*Kabanata 27

44K 857 3
                                    

*Kabanata 27

----------





Isang linggo na ang lumipas. Hindi pa rin ako kinakausap ni Kylie. Si Nick rin hindi ko pinapansin. Pag nandito siya sa condo hindi ako lumalabas ng kwarto ko. Pag wala naman siya doon lang ako nakakalabas. Ewan ko ba pero pakiramdam ko hindi ako komportable na nakikita ko siya. Dati parang wala lang ako pakielam kahit magusap kami pero ngayon parang ayoko siya makita at makausap. Na giguilty ako dahil sa nangyari. Alam ko iisipin na ngayon ni Kylie na kaya ko siya pinapalayo kay Nick dahil ako tong may gusto. Hindi ko alam pano ko ieexplain sakaniya ang lahat lalo na nasa ganitong sitwasyon ako. Hindi niya naman pwede malaman na engaged ako kay Nick.





"Aalis muna ako yaya. Paki bantayan muna si Hero ah. " Bilin ko pa kay yaya. Lumapit naman si Hero sakin habang nagsasapatos ako. Nandito ako ngayon sa living room dahil wala si Nick. Hindi daw umuwi kagabi.





"Ate, are you mad at Daddy?" Malungkot na tanong sakin ni Hero. I smiled at him at hinalikan ang noo niya.




"No im not mad at him Hero. Dont be sad na ok?" He nodded. Hindi ko rin alam kung galit ba ko kay Nick basta ayoko lang siya makita ngayon.




Lumabas na ko ng condo matapos ko magpaalam kay Hero. Magkikita kami ni Rafael ngayon pero bakit ganun hindi man lang ako excited? Siguro dahil malungkot pa rin ako sa lagay namin ni Kylie. Friendly naman ako at may iba rin naman akong kaibigan pero si Kylie lang talaga ang bestfriend ko. Siya lang ang lagi ko nakakasama, napagsasabihan ng mga sikreto, siya rin ako naglalabas ng sama ng loob o masasayang bagay. Basta para kaming magkapatid. Kaya siguro ganito nalang ang pakiramdam ko ngayon. Lalo na noong nakita ko yung status niya sa facebook kagabi.




Kylie Marie Dela Cruz:

Ang hirap magtiwala. Akala mo kaibigan mo yun pala siya pa papatay sayo.
_____




Pumasok ako sa sasakyan ko at iistart ko na sana ang makina ng makita ko ang sasakyan ni Nick na parating. He parked infront of my car at nakita ko siyang bumaba. Magulo ang buhok niya at medyo naniningkit ang mga mata niya. Mukang bagong gising. Nakasuot siya ng sandong puti at hawak hawak niya ang itim na leather jacket niya. He looked sober naman pero mukang lasing siya kagabi. May kausap siya sa phone niya at pangiti ngiti pa siya. I wonder who it is. Eh? Bakit ko ba iniisip yon. Makaalis na nga. Baka magising ako ni Rafael sa paglutang ng utak ko. Pagpasok ni Nick ng elevator sa condo doon lang ako umalis. Ewan ko bakit ko pa hinintay na makaalis siya bago ako umalis. Baliw na ata ako.




-------



"Megan, its nice to see you again. I missed you" Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko sa bungad ni Rafael sakin. Hinalikan niya pa ko sa pisngi.




"I missed you too. So kamusta pala training niyo?" tanong ko sakaniya. Kakagaling niya lang kasi sa training at kesa sa umuwi nakipag kita nalang siya sakin. Ang sweet!




"Ayun. Mahirap pa rin. Malapit na kasi yung next game. Kami tuloy dadayo sa ibang university kasi hindi pa rin ayos yung campus" Aniya. I took a sip from my juice and smiled at him.




"Pwede naman siguro ako sumama diba?" Tanong ko pa. I wanna be there to support him. Syempre ayoko naman masingitan ng epal na Olivia na yon.




"Pwede syempre. Sumabay ka nalang kay Kylie." Hindi niya ba alam na magkaaway kami ni Kylie?





"Malabo ata yan." sagot ko sakaniya. Lahat ata hindi alam na hindi ako kinakausap ni Kylie. Pati mismong pinsan niya na close na close niya hindi alam.





"Bakit naman? Pupunta rin naman si Kylie diba?" Tanong pa niya. Umiling nalang ako at yumuko.





"Hindi niya kasi ako kinakausap isang linggo na. Hindi siya sumasagot sa call o sa text ko. Sinubukan ko na rin siya kausapin sa facebook at sa viber pero wala pa rin" i felt like crying. Gusto ko umiyak. I deserve this. Kung sana'y nagtiwala lang ako kay Kylie na maiintindihan niya ang sitwasyon ko edi sana nasabi ko sakaniya ang tungkol sa engagement ko kay Nick. Hindi na sana ako nagsinungaling sakaniya.





"Bakit? Magkaaway ba kayo?" Nagaalalang tanong ni Rafael sakin. Tumango lang ako.




"Hindi ko inakala na magkaaway kayo. Nakikita ko rin na umaalis si Kylie akala ko nga magkasama kayo.Masaya naman siya pag nakikita ko siya." dagdag pa niya. Maybe Kylie is happy na hindi na niya kaibigan ang tulad ko.




"Don't worry magbabati rin ka- teka diba si Kylie yon?" Agad akong napatingin sa direksyon kung saan nakatingin si Rafael. At doon nakita ko si Kylie na masayang naglalakad kasama si...




"Bakit niya kasama si Nick?! Dammit! Hindi pwede to! She cant be with that guy!" Iritadong sabi ni Rafael. Habang nakatuon pa rin ang tingin ko kay Kylie.




Nakaakbay si Nick sakaniya at masaya silang naguusap. Kylie looks so happy. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan kasaya. The way her eyes sparkles when she looks at him, the way her face blooms when she smiles at him. Kakaiba ehh. Mahal niya talaga si Nick. Suddenly bigla nalang ako nakaramdam ng sakit. Nanikip ang dibdib ko at para bang ang hirap huminga. Bakit ganito? Tsk. Alam ko na siguro dahil to sa katotohanan na nakatatak sa utak ko na sasaktan lang siya ni Nick. Masasaktan lang siya at ayokong mangyari yon. Ayoko rin naman na palayuin siya kay Nick. Siguro kaylangan si Nick na ang komprontahin ko.




"Wala ba tayong gagawin Megan? That man is a joke! Hindi natin pwede hayaan na ganyan sila. You know that eventually paglalaruan lang siya" Sabi pa ni Rafael sakin. Alam ko yon. Alam kong pinaglalaruan lang siya ni Nick but i dont want her to lose him lalo na at masaya siya sakaniya.






"Ako na ang bahala Rafael. Let me handle this. Para na rin makabawi ako kay Kylie" Think Megan, Think! Kaylangan ko makausap si Nick tungkol dito. Kung hindi ko rin naman makausap si Kylie si Nick ang kakausapin ko.






I want her to be happy. At kung si Nick lang ang magpapasaya sakaniya ng ganyan then sige! Ill just have to talk to him, tell him to be serious. Sana lang pakinggan niya ko. Ill do anything.

I'm with the Devil [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon