*Kabanata 53

40K 845 29
                                    

*Kabanata 53

----------

Pagtapos ko maligo sinuot ko ang red sexy dress ko at nagmake up ng di gaanong kapansin pansin. Hindi ko naman kaylangan ng makapal na make up para gumanda. Hindi tulad ni Hanna na tila ginawang coloring book ang muka. Sinuot ko ang black high heels ko at dinala ko rin ang black pouch ko. Simple pero elegante. Tumingin ako sa orasan at kinuha ang susi ng sasakyan ko. Its time to go. Tumingin ako sa salamin sa huling beses at huminga ng malalim. Kaya ko to. Wag ka magpapatalo Megan.

Ilang minuto rin ang drive papunta sa restaurant na sinasabi ni Hanna kaya medyo inagahan ko na. Inisip ko sana na magpalate parang nga bidang mataray lang sa telenovela pero naawa naman ako dun sa anak niya baka mapabayaan mukang pabayang ina pa naman si Hanna.

Sumakay ako sa sasakyan kong medyo matagal rin bago ko nahawakan. Baka nga di na ko sanay mag drive. Maingat ko itong pinaandar palabas ng parking lot at papunta sa restaurant. Alam kong dapat hindi ko pinapatulan ang mga tawag ni Hanna pero gusto ko rin maranasan na ipaglaban ang karapatan ko bilang girlfriend ni Nick. Alam ko magagalit siya sakin pero tsaka na ko magsosorry. Isang sampal lang ok na. Haha joke lang. Ayoko naman bahiran ang kamay ko ng dahas na di naman deserve ng balat ko.

Nakita ko rin sa wakas ang sinasabi niyang restaurant pagkalipas ng halos kalahating oras. Malapit ito sa building ng SY corporation kaya biglang pumasok sa isip ko na dalawin si Nick. Sana lang hindi siya busy. Hayy ano ba tong iniisip ko. I parked my car at the parking lot and looked at myself on the mirror before going out. Ayos naman ako lets get this over with. Pumasok ko sa restaurant at mukang mamahaling restaurant ito. Mukang bagong bukas at napakaganda talaga. Sa hindi kalayuan nakita ko si Hanna na may hawak na glass wine at umiinom. Huminga ako ng malalim at nilapitan siya.

"Oh look, you showed up. What a surprise." Maarteng sabi niya matapos akong tigan mula ulo hanggang paa. Look all you want mainggit ka pa kung gusto mo.

"Ano bang gusto mo sabihin? Dalian mo na para matapos na to. May gagawin pa ko." Mataray kong utas sakaniya. Inubos niya ang konting laman ng wine glass niya tsaka ako tinignan gamit ang matatalas niyang mata.

"Stay away from hi-" alam ko na ang sasabihin niya kaya bago pa siya matapos ay sumingit na ko. There's no reason to listen to her bullcrap anyway.

"No. I wont do that. In fact, i wont listen to anything you say. Who are you to tell me what to do? Oo, mas matanda ka sakin at mas nauna ka kay Nick. Pero sino ba ang girlfriend ni Nick ngayon? Ako diba? Hanggat hindi pa lumalabas ang resulta ng DNA test at hindi pa nalalaman kung anak nga ni Nickolas yang batang sinasabi mo pwes wala kang karapatan kausapin ako at sabihin na layuan ang Boyfriend ko." Dirediretsong sabi ko sakaniya habang diretso ang tingin ng mga matatalas kong mata sakaniya.

"You're so immature-Hey! Dont turn your back on me mistress!" Hindi ko ulit pinatapos ang sasabihin niya at tumayo na ko. Gaya ng sabi ko hindi ako makikinig sa mga sasabihin niya.

"Oh one last thing..." Bumalik ako sa table niya at dinampot ang vase sa gitna ng lamesa at itinapon sa muka niya ang tubig na laman ito. Halos mapanganga siya sa gulat at inis sa ginawa ko. I smirked. This will happen when you fell in love with a devil like Nickolas Sy, you'll turn into a devil yourself.

"How dare you!! You stupid Bitch!" Halos magtinginan na lahat ng tao samin dahil sa tinis ng boses niya. Ang sakit sa tenga. I gave her an evil grin.

"I'm not a mistress nor a bitch. You're not Nick's wife nor his girlfriend either." nginitian ko siya ng nakakalokong ngiti at halos ibato na niya sakin ang wine glass niya pero pinigilan siya ng dalawang waiter.

Tinalikuran ko na lang si Hanna habang umuusok ang tenga at ilong niya sa galit. Napangiti ako pagkapasok ko sa sasakyan ko. I cant believe what i just did. Grabe kelan pa ko naging ganito katapang? So this is what love do to you huh. I grin and turned my engine on. Ang sarap sa pakiramdam.

I'm with the Devil [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon