*Kabanata 64

48.3K 866 5
                                    

*Kabanata 64

----------

Megan's Point Of View.

Ilang linggo na ang lumipas at naging mabilis ang pag galing ni Nick. Wala na nga siyang cast sa balikat at medyo ok na din ang ribs niya. May mga ilang gasgas din at pasa na mabilis na nawala dahil sa patuloy na pag gagamot dito. Maarte din pala sa balat ang lalaking yon. Ayaw niya daw magkaron ng marka ang katawan niya.

"Hurry up we're gonna be late. Geez ang bagal mo talaga kumilos kahit kelan." Naiirita na tinawag niya ko. Napangiti na lang ako. Kinuha ko ang toga ko at lumabas na ng kwarto. 

"Sorry naman patience my dear." Kinindatan ko siya at napabuntong hininga naman siya at hinalikan ako. Bago pa kami lumabas ay hinawakan niya ang kamay ko at inikot ako. Tinignan niya pa ko mula ulo hanggang paa. 

Nacurious tuloy ako sa suot ko kung bagay ba sakin. I'm wearing a dark fuchsia pink tube dress with gold patterns, Black 4 inch heels and that's it! Straight at bagsak lang ang buhok ko at may maliit na white earings lang. Sobrang simple lang. Make up ko hindi ganun ka heavy pero dinala lang ng red lips haha! I look at his face and he smiled at me.

"Very beautiful. Congratulations. Graduate ka na so that means......" He gave me his signature smirk. Alam ko na iniisip niya at pinaghahampas ko na lang siya sa braso. Sabay kami nagtawanan habang nag lalakad papunta ng parking lot. 

For the past 3 weeks naging busy kami. Busy ako sa requirements at pag papasa ng projects. Isabay pa na binantayan ko si Nick sa ospital ng ilang araw kaya nahapit ako sa pagtatapos ng mga last minute projects. Pero noong gumaling na si Nick at pinauwi na siya ng doktor niya ay tinulungan niya ko matapos lahat ng kaylangan tapusin kaya laking pasalamat ko at nandyan siya. Malaking tulong na rin yung pagturo niya sakin ng mga ilang bagay na di ko alam.

About naman doon sa aksidente niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin alam kung sino yung bumangga sa sasakyan niya. Yes, bumangga talaga as in sinandyang banggain yung sasakyan ni Nick. Swerte kasi may cctv camera yung street kung saan nangyari yung aksidente at klarong klarong nakita na binangga talaga yung sasakyan niya. Too bad naka hoodie yung lalaking bumangga kay Nick. Nakita namin sa cctv pero masyadong madilim yung lugar para makita namin ng malinaw yung muka niya. 

Pinagtataka din ng mga pulis ay walang plaka yung sasakyan na bumangga sakaniya. Pinapa imbestigahan na sa mga pulis at pati na rin sa mga tao ni tito Marco kung sino talaga yun. So obviously someone really tried to kill him. Iniisip namin na baka isa ito sa mga nakaaway ni Nick noon dahil basagulero din ang lalaking to, o kaya sa business baka may nakaalitan siya.

So far wala pa kaming balita kaya mahigpit pa rin na binabantayan si Nick. Pero Nick, being himself, he doesnt want body guards dahil pang bata lang daw iyon. He said he can take care of himself kaya halos awayin pa niya si Tito Marco para lang wag siya ipabantay sa  mga body guard nila. 

Kahit ako ay nagaalala din sa kaligtasan niya pero i know he can handle to take care of himself. He's physically strong. Matalino din siya sa mga bagay bagay at i know he will keep his promise na hindi niya ko iiwan kahit anong mangyari. Napatingin ako kay Nick habang seryoso siyang nag dadrive at siguro ay naramdaman niyang nakatingin ako sakaniya kaya ganun din ang ginawa niya.

I smiled at him and he took my hand and kiss the back of it. By time past by he become more mature. Hindi na siya yung dating paeasy easy lang, happy go luck, babae dito babae doon. Now he's a grown man with responsibilities. And i think i have grown too. We will get married very soon kaya big step ito sakin. Para bang namulat ako sa mundo at ngayon ay mag sisimula ulit. I want to take that big step with him and i'm very glad that he's with me all the way.

_____

Binuksan ni Kuya David ang champagne at pinaulan ito. Lahat kami ay halos mangiyak ngiyak sa kakatawa. Graduation party ko ngayon at nandito ang buong pamilya. Well not everyone kasi ilang linggo na din hindi umuuwi si kuya. Hindi niya sinasagot ang mga tawag namin pero a week ago tumawag siya kay mommy at sinabi na nasa Subic siya at uuwi din siya. Hinayaan na lang namin malaki na rin naman si kuya.

"CONGRATULATIONS MEGAN!!!" Sigaw nilang lahat at itinaas ang mga champagne glass nila. We tossed and my parent's hugged me. Ganun na din sila Tito Marco, Tita  Isabelle at sina Kuya David at Ate Dionne.  Maya maya ay inabot ni ate Dionne sakin ang phone niya at narinig kong binabati ako ni Hero.

Nasa states na ulit kasi si Hero dahil sa studies niya. Pero flight na din niya pabalik dito sa pilipinas sa isang araw dahil siya ang napiling ring bearer sa kasal namin ni Nick. Madami pang good news na dumating samin, Nahuli na si Mr. Tuazon naisampa na ang kaso at mabubulok na daw siya sa kulungan ayon kay Daddy at tito Marco. Naging mas malago na ang Sy corporation  pati na rin ang kumpanya namin dahil sa mga natapos na establishment na napatayo sa ibat ibang parte ng pilipinas. And lastly, tapos na din ang pag paplano sa kasal namin ni Nick

It will be a simple church wedding, limited lang ang inimbitahan. Close friends and family lang. Masaya na din kami so far. Sana wala na ulit maaksidente. Si Hanna hindi na nagparamdam at laking pasasalamat ko na nanahimik na siya. Wedding na lang ang hinihintay at simula na ito ng big step namin ni Nick. 

Napatingin ako sakaniya at nagulat ako dahil nakatingin siya sakin with a genuine smile on his face. Napangiti din ako lalo na nang lumapit siya sa tenga ko at binulong..

"I love you so much."

I'm with the Devil [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon