*Kabanata 14

47.9K 1K 14
                                    

*Kabanata 14

----------





Tama ba narinig ko? Gusto niya ko ligawan? Napanganga ako at natahimik lalo sa sinabi niya. Ano sasabihin ko? Papayag ba ko? Syempre papayag ako! Parehas lang pala kami ng nararamdaman eh. Pano ko ba sasabihin sakaniya? Magtatapat din ba ko? Sasabihin ko na ba sakaniya yung totoo?




"Megan?" Napatingin ako sakaniya. Naiiyak ako. Hindi ko na napigilan ang luha ko. Ang sarap malaman na mahal niya din pala ako.




"Don't cry please." Niyakap niya ko at niyakap ko rin siya ng mahigpit. Hindi ako umiiyak dahil malungkot ako o kung ano. Tears of joy to! Tears ng sobrang kinikilig at sobrang masaya.




Ilang minuto pa ang lumipas bago ako tumahan at doon lang niya ko binitawan. Tinanong niya ulit ako at tango lang ang nasagot ko. Isang malawak na ngiti ang pinakita niya sakin ng sabihin ko yon. Hindi ko talaga inaasahan na may gusto rin pala siya sakin.


-----



Few days later, Naging mas close na kami ni Rafael. Natutunan ko na rin na magsalita pag kasama siya. Syempre nakakahiya naman diba kung speechless lang ako lagi. Baka isipin niya ang boring ko pala pag ganun. Tinutulungan naman ako ni Kylie sa mga dapat kong gawin dahil syempre first boyfriend (Soon :P) ko to si Rafael ignorante pa ko sa mga ganitong bagay. Eh si Kylie alam na mga basics kaya ayun pa advice advice siya sakin ng do's and dont's.




"Sige, mamaya nalang ulit" He smiled at me and kissed my forehead. Kinikilig talaga ako pag ginagawa niya yon!




"Sus. Kilig na kilig naman to. Tara na nga malelate pa tayo" Nagtawanan nalang kami ni Kylie pagkaalis ni Rafael.




Dumiretso na kami sa klase namin. First subject palang parang gusto ko na mag vacant haha! Sa isang linggo kasi, tatlong beses ang sabay na vacant namin ni Rafael kaya sabay sabay kami kumakain.




Tahimik ako na nakikinig sa prof ng biglang mag ring ang phone ko. Shit! Nakalimutan kong isilent! Napatingin sakin lahat ng kaklase ko pati na rin ang prof namin kaya agad ko naman pinindot para tumigil sa pag ring. Hindi ko tinignan kung sino ang nagtext at nakinig nalang ulit ako. Maya maya pa bigla nanaman tumunog. Not once but millions! Ilang beses na sunod sunod ang pag ring. Masama na ang tingin sakin ng lahat. Nagpanic na ko! Sino ba tong istorbong to? Mapapagalitan pa ko nito eh!





"Can you turn your cellphone off Ms.Montereal? Nakakaistorbo ka sa pagtuturo ko." Sabi ng prof. Buti nalang hindi ito yung terror namin na prof dahil kung siya ang prof at ito ang mangyari napalabas nanaman ako.




"Sorry po ma'am" I smiled shyly and turned my phone off. Nagpatuloy ang prof namin sa pagtuturo. Napasigaw ang lahat sa labas at room at lahat kami ay nagtaka kung anong nangyayari ng biglang...




"MEGAN HALEY MONTEREAL!" napaangat ako ng ulo at hinanap ng mga mata ko ang sumigaw ng pangalan ko. Shiz! Si Halimaw!





"Excuse me! May i know your name mister? Iniistorbo mo ang-" hindi na niya pinatapos sa pagsasalita ang prof namin ng makita niya ko.





"Yeah yeah shut it granny" Aniya at dirediretsong pumasok ng room at hinila nalang ako bigla. Dahil mas malakas siya kahit nagpupumiglas ako hindi ako makaalis sa kamay niya.





Hinila niya lang ako ng hinila palabas ng building hanggang sa makarating kami ng parking lot. Pagdating namin sa sasakyan niya doon niya lang ako binitawan. Ano bang trip nitong halimaw na anak ni satanas?! Alam niya ba na may klase pa ko?!





"ANO BANG TRIP MO?! PAEPAL KA RIN NOH?! MAY KLASE AKO EH! PANO PAG PINAGALITAN AKO SA GINAWA MO KANINA?!" bulyaw ko sakaniya. Nakakainis! Istorbo! Pano pag pagalitan ako ng prof na yun bumagsak pa ko?!





"Hindi ka papagalitan nung matandang yon. May emergency samahan mo ko" Sumakay na siya sa sasakyan niya.




Aish! Papagalitan ako nito eh! Bahala na nga! Ganun din naman hindi na din ako makakabalik don. Tinext ko nalang si Kylie na aalis muna ako at pakidala nalang niya yung gamit ko. Hay nako. Bakit ba ako natripan istorbohin nitong demonyong to. Emergency daw tapos ako kaylangan isama? Ano ba konek ko sa emergency niya?? Kita mo nga siya na nga nangistorbo di man lang maging gentleman at pagbuksan ako ng pinto. Hays.




"MEGGY GET IN THE CAR! Baka hindi na natin abutan yon!" Sigaw niya pa. Sinisigawan pa ko?! Bakit kasi kasama pa ko? Ano kasama niya umiyak sa kung anong emergency yon? -_- hudyo talaga yun.





Padabog akong sumakay sa sasakyan niyang mamahalin na mukang pangkarera. Pinaharurot niya palabas ng campus ang sasakyan niya at halos lahat na ata ng shortcuts dinaanan na namin. Hindi ko maintindihan saan siya papunta. Napatingin ako sakaniya na seryosong nagdadrive. Mukang nagaalala siya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Hindi ko alam na marunong pala siya magalala. Maamo ang muka niya ngayon at mukang nagaalala talaga siya.




"Youre done checking me out? Instead of staring at me pwede ba maghanap ka ng ibang route papuntang airport?" Pagsusungit niya. Inirapan ko nalang. Bwiset to. Ang sungit bigla? Bipolar?




Kinuha ko ang phone ko at nag google map. Nakahanap kami ng mas madaming daan papuntang airport kaya nakarating din kami agad doon. Barabara niyang pinark ang sasakyan niya ng makarating kami sa airport at nagtatakbo papunta sa kung saan. Hindi ko alam saan siya papunta basta nagtatakbo nalang siya at mukang alalang alala siya sa hinahanap niya. This is new, ngayon ko lang siya nakitang ganito.




Ilang beses pa kami nagpaikot ikot sa airport. Gusto ko siya tulungan sa kung sinong hinahanap niya pero wala siyang sinasabi sakin. Nagulat nalang ako ng bigla siyang tumigil at para bang nakahinga siya ng maluwag. Lumapit siya sa isang bata na nakaupo sa malaking blue na maleta at kumakaim ng ice cream sa isang tabi.







"Daddy!" Sigaw ng bata ng makita niya si Nick. Napatigil ako. Teka...Daddy?! May anak na siya?! Ano?! Naguguluhan ako!

I'm with the Devil [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon