*Kabanata 29

43.7K 1K 18
                                    

*Kabanata 29

----------





"Nasaktan ka na ba noon?" Tanong ko sakaniya.




"Why all of a sudden, its all about me? You have a problem right? Kaya ka nakikipag inuman." Then he finishes his third can of beer. Bumuntong hininga nalang ako. Aasahan ko pa ba na magsasalita ng ganung bagay tong lalaking to?




"Naranasan mo na ba magseryoso?" Tanong ko pa ulit. Ngumisi siya at uminom ulit. Nagbukas naman ako ng isa pang can ng alak nakakatatlo na rin pala ko?



"I did get serious once. It didnt turn out well. Mas masaya pang ganito. Kaya hindi ko na kasalanan kung masaktan sakin si Kylie. Alam niya naman kung ano ako eh. Dont expect me to get serious." He said in a serious tone.




May point nga naman siya. Ewan ko ba kay Kylie lagi ko naman sinasabi sakaniya na masasaktan lang siya kay Nick pero wala pa rin. Kung physically attracted lang siya kay Nick ang dami niya naman manliligaw na gwapo rin eh boyfriend material pa. Kaya hindi ko maintindihan si Kylie eh. Uminom pa ako ng isa pa ulit can ng mapansin kong ubos na ang inumin ko. Ganun rin si Nick. Aba nakakadami na ko pero di pa ko tinatamaan?




"Kaya ba ganyan ka ngayon? Kasi noong nagseryoso ka hindi mo nagustuhan yung resulta?" Simpleng tanong ko. Parang ganun naman kasi talaga yung nangyari sakaniya eh. Nababasa ko sa mga romantic novels yung ganyan ehh. Nagseryoso at nagmahal ng sobra tapos nasaktan o niloko kaya ang ending nagbago, naging manloloko dahil may galit na dinadala.




"What do you mean?" Aniya at binuksan ang chips.





"Bakit ka ganyan, Babaero, iba ibang babae lagi mong kasama. Party dito party don. Landi here flirt don." Sagot ko. He just shrugged and smirked like an evil man.



"Enough with the questions about me. Niyaya mo ba ko uminom para mainterview mo ko? What you see is what you get. Kung anong ugali ko nakikita mo iyon na yon wag ka na tanong ng tanong." Pagsusungit niya pa. Ang bipolar niya noh? Umirap nalang ako sa kawalan.

Nagkwentuhan nalang kami tungkol sa mga party party na napupuntahan niya, minsan nagtatanong rin siya kung anong party mga pinupuntahan ko ayun sinasagot ko naman siya. Dahil sa walang tigil naming pag aasaran hindi ko na nabilang kung nakailang can na ko ng beer. Mukang nakarami na ata ako ah. Umiinit na ang katawan ko ehh tsaka medyo nahihilo na rin ako. Napahawak ako sa sentido ko. This is bad, hindi dapat ako malasing na kasama siya. I act normal dahil bigla siya napatingin sakin. Ayoko ipakita na tipsy na ko noh baka ano pa pumasok sa utak niya ehh.

"Tumba ka na? Beer lang naman yan." Sabi pa niya na may halong pagyayabang ang tono. Inirapan ko nalang siya at natawan naman siya. Binuksan ko pa ulit ang isang can ng beer at nilagok ang laman nito. Alam kong maling ideya ang uminom pa ulit pero ayoko naman na ipakita na lasing na ko! 

"You're such a baby, Magyayaya ka ng inuman ang bilis mo naman pala malasing. Look at yourself, you're drunk." Dagdag pa niya. I smirked and looked at him. Habang nakatingin ako diretso sa mga mata niya pilit kong nilagok ng diretso ang natitirang laman ng kakabukas ko lang na can ng beer. Binaliktad ko pa sa harapan niya para mapatunayan na naubos ko na. Psh. Shit..umiikot na paningin ko! Kaya ko pa kaya ko pa to!

"Hindi ako...hik!.. Lasing! Tignan mo nga ko..hik!..makakatayo pa ko ohh!" I tried to stand up pero dahil nahihilo na ko naout balance ako at tumumba, napapikit nalang ako at hinihintay ang masakit kong pagbagsak sa lamesa ng magiisang minuto na ay wala pa kong nararamdaman. aba? ang galing. Dahan dahan ko dinilat ang mga mata ko at nakita ko kaagad ang muka ni Nick sa tapat ko. 

Napatingin ako sa pusisyon namin, nasalo niya pala ako. Para kaming nasa fairytail na tatanga tanga yung prinsesa na madudulas patalikod pero swerteng nasalo siya ng prinsipe. Nakahawak ang isang braso ni Nick sa likuran ko at ang isang kamay niya naman ay naka tukod sa sahig. So nakaluhod pala siya at ako naman tong pabigat na nakahiga na pala. Tatayo na sana ako ng bigla akong napatitig sa mga mata niya. His eyes....they're beautiful. 

His deep expressive eyes and dark brown eyes, I slowly lowered my sight and there i saw his mouth half open. His redish soft looking lips, para bang nakakatemp..nakakacurious kasi kung malambot nga ba talaga yung mga labi niya. Yun bang feeling na hindi mo maiwasan mapaisip na halikan siya o hawakan ang labi niya once you lay your eyes on his lips.  He's breathing heavily as i feel his chest moving up and down. 

"Nick.." I said in a low voice. I, once again look into his eyes and i saw him looking to my lips. Para  nanaman automatic na napatingin ulit ako sa mga labi niya. Maya maya pa bigla nalang parang palapit ng palapit ang labi niya sakin. Nakakahypnotize na nakakapanghina nakaklito na. Nang makita kong malapit na malapit na siya sakin wala na kong magawa kundi napapikit nalang ako.

And then...i felt a warm, soft and sweet lips into mine. It feels so warm and soft. Dahan dahan niyang ginalaw ang labi niya at ako naman ay parang mas nalasing pa lalo sa halik niya i cant stop myself from responding to his kiss. Ang init, ang tamis, nakakapang hina hanggang sa.....

a/n: Opps? Bitin ba? XD ahahah! Please vote and comment guys! Thank you sa support at sa patuloy na pagtangkilik sa mga story ko, Sorry kung medyo delay na talaga ako mag update ngayon. Grabe ilang days nalang kasi Debut ko na -_- istress grabe! Well enough of that.

PLEASE VOTE AND FEEL FREE TO COMMENT I WILL GLADLY RESPOND TO YOUR COMMENTS :) 

~SigridBayrante.

I'm with the Devil [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon