*Kabanata 9

51K 1K 7
                                    

*Kabanata 9

----------




Naglakad lakad nalang ako sa buong campus hanggang sa makarating ako sa cafeteria. Madami pa din seniors ang nagkalat may isang table pa na puno ng cheerleaders na diretso ang tingin sakin. Kumunot ang noo ko. Bakit ang sama ng tingin sakin ng mga to? As far as i know wala naman akong problema sa mga cheerleaders na to.



Umupo nalang ako sa isang bakanteng table at kinuha ang libro ko. Makapag aral na nga lang para sa susunod na subject. Para naman pag nahuli akong hindi nakikinig may masasagot ako. Ang boring pala mag isa. Nagbasa lang ako ng libro ko at nag sulat ng ilang reminders. Maya maya pa ay may bigla nalang umupo sa harapan ko na tatlong lalaki na siyang nagpatameme sa bibig ko.



"Megan, Pwede kami maki upo dito?" Nakangiting tanong ni Rafael sakin. Wala akong nasagot kundi simpleng pagtango lang. Nakaramdam ako ng panic, mabilis na pagtibok ng puso, pagkaloka at kilig. oh my god namiss kita baby!



"Hi Meg. Kamusta?" Maligayang bati sakin ng kasama niyang si Kevin. Kateam niya ito sa basketball team pati na din ang tahimik na si Drew na kasama din nila.



"Ok lang naman." Naka ngiting sagot ko. Wag magpahalatang kinakabahan Megan. Stay cool dont panic! eeeeppp!!



"Bakit ka nga pala wala ka klase? Diba parehas kayo ng pinsan ko ng schedule?" Tanong pa ni Rafael sakin matapos niyang buksan ang biscuit na hawak niya. shiz pano ko sasabihin to?! magsisinungaling ba ko o sasabihin ko yung totoo??



"Ahh...Kase ano..."



"Because i told her not to go to her class. Come on babe" Nanlaki ang mata ko at sobrang gulat ako ng bigla kunin ni Nick ang bag ko at bigla nalang akong hatakin palayo sa table na yon. Totoo ba to? Talaga bang sinabi niya yon kay Rafael?! Totoo ba to?!




"Teka nga Nick! Ano ba sa tingin mo ginagawa mo?" Pumilgas na ko at binitawan niya naman ako. Ngayon ko lang narealize na maling mali ang ginawa niya. Maling mali!! Ano nalang iisipin ni Rafael ngayon sakin?!



"Um.. saving your ass from humilliating yourself? You look so dumb back there." Sabi pa niya na para bang kaylangan ko pa magpasalamat sa ginawa niya.



"I dont need your help! Ano nalang iisipin ni Rafael?! Bakit mo yun sinabi sakaniya?!" Pakielamero talaga! Baka isipin ni Rafael nag pepetiks ako sa pagaaral eh. And worst baka ano isipin niya tungkol samin ni Nick. Grrr! Kaasar!



"So..Meggy have a crush on Rafael. Siya ba yung Rafael na pinsan ng bestfriend mo?" Tanong niya pa na para bang may maganda siyang natuklasan at may masamang balak pa ata ang demonyong to.



"Ano naman pakielam mo kung magpinsan sila?" Hinablot ko sakaniya ang bag ko. Wala akong balak makasama ng matagal ang lalaking to baka mahawa pa ko sa kasamaan nito.




"Wala lang. Seeyah." Ngumisi siya na para ngang may masamang balak at nagmamadalinh tumakbo sa mga kabarkada niya. Hindi ko nalang pinansin.



Pero subukan niya pang guluhin ako makakatikim talaga sakin ang anak ni satanas na yon. Hindi lang hampas ng libro matitikman niya.

I'm with the Devil [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon