Special Chapter 1

56.7K 841 6
                                    

*Special Chapter 1



"Love, bukol na bukol talaga tiyan mo. Hindi kaya kambal yan?" Sabi pa ni Nick habang nakahiga kami at hinahaplos haplos niya ang tyan ko. Natawa naman ako.



"Kambal ka jan. Diba sinabi na  nga ng doctor na isang healthy baby boy lang ang nasa tyan ko." Nginitian ko siya at ganon din ang ginawa niya.



"Yckos Riu Sy. What a nice name. Baby wag mo pahirapan si Mommy paglalabas ka na ha? Be gentle baby." Napangiti na  lang ako sa sinabi ni Nick habang hinahaplos haplos ang tyan ko.



"Thank you Nick." Napatingin siya sakin at hinalikan ako. Ang saya na ng buhay ko ngayon kasama siya. Ngayon madadagdaan pa kami.



"Oh walang iyakan ha. Baka umiyak ka naman." Natawa kami pareho. Naging iyakin kasi ako pero sabi naman ni ate Dionne normal lang daw yon dahil pag buntis emotional talaga.




"Let's go to sleep it's getting late." Pinatay na ni Nick ang ilaw at ilaw na lang sa lamp ang nagbibigay liwanag samin.




Patulog na sana ako nang biglang sumakit ang tyan ko. Sobrang sakit!! Ginising ko si Nick mabilis naman siyang nagising at nagulat sa pagiyak ko. Hinaplos ko ang tyan ko at pilit kumakalma pero masakit talaga!




"Ni-nick! Manganganak na ata ako!" Mabilis pa sa alaskwarto nagbihis siya at kinuha ang susi ng sasakyan



Inalalayan niya akong tumayo at doon ko na naramdaman ang pag putok ng panubigan ko. Nagpapanic na si Nick at sunod bawat sigaw ko ng sakit ay siyang mura niya. Pagkasakay namin ng kotse niya ay mabilis niyang pinaandar ito. Naririnig ko pang tinatawagan niya ang pamilya namin at nagpapanic, Habang ako ay tinitiis ang sakit. Naiiyak na  ko sa sobrang sakit na hindi ko alam kung saan galing.




Nakarating kami sa ospital at pagkasakay sakin sa hospital bed ay doon na nagdilim ang paligid ko. Nawalan na ako ng malay.

I'm with the Devil [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon