*Kabanata 37

40.1K 991 18
                                    

*Kabanata 37

----------







Paano nangyari yon? Matagal na rin namin tinatago ang tungkol dito pano nakalabas? Pumasok sa library room si Nick at si tito Marco, kaylangan daw nila magusap ng pribado kaya naiwan kami ng mommy niya dito sa sala. Alam kong parehas kami ng nararamdaman, takot, pagtataka, lungkot at inis. Halo halo na emosyon. Maya maya pa ay lumapit si tita Isabelle sakin at hinawakan ang magkabilang kamay ko.




"Hija, sigurado ka ba na wala kang pinagsabihan? Close friend o kahit sino na labas sa pamilya mo?" Mahinahon niyang tanong sakin. Napaisip ako, nasabi ko kay Kylie na engage ako at wala na akong iba pang dinagdag sa sinabi kong iyon sakaniya kaya imposible na siya ang nagpakalat. Maliban kay Kylie wala na kong pinagsabihan dahil wala rin naman akong balak malaman ng kahit sino ang tungkol dito.





"Wala po tita, pamilya ko lang po ang nakakaalam." Tumango tango lang siya at binitawan ang kamay ko. Naaawa ako sakanila, they look so stressed sa nangyari. Mas lalo naman ako at si Nick dahil kami ang bida sa balitang yon.





Krrrriiiiinnnnggg! Krrriiiiinnnggg!!!





Agad kong kinuha ang phone ko at kinagulat ko ng makita ang pangalan ni Kylie sa screen. Ito ang unang beses na tinawagan niya ko simula ng nangyari nung gabing yon. Nagpaalam muna ako kay tita Isabelle at lumabas na muna ako ng bahay nila at nagtungo sa garden. Napalunok pa ko bago sagutin ang tawag niya.





"Kylie?" Mahinang sagot ko. Kinakabahan pa ko.



[Siya ba Megan?] mariin na tanong niya. Ramdam ko ang galit sa boses niya. Kilalang kilala ko si Kylie at alam ko kung galit talaga siya. Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Alam kong alam na niya ang balita kaya siya tumawag.



"Kylie i can explain-" before i finish my sentence she cut me off.



[Bakit hindi mo sinabi?! Do you know how bad i feel right now?! Mas lalo pa kong nagalit sayo! Bakit hindi mo sinabi sakin na si Nick pala yung sinasabi mong lalaking engaged sayo?!!] Shes now screaming. Halos tumaas ang balahibo ko at maiyak na ko. Kahit kelan hindi niya ko nagawang sigawan ng ganito.



"Kylie, ginawa ko lang naman yon kasi ayaw kitang masaktan" Hindi ko na mapigilan ang luha ko. Napaiyak na ko pero pilit ko pa rin kinakalma ang sarili ko.




[Sa tingin mo ba ngayon hindi masakit?! Do you really think na hindi ako masasaktan kahit alam mong nagsisinungaling ka sakin?! You let me fall in love with him kahit alam mong walang chance maging kami!! Yan ba ang kaibigan?! I'm so stupid!!] Narinig ko ang paghikbi niya at ilang pagdabog niya. Mas lalo akong naguilty sa ginawa ko. I was trying to make her happy pero mas malala pa pala sa iniiwasan ko ang mangyayari.




"Kylie, im sorry. I'm sorry" Patuloy ang pagiyak ko. To the point na ang hirap nang huminga. This is it. Im gonna lose her, my bestfriend.




[You're not my bestfriend.] mariin niyang sabi at binaba na ang tawag. 






Nasapo ko ang muka ko at umiyak ng umiyak. Ito na nga ba ang iniiwasan ko eh. Ayoko ng ganito. Nawala na si Kylie pati na rin si Rafael. Idagdag pa na may malaking problema sa paglabas ng sikretong deal ng pamilya ko sa pamilya ni Nick. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko wala nang pagasa maayos pa ang lahat.






Habang umiiyak ako may biglang yumakap sakin galing likuran. A warm hug that made me feel secured and safe, a manly scent from him made me feel completely calm. Nang makalma ako ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at hinarap ako sakaniya. Pinahid niya ang luha sa mga pisngi ko kaya napatingin ako sa mga mata niya. Gusto kong maiyak ulit lalo na ng makita ko ang maamo niyang mata. Iba sa natural na nakikita ko kay Nick na laging malamig at madilim, iba sa ngayon na full of gentleness and warmth.






"Don't cry babe. Please." he said using his husky voice. Niyakap niya ko ng mahigpit at ganon rin ang ginawa ko.






It feels strange kasi hindi ako naiilang kahit sobrang magkadikit ang mga katawan namin. Hindi rin ako naiinis sakaniya. Kabaliktaran non ang nararamdaman ko. Hindi ko inaasahan na ganito kasarap ang yakap niya, pakiramdam ko safe ako sa mga bisig niya, i feel calm. Suddenly i felt sleepy, tired and low. Unti unti kong pinikit ang mga mata ko at mas dinama ang mainit niyang yakap.






"I'm here babe. I wont let you go through this alone" He kissed my head and hug me more tightly.

I'm with the Devil [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon