*Kabanata 5

64.8K 1K 4
                                    

*Kabanata 5

----------




"Ano?! Magpapakasal ka na?!" Sigaw pa ni Kylie. Agad kong tinakpan ang bibig niya. Ang lakas talga ng babaeng to. Kaylangan isigaw?



"Wag ka nga maingay. Baka may makarinig. Syempre hindi ako magpapakasal. Hindi ko nga kilala yung lalaki eh. Tsaka hello? In love kaya ako sa pinsan mo. Tsaka masyado pang maaga para magpakasal ako. Madaming dahilan bakit hindi pwede mangyari yon." Hinawi niya ang kamay ko at tumingin ng seryoso sakin.



"Ano na balak mo ngayon? Wala kayong takas jan. The only thing you can do is give up the company. Iyon lang ang escape niyo jan." Aniya at kinagatan ang sandwich na hawak niya.



Nandito nanaman kami sa field. Kinuwento ko kay Kylie lahat. Syempre she's my bestfriend. Sakaniya lang ako nakakapag voice out. Hindi naman dapat sinasabi sa iba pero hindi ko naman kaya sarilihin to. Halos wala na nga akong tulog kakaisip kagabi.



"Yung second option yung pipiliin ko. Papayag akong maengage dun sa anak nila at magtatrabaho ako sa kumpanya nila habang gumagawa ng paraan sila daddy at kuya. Pag nagawan ng paraan na mabayaran yung utang namin tsaka kami magbaback out." Sagot ko kay Kylie. Tama naman yung desisyon nila daddy na wag ako agad ipakasal. Ayaw din naman nila mangyari yon. Mas gusto pa nga ni mommy na mawala nalang samin yung kumpanya kesa ipakasal ako don.



"Tama nga yan. So kelan niyo daw mamimeet yung mga Sy?" Tanong pa ni Kylie habang kumakain ako ng chips.



"Mamayang gabi daw." sagot ko. Magsasalita pa sana si Kylie ng biglang umingay ang buong hallway.



"GO LIONS" sigaw ng mga cheering squad habang ang iba ay nagkakabit ng posters. Sa likod nila nakita namin ang buong basketball team. Si Rafael...siya ang kaylangan ko ngayon. Buti nalang at walang Olivia sa paligid.



"Oo nga pala. Next week na ang start ng University Games. May laban sila kuya Raf" Sabay kaming tumayo ni Kylie at pinanuod ang mga nag checheer na cheering squads habang namimigay ng flyers.



"Megan! Kylie!" Napatingin kaming dalawa ni Kylie sa tumawag samin at doon nakita ko si Rafael na tumatakbo papalapit samin. oh my god baby namiss kita!!




Nakasuot siya ng basketball uniform nila na bagay na bagay talaga sakaniya. Kitang kita ang magandang katawan niya. Ang gwapo niya talaga. Para bang hindi nakakasawa na titigan siya. Speechless nanaman ako ng makalapit siya samin. Nginitian ko lang siya habang akbay niya nanaman si Kylie.




"Nood kayo sa game next week ah." Sabi pa niya. Huminga ako ng malalim bago mag salita.



"O-oo naman! Anong oras ba?" shit! Nautal pa ko! Hindi ko talaga kaya ng ganito nahihiya ako!



"3pm sa court. Kalaban namin yung WU. Sabi nila magagaling daw yon." Aniya at nakipag high five pa sa mga dumaan na lalaking nag gogoodluck sakaniya. Sikat talaga siya dahil siya ang star player ng basketball team simula palang noong first year siya.



"Ah...Sure kuya Rafael pupunta kami. Magchecheer kami para sainyo" Sabi naman ni Kylie ng mapansin na wala nang salitang lumalabas sa bibig ko.



"I hope to see you there Megan." Sabi pa ni Rafael. Unti unti ko nanaman naramdaman ang paginit ng pisngi ko. Speechless nanaman ako wala akong nasagot kundi tango lang. Ngumiti nalang ako at ganun din siya.



"Well see you around. Magiikot pa kasi kami sa buong campus. Ingat kayo." Nagpaalam na si Rafael at sumama na ulit sa mga kateam niya.


Inaasahan niya daw akong makita? Shemay! Wag naman niya ko sasabihan ng ganun! I feel special! Baka umasa naman ako lalo. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko. Kinikilig talaga ako. Tinignan lang ako ng asong tingin ni Kylie. natawa nalang ako. Masama ba kiligin?!



"Kilig na kilig ka nanaman-" Hindi natapos ni Kylie ang sasabihin niya ng may biglang bumangga sakaniya  galing likuran at nalaglag ang librong hawak niya.




"Ano ba!" Napatigil si Kylie ng makita si Nick sa likuran niya. Wala talagang modo! Ang laki laki ng daan kaylangan talaga mabangga niya si Kylie?!




"Oh..sorry miss." Pangiti ngiti pang sabi ng demonyong yon at dinampot ang libro ni Kylie. Si Kylie naman naestatwa lang at napanganga habang tinitignan ang lalaking yon.



"Huy! Ok ka lang?" Pabulong kong sabi sakaniya doon lang siya nagising sa katotohanan. Whats wrong with her?



"ah...o-ok lang." She smiled at Nick and slowly turn red. Oh no..this is bad.



"Here's your book, Miss?" Inabot ni Nick ang libro ni Kylie at pa flirt pa ang loko.




"Kah..kah..Kylie. im Kylie" Nauutal naman na sagot ni Kylie. Nagkangitian lang ang dalawa. Hindi pwede to!




"Ehem! Ang laki laki kasi ng daan bakit kaylangan mabangga mo pa ang kaibigan ko?" Pagtataray ko sa demonyong kaharap namin.



"Iniiwasan ko kasi yung mga sagabal sa daan. Hindi ko siya napansin. I said im sorry right?" Pagsusungit naman niya sakin.




"O..ok lang naman ako. Apology accepted. Wag ka na magalit Bes. Ok naman ako" Kinakabahan na sabi pa ni Kylie.



"Eh loko to eh kahapon pa to sa parking lot eh." Sabi ko pa. Pinulupot ni Kylie ang kamay niya sa braso ko at pasimple akong binulungan na tama na.



"Ah sige alis na kami. Pasensya ka na sa kaibigan ko" Aangal pa sana ako ng biglang hilain na ko ni Kylie palayo doon.



Ano bang nangyayari sa babaeng to? Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Ang weird ng mga kinikilos niya. Kahapon pa siya ganito. Dont tell me nagkakagusto siya sa demonyong yon? Nako hindi pwede! Madaming manliligaw si Kylie na matitino at gwapo pa. Gentleman na matalino. Every girls dream guy! Hindi pwede na bumagsak lang siya sa isang lalaking katulad nung demonyong Nick na yon.




"Kylie umamin ka nga. May gusto ka ba sa lalaking yon?" Seryosong tanon ko sakaniya ng makarating kami sa classroom ng susunod na subject namin.




"Ano?! Wa-wala ahh grabe ka naman" Nautal at namula. Sinyelas yan!




"Kylie...." Tinignan ko pa siya sa mata. I know she cant lie to me.




"Fine! Oo na. I think i have a crush on him. Pero crush lang naman!" pagaamin niya. Nasapo ko ang ulo ko at umiling iling. Hindi pwedeee!




"Kylie hindi mo pa nga kilala yon lalaking yon eh. Demonyo ang ugali non. Believe me he's not the guy you wanna be with"





"Crush lang naman. " Sabi pa niya. Hindi nalang ako kumibo.




Bihira siya magkacrush. Sa dami ng nagkakagusto sakaniya wala siyang pinapansin. Para bang hindi siya interisado. Kahit anong effort gawin sakaniya ng manliligaw niya hindi niya pinapansin. Pag ayaw niya ayaw niya talaga. Kaylangan malayo ko siya sa Nick na yon.





Mixed emotions tuloy ako sakaniya. Masaya ako na may napupusuan na siya pero nagaalala ako kasi maling lalaki ang gusto niya. Hindi ko man din lubos na kilala ang Nick na yon pero i know...he's evil. Sumisigaw ang kademonyohan ng ugali niya sa itsura palang. Gwapo nga pero kabaliktaran naman non ang ugali niya. I cant let my bestfriend fall for a guy like that.

I'm with the Devil [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon