*Kabanata 4

61.9K 1.2K 13
                                    

*Kabanata 4

----------




"Dad i told you. We can still talk to them. She's not ready for this, Dad." Pakiusap ni kuya. Ano bang nangyayari naguguluhan ako. Tungkol saan ba?




"Ano po bang problema Dad?" Seryosong tanong ko kay Daddy at umupo sa tapat niya. Binalot ng katahimikan ang buong dining table at ang gusto ko ngayon marinig kay Daddy ay ang sagot sa tanong ko.




"Nanakawan tayo. Almost 3/4 ng pera natin sa bangko ang nawala. Do you remember atty. Tuazon? Pinapirma niya ang kuya mo sa kontrata. And we found out that the project he was talking about is fake."




"What? Panong fake? At bakit sobrang laki ng nawala sa pera natin?" Tinignan ko si Mommy na hinihimas ang likod ni Daddy. Stressed na stressed na si Daddy.




Kaya pala this past few weeks busy si daddy sa business namin. Pati na din si kuya hindi ko masyado nakakausap dahil busy siya. Siguro matagal na to pero ngayon lang nila sinabi sakin.  Tinignan ko si Kuya na mukang pagod na pagod na din. Ngayon ko lang napansin na pumayat siya. Kaya ko pinili ang business para matulungan ang kuya at daddy ko. Gusto kong tumulong. Kahit ano gagawin ko makatulong lang ako sakanila.




"Can we do something about it?" Tanong ko sakanila. Nagkatinginan si Dad at kuya. Mukang may tinatago silang dalawa sakin. This isnt the time to hide things!



"Tell me. Hindi ito ang tamang oras para maglihim kayo sakin. I wanna help. Kaya nga Business ang kinuha kong kurso para makatulong sainyo eh." Napabuntong hininga si Daddy. Si mommy naman maluha luha na.



"Kuya ano? Hindi niyo pa ba sasabihin sakin ang plano niyo? Kuya im 19. I can help just tell me what to do." Pakiusap ko kay kuya. Hinilot niya ang sentido ng ulo niya. He really looks tired.




"Megan, the only choice we got now is to join forces with the Sy Corporation. Sakanila kasi nakipagkasundo si atty.Tuazon pero since fake nga ang project na sinabi niya nakuhaan din sila ni Atty. Ng malaking halaga. Ngayon malaki din ang utang natin sakanila. Kung hindi pa tayo papayag sa proposal nila mababangkrup ang kumpanya natin" Ayun naman pala eh edi maki join forces tayo!




"How can we join forces with them? Kung yun ang tanging paraan para masalba ang kumpanya gawin na natin" Umiling si Daddy at doon na napaluha si Mommy.




"Its not that easy, Megan." Mahinahong sabi ni Kuya at napatayo na siya sa kanyang upuan. Anong not easy? Dalawang kumpanya na ang nakupag join forces sa kumpanya namin at hindi man lang pinagpawisan si kuya. Tapos ngayon not that easy? Bullshit!




"Anong hindi madali? Pano naging mahirap yon kuya?!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. Naiinis ako!




Ayaw pa nila pumayag sa proposal ng Sy Corp. Eh iyon na nga lang ang choice dito! Buong buhay ni Daddy, pinalago niya ng pinalago ang kumpanya saksi kami ni kuya sa pagiyak ni mommy at daddy sa sobrang pagkamiss nila sa isat isa pag umaalis si daddy ng bansa para ayusin ang kumpanya tapos ngayon papairalin pa niya ang pride niya at mukang ayaw pa pumayag sa proposal.




"You dont understand Megan-" Sumabat na ko sa pagsasalita ni kuya. Oo 19 palang ako pero alam ko ang takbo ng kumpanya. Hindi naman ako spoiled brat na kuha nalang ng kuha ng pera sa magulang ko.




"Ano ang hindi ko maintindihan kuya?! Ipaliwanag mo nga sakin!" i cant believe na nagsisigawan kami ni kuya sa harap ni mommy at daddy. Close kami ni kuya at sa buong buhay namin ngayon lang kami nagtalo ng ganito.





"They want you to marry their son. Arraged marriage ang gusto nila. Thats the only way we can join forces with them." Nanlaki ang mga mata ko. What?! uso pa ba ngayon yon arraged marriage na yan? Hindi ba't uso lang yun dati? nung buhay pa si Rizal? 

"Are you kidding me Kuya? who does that? Nagbibiro ba sila?" Seriously, hindi ako aso na binibili lang. Ako pa gusto nilang kabayaran? So i have to ruin my whole life just to pay our debt?? Hell no!

"Sana nga anak nagbibiro nalang ang abugado nila nung ibalita sakin iyon. Pero anak yun talaga ang gusto nilang mangyari. Syempre hindi agad pumayag ang kuya mo." Mahinahon pang sabi ni Daddy.

Hindi ako magpapakasal noh. Ni hindi ko nga kilala yung anak nila tapos ipapakasal pa sakin? Pano kung manyakis pala yon? o kaya bading? Tsaka may love life ako noh(weh). Hindi makatarungan sakin na ikasal sa lalaking hindi ko naman mahal. Ang taong mapapangasawa mo yun dapat yung taong gusto mo makasama habang buhay. Hindi yung hindi mo man lang alam yung pangalan tapos magpapakasal ka. Buti nalang hindi agad pumayag si Kuya. Dahil kahit pumayag siya hindi ako papayag.

"So anong gagawin natin ngayon?" Tanong ko kay Kuya.

"Hindi kami pumayag na ikasal kayo pero ang gusto nila iengage kayong dalawa at magtatrabaho ka sa kumpanya nila. Pero kahit ganun hindi pa din nila maseseal ang deal. Kaylangan mabayaran natin sila o magpakasal ka sa anak nila"  Natulala nalang ako. Ayoko pang matali eh. Hindi ko pa nga kilala kung sino yon eh. Think Megan! Kaylangan may gawin ako. Nasakin ang desisyon sa mangyayari sa kumpanya namin.

"Anak if you cant do it we can just give up the company. We dont want you to push yourself into this" Mangiyak ngiyak na sabi ni Mommy. Naawa tuloy ako sakanila. I wanna help them pero sobra naman yata na magpakasal ako.

"Kuya i want to meet them" Napatingin si Kuya at Daddy then nagkatinginan sila.

"Are you sure? Megan, anong balak mo?" Tanong ni Kuya, hindi ko rin alam anong balak ko. Basta ngayon gusto ko lang silang makita.

"Im sure kuya. Tsaka na ko magdedesisyon pag nakapag meeting na tayo. Just trust me on this"  Tumango lang si Kuya. 

I'm with the Devil [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon