*Kabanata 24

46.7K 849 9
                                    

*Kabanata 24

----------






"Party? Anong party? Nako wag mo nga ko masama sama jan sa party party na yan. Iba ang party na alam mo sa party na alam ko." Kung sa labas nga eh grabe na siya pano pa kaya pag sa party na? Wild party ang alam ng mokong na to malayo sa party na alam namin ni Kylie.





"Sumama ka na. You dont have a choice. Besides nakabili na ko ng damit mo. Just go and change kanina pa kita hinihintay." Bigla nalang niya pinahawak sakin yung malaking paper bag at tinulak ako papasok sa kwarto ko. Psh. Pwersahan?





Napatingin ako sa tatak ng paper bag at aba? Mamahaling brand to ah. Curiosity hit me kaya tinignan ko ang laman ng paper bag. Sa loob nito may isang box ng sapatos, isa pang paper bag na may laman na itim na dress, at isa pang maliit na paper bag na may laman na jewerlies. Aba? Ang yaman naman nitong lalaking to. Wala naman ako gagawin at wala rin naman pasok. Matry na din pumarty ulit. Pwede naman ako umuwi kung ayaw ko di ba?





Una kong ginawa ay naligo, when going to parties mas maganda na fresh. Hindi naman masama maligo ng paulit ulit sa isang araw eh. I did my after bath routine then sinuot ko na ang damit. Nagkamali pa ko. Hindi pala siya dress. Black corset top na half length at isang high waist na nude color skirt. Saktong sakto ang size ah. Pano niya nalaman size ko? Maliban kay Kylie wala na ko alam na may alam ng size ko. Oh well. Umikot pa ko sa salamin at tinignan ang sarili. Ang ganda ng damit! Maganda rin pala taste ni Nick huh. He surprise me everyday.





Sunod kong ginawa ay binlow dry ang buhok ko at kinulot ng lose curls para naman hindi plain tignan. Then sinuot ko ang jewelries na binili rin ni Nick. Nagmake up rin ako pero light make up lang. Hindi rin naman ako natuto maglagay ng madaming make up laging natural lang. I put my favorite pinkish peach lipstick. Then halos malula ako sa taas ng sapatos na binili ni Nick. Ano to rarampa? Hindi ako tulad ng mga kalandian niya na kahit palakad lakad sa hallway at akyat baba sa hagdanan sa campus kahit naka 6inch heels ay kayang kaya. Hanggang 4 inch nga lang ako. At tuwing okasyon lang ako nag hiheels. Sinuot ko nalang yung black heels ko na bagay rin naman sa damit ko kahit hindi ganun kataas. I took a one last look at myself bago lumabas. Im good to go. Kinuha ko ang nude color purse ko at lumabas na sa kwarto.





"Wow ate! Youre so pretty! Right yaya? Kuya look! Ate is so maganda!" Tumalon talon pa si Hero ng makita ako. Tuwang tuwa siya. Pati si yaya napa thumbs up sakin. Si Nick naman tinignan ako simula ulo hanggang paa then bumalik sa muka ko.





"Pwede na rin" Aniya at lumabas na agad dala ang susi niya. psh? Pwede na? Anong pwede na? I kissed Hero's cheeks at nagpaalam muna na aalis kami ni Nick.





Paglabas ko ng building nakita ko si Nick na nakasandal sa sasakyan niya at nakapasok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa. Para bang nagslowmotion ang paligid ko at dahan dahan siyang napatingin sakin. Why.is.he.fucking.hot? Teka ano?! Are you out of your beautiful mind Megan? Grr. Anong gwapo jan? Naka grey long sleeves lang naman siya na bakat ang magandang muslces ng katawan niya, naka faded jeans lang naman siya na nagpadagdag ng coolness vibe sa itsura niya. Ugh! Whats wrong with me. Oo na gwapo na siya ano pa ba magagawa ko don?




"Is it just me or you're really checking me out?" He smirked.




"Tsee! Ang feeling mo" Sinungitan ko nga.





Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Aba ang mokong pinagbuksan ako ng pintuan sa passenger seat? Totoo ba to? Asan yung pasigaw sigaw niya? Alam niya pala gawin to.  Umikot siya at sumakay na rin. Nakangisi lang siya habang nagmamaneho. Baka nakatira ng shabu to ahh nako. Kinuha ko nalang ang phone ko para maglaro sana pero hindi ko na natuloy dahil sa sweet na text namin ni Rafael.




Rafael<3:
Nakakamiss ka na agad. i hope youre ok. :(
_____

Me:
Aww, ako rin namimiss na kita agad. Pag free time lets hang out?

_____

Rafael<3:
Sige, pag wala kaming training this week ;)
_____

Me:
Alright :)
_____




"Can you stop texting?" Biglang hinablot ni Nick ang phone ko at nilagay sa bulsa niya. Aba? Hindi makatarungan to!



"Bakit mo kinuha?! Akin na nga Nick!" Nako baka nagreply na si Rafael baby! Nakakahiya ang bilis pa naman niya magreply!



"No, you'll have it later when we get back home." Mariin niyang sabi. Psh. Pinilit na nga niya ko sumama sa party na to tapos bawal pa ko mag phone? Hindi talaga makatarungan!




Hindi nagtagal hindi ko na tagala nakuha yung phone ko sakaniya. Ayun nasa bulsa niya pa rin. Wala na kong lakas makipag talo. Hayy sasabihin ko nalang kag Rafael nakatulog ako. Nakakainis naman kasi tong Nick na to. Kaya wala siyang totoong girlfriend dahil jan sa ugaling yan. Ang demanding, at ang sungit pa. Nagpark si Nick sa loob ng isang club named Jaze. Nakikita ko pa lang sa labas ang mga babae na nakaitim at mga lalaki na naka grey. Ay may color coding? Kaya pala. We exited the car and Nick made me hold into his arm. Kahit di niya sabihin hahawak talaga ako sakaniya dahil napaka laki ng lugar na ito. Sure it doesnt look like a wild party. Party lang talaga pero dahil mayayaman siguro ang mga nandito kaya pasusyal ang iba.

I'm with the Devil [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon