Special Chapter 2

79.6K 1.4K 116
                                    

*Special Chapter 2*



Nick's Point of View.


"Nahimatay siya pero ok na daw siya ngayon sabi ng doctor. Hinihintay na lang magising. Buti nga daw hindi siya nag labor kasi baka manghina siya. Painless delivery yung ginawa sakaniya kasi hindi na nila mahihintay na magising si Megan dahil lalabas na si baby Yckos." Paliwanag ni Ate Dionne sakin. Kahit papano ay nabawasan ang pagaalala ko. Hinawakan ko ang kamay niya habang natutulog siya.  Wake up already Megan. Papatayin mo ba ko sa pag aalala?




"Excuse me sir? Ma'am. Eto na  po si baby boy Sy. Paki fill up na  lang po itong form para record niya." Narinig kong sabi ng nurse. Napatitig ako sa baby na nakabalot sa kulay sky blue na lampin mahimbing na natutulog. He's so tiny.



"Parehas kayo ng kuya mo nang reaksyon noong pinanganak ko si Hero." Napatingin ako kay Ate Dionne habang dahan dahan niyang binubuhat ang baby. Maya maya pa ay lumapit siya sakin at napa tayo rin ako.




"Baby Yckos, this is your Daddy." Malambing na sabi niya kay baby at itinuro sakin ang tamang pagbuhat dito. Pinabuhat ni ate Dionne sakin at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. This is my son. Our son. Our first child.



"Maiwan ko muna kayo. Kami na ni Kuya mo ang mag aayos ng papers niyo." Tumango na lang ako kay Ate Dionne. I'm speechess.





"Ni-nick. ." Napatingin ako kay Megan at nakita kong unti unti siyang nagigising. Lumapit ako sakaniya at nagulat siya nang makita ang hawak ko.




"Megan, si Yckos oh. He's so tiny. He looks like me. Our baby looks like me!" Naiiyak na rin siya sa saya. Tinabi ko sakaniya si Yckos at laking gulat namin nang dahan dahan siyang nagmulat ng mata.




"Tama ka. Kamuka mo nga." Ngumiti si Megan sakin at lumapit ako sakaniya at hinalikan siya sa noo.




"We're finally a family. I love you. Thank you for this happiness."

I'm with the Devil [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon