*Kabanata 59

44.1K 763 3
                                    

*Kabanata 59

----------

Megan's Point of View

Isang linggo na rin ang lumipas, mas naging maayos na ang lahat samin ni Kylie, Bumalik na kami sa dating kami. Pinaguusapan na nga namin ngayon ang bagong boyfriend niya. She's fully moved on na daw kay Nick kaya minsan pag pinaguusapan namin ay parang hindi siya nainlove dito. Parang wala lang normal lang.

"Tapos binigyan niya ko ng napakagandang boquet! Nako Megan halos maihi na ko sa kilig kaya ako napasagot eh.." Natawa na lang ako sakaniya habang nag kukwento siya ng date nila nung holiday. 

"Buti hindi ka naihi? may problema pa naman yang pantog mo" Biro ko at natawa naman kami parehas. I love this. Natutuwa talaga ako na hindi nawala sakin si Kylie. Well thanks to Rafael na din dahil kwento ni Kylie sakin si Rafael daw ang nagbigay ng lakas ng loob sakaniya para makipag ayos sakin.

"Hay nako! Baka mag bago kasi isip kaya pinigilan ko. Syempre major turn off naman kung maiihi talaga ako noh? Sayang yung ganda ko sabay na mawawala ng ihi ko" Sagot pa niya natawa nanaman kami. Nandito kami ngayon sa field dahil vacant namin. Nakakamiss tuloy si Nick. We always hang out here lalo na pag ganitong oras na sabay ang vacant time namin.

"Maiba tayo Megan, Kelan niyo nga pala balak sabihin sa magulang niyo na engaged na talaga kayo?" Tanong ni Kylie at inabutan ako ng orange juice. 

"Mamaya. May dinner kami kasama pamilya namin. Kaya baka hindi ako pumasok ng last subject mamaya. Susunduin ako ni Nick." Kinakabahan ako mamaya. Alam kong masyado pang maaga para ikasal ni hindi pa nga ako tapos eh pero isang buwan na lang naman tapos na ko mag aral at nasa tamang edad na rin naman ako kaya sana pumayag sila.

"Goodluck sainyo mamaya. Wag mo kakalimutan ah! Yung promise mo!. Ako dapat bridesmaid mo ah? dapat updated ako jan sa kasalan na yan." Natawa naman ako dahil nagtatampo tampuhan pa si Kylie na akala mo ay hindi tutuparin yung pangako ko sakaniya na bridesmaid ko siya. Noong first year pa lang kami ay may napanood kaming movie na best friend niya yung bridesmaid niya kaya ayun nag promise kami sa isat isa na pag kinasal kami bridesmaid dapat kami.

"Syempre naman hindi ko makakalimutan iyon. Basta pag kinasal kayo ni Arthur ah? Bridesmaid din ako haha!" Nagtawanan nanaman kami at kumain. It feels good to have your friend with you. Magaway man kami nagbabati pa rin kami. Yan ang tunay na kaibigan.

----------------

Matapos kong magpaalam sa prof ko sa last subject at lumabas na ko ng building para hintayin si Nick. Wala pang 3 minutes ay dumating na siya. Aba ang bilis ah? Pagkapasok ko sa sasakyan niya ay hinalikan ko ang pisngi niya. 

"Saan daw tayo mag didinner?" Tanong ko sakaniya habang sinusuot ang seatbelt ko. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Kinakabahan pa rin ako.

"Sa dating restaurant. Don't worry bawal na si Hanna sa restaurant na yon so if someones come up to us saying i had a child with them i will seriously break." Natawa na lang ako sa sinabi niya. Natawa rin siya and it feels so good seeing him laugh. Dati ay pinoproblema namin ang tungkol kay Hanna pero ngayon tinatawanan na lang namin ang issue na yon.

I wonder where she is. Matapos na malaman na hindi anak ni Nick yung bata hindi na siya nagpakita. Ewan ko lang kung kinocontact niya pa rin si Nick. Ayoko naman magtanong sakaniya at baka ayaw niya na din pagusapan. So far everything is going well. Tinignan ko ulit ang sing sing na binigay sakin ni Nick at napangiti ulit ako. Engaged na kami eto na talaga to.

Pagdating namin sa restaurant ay nakita ko kaagad si Kuya, Mommy at Daddy. Binati ni Nick si Daddy at si Mommy ako naman ay bumati rin kila tito Marco at tita Isabelle. Nginitian ko rin si Kuya Mateo pati na rin ang kuya ni Nick na si Kuya David at ang asawa nitong si Ate Dionne. Masaya ang lahat na nagkasama sama nanaman kaming lahat. Konting kwentuhan kamustahan. Maya maya pa ay nagsalita na si Tito Marco.

"So may ibabalita ka daw Nick sabi ng kuya mo?" Lahat kami ay napatingin kay Nick. Tumango siya at ngumiti. Tumingin siya sakin at hinawakan ang kamay ko. Nagulat pa ko ng itaas niya ang kamay ko.

"We're engaged. I proposed to her last week and she said yes." Lahat sila ay nag cheer samin. Naginit ang pisngi ko. Jusko ang bilis ng tibok ng puso ko. Binati ako ni Ate Dionne at Kuya David ganun na rin si Tito Marco at Tita Isabelle.

Si Mommy naman ay napaluha pa sa tuwa, Si Daddy naman ay niyakap ako. Si kuya...Nakasimangot lang. Pero nang makita niyang nakatingin ako sakaniya at nginitian niya ako at binati rin ako. Parang may kung ano kay kuya. Nagaalala tuloy ako. May problema kaya siya? He doesnt look ok to me. Minsan nga kakausapin ko siya. Hindi na kami nakakapagusap ng kaming dalawa lang. Hindi ko rin siya nakakamusta? Hindi rin naman siya tumatawag sakin? 

"Kelan niyo balak ikasal?" Nagising na lang ako sa pag iisip ng tanungin ako ni Ate Dionne.

"Hindi ko pa alam kay Nick eh. Pero sabi niya baka next month pagkagraduate ko" Naging topic na buong gabi ang plano sa kasal namin. 

Hindi pa nga namin alam ni Nick kung anong theme, saan simbahan gaganapin, o kung anong bulaklak ba ang gagamitin sa kasal. Basta ngayon ay engaged pa lang kami. Sabi ni kuya David yung wedding planner daw nila yung kunin namin dahil magaling daw iyon. Sa ngayon ay di pa talaga namin alam. Pero masaya na rin ako na nasabi na namin at lahat sila ay masaya para samin.

Gumaan na rin ang pakiramdam ko. Nawala na yung kaba ko at tila ba nabunutan na ko ng malaking tinik sa dibdib. Nakahinga na rin ako ng maluwag ng maging ok ang lahat. This is it. We're getting married soon. We will start our lives together. Naging mabilis man ang pangyayari masaya naman ako na sa taong mahal ko pa rin ako napunta. I love him and i know for sure that he loves me too.

I'm with the Devil [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon