*Kabanata 21

50.6K 934 16
                                    

*Kabanata 21

----------




Megan's Point Of View.

"Grabe naman. Natalo lang ang team nila sa basketball sinira na buong campus natin. Pati court sirang sira kasi doon nila sinunog yung mga gamit. Psh napaka immature nila." Medyo galit na utas ni Kylie. Pano to wala daw pasok. Hindi rin sure kung kelan magreresume ang pasok. Ano gagawin namin ngayon?



"Tara na nga lang mag kape tayo. Oh...wait. Magkakilala ba si kuya at si Nick?" Tinuro ni Kylie sakin ang grupo nila Nick na nakikipagusap kila Rafael. Magkakilala ba sila? Im sure hindi maganda ang ano man pinaguusapan ng mga yon. Bina bad influence siguro nila ang basketball team na gumanti para may rambol. Hayy napaka basagulero talaga ng Nick na yan.



"Ang alam ko hindi sila magkakilala. Si Rafael pa? Ang layo ng ugali niya sa ugali ni Nick. I bet binabadinfluence lang nila sila Rafael eh." Tumango tango naman si Kylie at sumangayon sa sinabi ko. Hindi imposible na ganun nga ang nangyayari.



Tinitigan ko lang sila habang naguusap ang dalawa. Kitang kita ko ang inis sa muka ni Rafael. Siguro ayaw niya pero binabadinfluence talaga sila ng mga yon. Hayy baby wag ka magpabadinfluence sa demonyong yan nako. Kahit medyo naiinis pa ko kay Rafael dahil simula kahapon hanggang ngayon kahit isang text hindi niya ko tinitext. Nagmemessage ako sa facebook niya hindi rin naman online.



"Hala papunta na dito si Kuya Rafael. Nagusap na ba kayo tungkol doon sa issue kahapon?" Tanong ni Kylie habang parehas kaming nakatingin kay Rafael na naglalakad papunta samin.


"Hindi pa nga ehh. I need explanation. Kahit isang text wala siya ehh" Medyo iritado kong sagot kay Kylie. Then sa wakas nakalapit na rin si Rafael samin.



"Megan i need to talk to you" Aniya. Tumango nalang ako. Hinawakan niya ang kamay ko at nagpaalam muna ako kay Kylie na maiwan ko muna siya saglit. Babalik din naman ako eh. Hinila niya ko papunta sa sasakyan niya. Shit hawak lang ng kamay tumba na ko? Ano ba yan Megan!



Pinagbuksan niya ko ng pinto sa passenger seat at maingat naman akong pumasok. Umikot naman siya para makapasok rin sa driver seat. Tahimik lang ako na nakaupo habang nakatingin sa labas at nahagip pa ng mga mata ko ang pakikipaglandian ni Nick sa isang babae na pula ang buhok. Psh. Kahit madaming tao bulgaran talaga makipag landian? Psh. Nakakainis talaga siya.



"Sabi ni Kylie sumama daw pakiramdam mo kahapon kaya ka umuwi. Ok ka na ba ngayon?" Malambing na tanong niya. Shit baby hindi ako ok! Lalo na't bubuntot buntot sayo yung Olivia na yon! May kaylangan ka pa iexplain sakin baby nagseselos ako! Grr.



"Ok na ko. Sumakit lang ulo ko kahapon." Sa dami ng gusto kong sabihin sakaniya yan lang ang nasagot ko.



"Kylie told me na may rumors nanaman daw na kumakalat tungkol samin ni Olivia. Alam mo ba yung tungkol doon?" Oo baby alam ko. Ang sakit sa heart! Parang sinaksan ng kutsilyo yung puso ko!



"Ah..oo narinig ko nga. Pag sikat talaga noh nachitsismis lagi." simpleng sagot ko at ngumiti nalang. Ayoko ipahalata sakaniya na nagseselos ako. Ayoko rin naman mag mukang possesive pag sinabi kong nagseselos ako kay Olivia. Close sila ehh at mukang close friends talaga sila. Ayoko naman sakalin si Rafael ni hindi pa nga kami eh.



"Well i want to be honest with you. May gusto talaga sakin si Olivia. But i told her na may nililigawan na ko. Sabi niya naintindihan niya naman kaya magkaibigan pa rin kami. Kahapon sa training napagtripan ako nila Kevin. Kinuha nila yung damit at twalya ko nung nag shower ako. I always do that to them so payback time for me." Tahimik lang ako na nakikinig sakaniya at iniintindi ang bawat salita na lumalabas sa bibig niya. Sabi na nga ba at may gusto si Olivia sakaniya eh. Obvious naman eh.



"Hindi ako makalabas non kasi nga wala akong damit..." Kawawa naman pala ang baby ko.



"Then as always pag vacant ni Olivia nanonood siya ng training. Wala naman malisya don kasi nanonood lang talaga siya then tinanong niya daw kung nasaan ako at dahil nga may rumors na kumakalat na sweet nga daw kami kahit hindi naman. Ayun napagtripan nanaman nila Kevin na ibigay kay Olivia yung gamit ko at siya nagdala sakin sa showers. Dont worry kasi wala naman siya nakita dahil nilapag niya lang sa labas ng cubicle yung bag ko kaya nakuha ko damit ko." Hayy buti nalang at ganun ang nangyari nako hindi ko kakayanin pag nakita niya ang shining shimering body mo.



"Pagtapos ko magbihis ayun nakalabas na ko. Palabas na kami ni Olivia ng boys locker room nung napuwing siya kaya tinulungan ko. To cut the story short. Napuwing lang siya at iniihipan ko yung mata niya nung nakita kami nila Kevin. Kaya ayun akala maghahalikan kami. Hindi ko siya hinalikan Megan. And i dont want you to believe in rumors ok? Walang totoo sa tsismis." aniya. kahit nagumiyak talaga ako nung nalaman ko yon mas maniniwala pa rin ako sa mga sinabi niya. Wala rin naman proweba na naghalikan nga sila eh.



"Wag ka magalala Rafael. Hindi naman ako naniniwala sa mga tsismis and from now on hindi ko na papansinin yang mga tsismis na yan" I smiled and he did the same.




Sandali pa kaming nagkatitigan ng mapansin ko ang dahan dahang paglapit ng muka niya sakin. He was looking at my lips then parang automatic  na napatingin rin ako sa mapula niyang labi. Maya maya pa ay hinaplos niya ang pisngi ko at nilapit na ng husto ang muka niya sakin napapikit nalang ako. Totoo ba to? Ito ata yung tulad ng sa mga movie na hahalikan ng leading man yung leading lady then happily ever after na! hinihintay ko na ang labi niya hanggang sa..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

KNOCK KNOCK KNOCK KNOCK!




Sabay kaming napabalikwas ni Rafael ng may malakas na kumatok sa bintana ko. Binaba ko ang bintana at nakita ko si Nick na nakakunot ang noo at nakatingin sakin. Istorbo to ah! Ayun na eh konti nalang ehh! First kiss awesome moment na yon oh! Magandang story na yon na makukwento ko sa mga future children namin ni Rafael ehh!



"Ano ba yon?!" Medyo iritado ko tanong sakaniya. Istorbo tong demonyong to.



"Kesa mag laplapan kayo jan lumabas muna kayo at may inaanounce yung vice president ng university." masungit na sagot niya sakit at naglakad na palayo. Napatingin ako kay Rafael ng isarado ko ang bintana. Nakangiti lang siya at namumula ang pisngi niya. Totoo ba to nagbablush siya?



"Ta..tara na. Ba-baka ano baka i-importanye yung inaanounce." nauutal at parang nahihiyang sagot niya ng mapansin niya na nakatitig ako sakaniya. Sabay kaming lumabas ng sasakyan niya at lumapit sa gate ng school para marinig ang announcement.



"WALA MUNA TAYONG PASOK FROM THIS DAY UNTIL THE END OF THIS MONTH. ISANG BUWAN KAYONG WALANG PASOK DAHIL AAYUSIN NAMIN ANG CAMPUS. WALANG TINIRANG MAAYOS NA GAMIT ANG NANIRA NG CAMPUS NATIN. DELIKADO RIN ANG MGA ROOMS DAHIL MADAMING BASAG AT SIRA DIN ANG MGA KISAME." Sabi pa ng student body president. Buti gumamit ng mega phone kaya rinig namin kahit medyo malayo kami.



"Hindi namin papalagpasin ang may kasalanan nito. Isesend nalang sainyo ng mga prof niyo ang mga activities niyo gamit ang website ng school every monday and friday. Kaya lagi niyong titignan ang website ng school para na rin sa mga announcement. For now wala muna tayong pasok. We will send letters to your guardians para alam din nila. Thats all." Naghiyawan ang mga estudyante pagtapos mag anunsyo ng vice president at student body president ng school.



Yung iba masaya yung iba naiinis yung iba naman galit dahil kahit nasa labas lang kami ng campus nasisilip namin na sobrang sira talaga ang campus. Sa laki ng campus nasira lang nila ng isang gabi? Ibig sabihin madaming nakapasok doon. Buti nalang at walang nasaktan sa nangyari.




"Pagbabayaran talaga ng WU ang ginawa nila" Medyo galit na bulong ni Rafael. I wonder whats his plan. Wag naman sana siya nagpa BI kay Nick.

I'm with the Devil [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon