na 'yon. Masyadong funny-walain. CR naman namin iyong tinuro ko. Haha!

Lumabas na rin ako ng kuwarto ko. Tama nga si Odessa, narito ang mga friendships ko. Pero bakit sila narito?  Mukang mauudlot pa 'yong pinagplanuhan naming lakad ni Renz kagabi. At saka bakit, ang dami nilang dalang gamit? Hala! Naglayas ba sila?

"Anong meron?" tanong ko pero walang sumagot sa'kin. 

Abalang-abala sila sa pagpasok ng mga maleta at kung ano-ano pang gamit nila rito sa sala namin. Lumapit agad ako sa bintana para silipin ang mga nagkakagulo sa labas. May tatlong tricycle na mukang inupahan ng mga friendships ko. May van ding nakahinto sa may tapat ng bahay namin kung saan may lumabas na dalawang lalaking ngayon ko lang nakita na nakipag-apiran pa kay Renz. At katulong naman ni Gian sa pagbubuhat si--- 'Cicero not Ceryo  a.k. a Mr.Chupa chups'. 

"Hoy, Bepeu! Ano pa tinutunganga-tunganga mo riyan? Alas tres na! Aalis na tayo mamayang alas singko ng hapon!" bulyaw ni Ate Mandie sa akin.

"Oh? Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

Inakmaan ako nitong babatukan. Umilag agad ako kahit alam ko namang hindi niya iyon itutuloy. "E'di sa Bataan!"

"Bataan? Eh, 'di ba next week pa 'yon?"

"Oo, sana. Eh, sinabi agad nitong si Gian doon sa kaibigan niyong handsome slash soon-to-be brother-in-law ko… na three weeks ang ibinigay sa aming vacation, hindi two weeks. E'di ito, napaaga! Kaya tara na, tutulungan kitang mag-empake ng mga gamit mo!" Hila sa'kin ni Ate Mandie.

Hinila rin ako ni Patricia. Lumagutok ang buto ko. Awts! "No need na, Ate Mandie. Dahil--" Pinakita nito sa'min iyong kulay pink na malaking maleta. "Pinag shopping namin siya kanina nina Nikki, Janina at Norby."

"Ha? Paanong—" nasabi ko na lang. Tumiwalag ako sa pagkakahawak nila sa magkabila kong braso para buklatin sana yung laman ng maleta pero unilayo ito ni Norby sa'kin.

"Bawal muna buklatin," nakangising sabi ni Janina. "Surprise," anito sabay apiran pa nila habang naghahagikgikan.

Nagtinginan naman kami ni Ate Mandie. Mukang clueless din ang bestfriend ko kung ano ang laman nun. Pero base sa mga ngiti at tinginan nila, mukang may halong kalokohan ang laman ng maleta. 

Umikyabit ako sa kanang braso ni Ate Mandie. "Tara! Tulungan mo ko mag-empake." 

"Tapos ano? Puro long sleeves, panjama, jacket at leggings dadalhin mo? Napakamanang mo talaga!" bulyaw sa akin ni Patricia. 

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon