*Kabanata 61

43.6K 724 15
                                    

*Kabanata 61

----------

Ilang linggo na ang lumipas at mas naging busy na ang lahat. Ako naging busy sa nag daang finals at ngayon naman busy ako sa pagkukumpleto ng mga requirements at projects. Graduation na next next week at hapit na ang lahat. Naiistress na nga ako sa mga projects na pinapagawa. Sobrang nakakapagod pa dahil sa mga nag daang finals. Review tapos gawa ng project. Hayy. Di bale konting tiis na lang at makakagraduate na ko! 

Nick <3: 

i have a surprise tonight ;) I'll pick you up after class. See you babe i love you.

___

Ilang linggo man na istress napapangiti ako ni Nick sa mga simpleng efforts na ginagawa niya. Noong bago may final exam ay siya na ang nagluluto ng breakfast dahil habang kumakain ako ay nag rereview ako. Skip din muna ako sa mga house works dahil pinapagpahinga niya ko. Everynight naman he makes me tea or milk pag tapos ko mag review para daw marelax ako bago kami matulog. Sweet siya kahit minsan nagaasaran pa rin kami.

To: Nick <3:

Ok Babe, hihintayin kita :) i love you too <3

___

i replied. Napayakap ako sa librong hawak hawak ko. Grabe kinikilig ako. Maya maya pa ay kinalabit ako ni Kylie. "Huy! para kang baliw jan pangiti ngiti ka magisa." Natawa na lang ako sakaniya. 

"Eh kasi naman si Nick ang sweet niya kasi. Yung pag ka sweet niya nakakaihi? Alam mo yun? Diba may boyfriend ka dapat alam mo yun Kylie." Sabi ko pa sakaniya. Napaisip siya at maya maya kinukurot na ko sa kilig.

"Oo! Naalala ko tuloy nung gabi na sinagot ko siya. Yiiieee! Oh my God!" Sabay kaming kinikilig at napapatili pa sa field habang nagkukwentuhan ng kilig moments namin sa mga boyfriend namin. I mean fiance pala sakin haha!

"Kelan ka pala mag papagawa ng gown? o magpapasukat o kung ano?" Tanong ni Kylie sakin habang kumakain kami ng sandwich at nagpapahangin dito sa field. Tungkol naman sa damit hindi naman daw kaylangan na mag madali sabi ni ate Dionne. Doon kasi kami mag papagawa ng gown sa designer ng gown ni ate Dionne. Noong makita ko yung wedding gown niya ay sobrang nainggit ako napakaganda at muka siyang prinsesa.

"Hindi ko pa nga alam eh. Pero ok lang hindi naman kami nagmamadali. Paunti unti pinaplano na rin lahat pero baka next month pa ifinalize lahat pag hindi na sila busy at syempre pagkagraduate ko na rin." Tumango tango na lang si Kylie at pinagpatuloy namin ang pagkain ng lunch namin.

I'm with the Devil [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon