NOL 24 (XXIV)

908 74 99
                                    

Jennica Monique Sanchez POV

(Thursday, January 17, 2008)

"Happy birthday," pabulong na bati ulit sa akin nina Nikki at Patricia sabay sundot nito sa magkabila kong tagiliran.

Silang dalawa lang ang may alam na birthday ko ngayon. Pina-secret ko iyon sa kanila dahil ayokong makantahan ng 'Happy Birthday'. Nakakahiya. At saka baka kulitin nila akong magpunta sila sa amin. Eh, wala naman akong handa. 

"Salamat," humahagikgik na sambit ko. Pinagpatuloy ko na ulit ang pagre-review para sa last exam namin ngayong araw. At bumalik na sila sa kani-kanilang upuan para mag-review rin.

"Bubuwit," tawag sa akin ni Renz na may kasamang kalabit. Umupo na ito sa tabi ko. Tapos na siguro siya makipagdaldalan kila Gian.

"May pupuntahan pala kami nila Gian mamaya."

Tatanungin ko sana kung saan sila pupunta pero baka isipin niya interesado akong malaman ang mga lakad niya. At baka lalong isipin ng mga nakapaligid sa amin na mag-girlfriend/boyfriend talaga kami ni Renz. Ganoon kasi iniisip ng iba porket nagpupunta si Renz sa bahay namin at nakikipaglaro ito sa akin.

Naalala ko tuloy si Kuya Macky sa kaniya, nagpapaalam din iyon kay Tita Thea, eh. Kahit na hindi naman tinatanong ni Tita Thea.

"Hindi mo ba tatanungin kung saan?" humahagikgik na dagdag pa nito sa sinabi niya.

"Hindi. Usapan niyong mga lalaki iyan, eh," aniko habang nakatingin pa rin ang atensyon ko sa pagre-review.

"Okay. Ayoko rin naman sabihin, surprise kasi iyon. Hehe."

"Sige. Mag-review ka na nga rin."

"No need, Bubuwit. Nag-review na ko kaninang madaling-araw."

"Kaninang madaling-araw iyon, hindi ngayon."

"Ganoon talaga ang mga genius, Bubuwit."

"E'di ikaw na henyo," sabi ko sa sarili ko. "Huwag mo muna ako daldalin, magre-review muna ko."

"Okay. Behave na ko, Year of the Water Bubuwit," humahagikgik na asar nito sa akin.

•••••

"Kuya Gilbert, maglakad na lang po kaya ko?" aniko habang paulit-ulit nitong sinisikaran 'yong apakan ng motor niya. 

Bigla na lang kasi ito tumirik nang nasa arko na kami ng barangay namin. Malapit na lang naman na ito kila Lola.

"Ayan na umandar na, oh," natatawang sambit ni Kuya Gilbert. Pinagalit niya nang pinagalit ang motor niya saka niya iyon pinaandar ulit. Na siyang ikinahinga ko nang maluwag.

Sa wakas ay makakauwi na rin.

"Kuya Gilbert, sa June po ba mag-aaral na po kayo?" tanong ko.

"Kung makakahanap ulit ako ng trabaho."

"Bakit po? Wala na po kayo trabaho?"

"Wala na noong Disyembre pa. Nagtanggalan, kasama ako... menor de edad pa kasi ako."

"Ganoon po ba. Gusto niyo po ba maging scholar ni Ama--- Tito Pablo?"

Muntik na ko madulas doon.

"Talaga?" masiglang sabi ni Kuya Gilbert.

"Opo. Nakatanggap po ako ng sulat at regalo mula po sa kaniya kaninang umaga." 

Binati ako nila Ama ng Happy Birthday at marami silang regalo sa akin nila Impong Bituin.

"Susulat po ako pabalik sa kaniya para po magpasalamat. Irerekomenda ko po kayong dalawa ni Tita Thea maging scholar niya. Kilala niyo po ba si Kuya Byron? Scholar po pala siya ni Tito Pablo."

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now