*Kabanata 19

46K 942 4
                                    

*Kabanata 19

---------



I can feel my tears streaming down my face kaya nagtatakbo na ko palabas ng building at nagmadaling pumasok sa sasakyan ko. Doon ko binuhos ang iyak ko. Alam ko hindi pa naman kami ni Rafael para magumiyak ako at magselos ako pero sinabi niya kasi sakin na gusto niya rin ako kaya eto para akong baliw na naguumiyak dito. Ilang minuto pa kong umiiyak ng biglang mag ring ang phone ko. It was Kylie. Pilit kong kinalma ang sarili ko at sinagot ang call niya.

"Hello?" I said in a low voice.

"Megan, are you ok? nasan ka? nakauwi ka na ba?" Sunod sunod na tanong niya. Ramdam ko sa boses niya ang pagaalala.

"Ok lang ako. On the way na ko pauwi kinuha ko lang gamit ko"  Thank God i didn't stutter. Kundi alam ko ano gagawin nitong si Kylie.

"Sure ka? um.. well may kumakalat kasi na balita ngayon about kay Kuya Rafael and i just want you to know that-"  hindi ko na siya pinatapos dahil ayoko pagusapan ang tungkol don. All i want now is silence. Katahimikan sa issue na yon. Kung totoo man edi totoo, kung hindi edi hindi. Gusto ko kay Rafael mismo manggagaling na hindi totoo iyon hindi sa ibang tao dahil kung sa kanya mismo mang gagaling mas gagaan ang loob ko. Hindi sa hindi ako naniniwala sa mga sinasabi ng bestfriend ko, feeling ko lang talaga mas gusto kong si Rafael mismo magsabi sakin hindi yung ibang tao pa magpapaliwanag para sakaniya.

"Kylie its ok, we don't have to talk about it ok? Tsismis lang yon and i know Rafael will eventually tell me about it later. Sa ngayon Bes i wanna rest. I'll talk to you later ok?" I didn't give her a chance to answer basta ko nalang pinatay ang call at nag drive nalang ako pauwi ng condo.

-------------

"Bakit ngayon ka lang?"  Bungad ni halimaw sakin pagkapasok na pagkapasok ko ng condo. Nakatalikod siya at nakatuon ang pansin sa tv. Wow no look? pero alam na ako yung dumating?

"May mata ka sa likod? pano mo nalaman na ako yung dumating?" Pagsusungit ko. Akala mo naman kasi tatay kung makatanong.

"Ikaw lang naman at si yaya ang may susi dito. Don't be stupid" Ang sungit! Aasarin ko pa sana siya pero paglapit ko sakaniya nakita ko na may hawak siyang in can na san mig. Tinignan ko pa ang center table may mga ubos nang cans at meron din hindi pa bukas. Ano problema nito?

"Anong problema mo? bakit ka nagiinom mag isa jan?" Umupo rin ako sa sofa na inuupuan niya pero syempre hindi ako tumabi may distansya pa rin noh. Ang manyak pa naman nitong demonyong to.

"None of your business." Sagot niya at hindi man lang ako tinignan. Kumuha ako ng isang can ng San mig at uminom din. Hindi naman ako ignorante sa mga ganitong bagay. 19 na ko kaya legal na rin ako uminom. Hindi nga lang ako lasinggera. Never pa ko nalasing kahit maraming beses na kong umiinom. Sinubukan niyang bawiin sakin pero iniwas ko lang sakaniya.

"Dont drink that. Hero is here, makita ka niya na lalasing lasing jan eh" Sinamaan pa ko ng tingin ng lokong to. Wait. andito si Hero? Dito siya magiistay? 

"Eh bakit ikaw nagiinom ka rin naman ah? pano pag nakita ka niyang lalasing lasing jan?"  Binalik ko sakaniya yung sinabi niya. Wala naman ako balak maglasing ehh. Gusto ko lang uminom  para makatulog agad ako dahil pagod na ko umiyak kanina at pagod pa ko sa mga pinuntahan namin kanina nitong lokong to.

"I know how to handle myself. Im not a kid" Seryosong sabi niya. Edi ok. Tahimik kaming nanuod ng movie at inom lang kami ng inom. 

Minsan nagaasaran kami pero tumatahimik rin, minsan naman nagtatanong ako tungkol sa movie sinasagot niya ko pero pagtapos non wala na. Ilang oras din ang lumipas nakaramdam na ko ng antok tsaka medyo tipsy na rin kaya naisipan kong matulog na. Napatingin ako kay Nick at ayun si Nick nakapikit na pala, tulog na pala. Ano? i know how to handle myself pala ahh. Hindi naman pala kaya tulog din pala. 

Napatitig ako sa muka niya, maamo siya pag tulog. Ok din naman siya pag hindi nakasimangot eh yung relax lang yung muka. Expresive ang mata, matangos ang ilong, manly jaw, pinkish lips, over all gwapo siya ehh. His chest is slowly moving up and down as he sleep peacefully. Kinuha ko sa kwarto ko ang extra kong kumot at maingat ko siyang kinumutan. Hindi ko mapigilan mapangiti ng maalala ko yung ngiti niya habang naglalaro sila ni Hero. Ibang iba talaga yung Nick noong mga oras na yon. Hindi ko akalain na ganun pala siya. Tama si Kylie, may tinatago nga siyang bait. Hindi ko dapat siya hinusgahan agad.

I wonder, bakit kaya hindi yung side na yon yung pinapakita niya sa tao? kadalasan lagi siyang galit sa mundo, galit sa lahat, nagsusungit, nangbababae, nagyayabang.  Bakit ganun siya? kung ang totoo naman pala eh mabait naman pala talaga siya? This made me think. I wanna know him more. Ewan ko ba bakit interisado ako makilala ng husto ang lalaking to pero...parang may feeling ako na he's not the guy he said he is.

I'm with the Devil [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon