NOL 44 (XLIV)

1.2K 147 212
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

Ang sabi ko, aalis na ko. Pero heto ko ngayon, kasama siyang nakaupo sa may waiting shed habang hinihintay matapos ng tuluyan ang putukan.

"Who is he? Who is Kersey in your life?"

Para namang sirang plaka lalaking ito, nakakaloka. Bakit ba interesadong-interesado siya kay Sir Kersey? Konting-konti na lang talaga maniniwala na talaga ko sa hinala ko na Oppa siyang bakla.

"Bakit ba gusto mo malaman?" taas-kilay na tanong ko sa kaniya. As if naman na makikita niya kilay ko na natatakpan ng bangs.

"Eh, kasi.." Aagawin mo siya sa'kin. "Wala lang, curious lang ako kung sino ang naging substitute ko noong mga panahong wala ako sa tabi mo."

Ano 'to basketball! May substitute pa siyang nalalaman. Dami niyang alam.

Napabuntong-hininga ko. Okay fine. Sasabihin ko na nga kung sino si Sir Kersey. Hindi naman niya kilala 'yon kaya okay lang.

"Siya ang 101 crush ko." That's all and thank you. May bayad na ang susunod na tanong, wala ng libre ngayon, 'no.

Tumango-tango lang siya. "Crush lang pala. Okay lang, 'di pa naman sila," dinig kong bulong niya. Naaabnoy 'ata 'to, nagsasalita mag-isa. "Akala ko kasi manliligaw mo ang Kersey na 'yon. Nadinig ko kasi nung tumawag ako sa'yo may dala siyang flowers for you."

Chismoso. Nakikinig sa may usapan nang may usapan. "Kung manliligaw man siya sa'kin, hindi ko na kailangan magpabebe pa. Sasagutin ko ka agad siya as soon as possible!"

Napatingin naman siya sa'kin na akala mong hindi makapaniwala sa kaniyang nadinig. Aish! Bakit ko ba sinabi 'yon! Ang dada ko talaga 'pag tungkol kay Sir Kersey ang usapan. Change topic na nga.

Padabog akong tumayo at pinamewangan siya. Ako ang pabebe girl. At wala kang pake kung pabebe ako, charot. Hahaha! Siyempre hindi ko sasabihin 'yon. Hindi naman ako ganu'n kakrung-krung, slight lang.

"Ano pala ginagawa mo rito?"

Inagaw ko sa kaniya ang torotot niyang nakakabingaw slash 'yong ginamit niyang pinantutok sa tagiliran ko .

Holdap pala, ha! Hetong sa'yo! Kinotongan ko siya gamit 'yob. At ang loko nagawa pang tumawa, may nakakatawa ba sa ginawa ko?

Lapastangang nilalang. Heto pang sa'yo. Pupukpukin ko sana siya ulit ng torotot sa may ulo niya. Nang may pumigil sa'kin mula sa aking likuran, sinubukan kong pumalag pero mas malakas siya kesa sa'kin.

"Kapag hindi mo ko binitawan, babaha ng binating itlog dito," babala ko.

Napangiwi naman si Renz habang pasimpleng tinatakpan ang maselang parte ng katawan niya. 

Yung maputlang nakadungaw dati sa pantalon niya. Binata na rin kaya 'yon ngayon? De gumwapo na rin iyon at lumaki? Umeygosh! Ano ba 'tong naiisip ko. Bad brain! Erase. Erase. Erase.

Ito kasing hinayupak na 'to, ang advanced mag-isip. Akala niya siguro 'yong dalawang kampana ng tore niya ang tinutukoy kong babaha rito. Meron kaya akong pure egg yolk dito sa bag pack ko na nakalagay sa babasaging garapon. Bigay 'yon ni Patricia sa'kin, ipagawa ko raw kay Nanay ng letche flan.

"Bad girl," dinig kong sabi ng pumigil sa aking dark plan. Sinubukan ko itong lingunin pero hinawakan niya ang ulo ko kaya hindi ko na rin magawang luminga-linga. Para akong na-stiff neck sa lagay ko ngayon. "Mag-sorry ka muna sa Kuya Renren mo."

Natigil ako sa pagpapalag. Anong pinagsasabi nito? Muka ba kong kapatid ni Renz? At saka bakit ako magso-sorry? Eh, siya nga may atraso sa'kin, tinakot niya ko.

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now