*Kabanata 36

41.1K 839 12
                                    

*Kabanata 36

----------



Parehas kami ni Rafael na natahimik at nagulat sa sinabi ni Nick. Naguguluhan ako! Bakit niya sinabi kay Rafael? To think na alam niyang may gusto ako kay Rafael at usapan namin na hindi sasabihin sa kahit sino ang engagement namin. Ano bang pumasok sa utak ng lalaking to? Isa ba to sa mga pangbubully niya sakin? Well this is too freakin' far!

"Totoo ba?" Mariin na tanong ni Rafael. Napatingin ako sakaniya at nakayuko lang siya habang nakakuyom ang mga palad. Paulit ulit kong nararamdaman ang bigat at sakit sa dibdib ko.

"Rafael..." Mahinang batid ko. Hindi ko masabing totoo at hindi ko rin naman masabing hindi totoo. Sobrang naguguluhan ako. Parang gusto ko na lang tumakbo ng tumakbo para takasan tong nararamdaman ko pero hindi naman iyon ganun lang kadali.

"It's always easy to say No. Kung hindi naman totoo ang sinabi niya agad mo naman sasabihin yon diba?" Tumingin siya sa ibang direksyon at huminga ng malalim. Kitang kita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya. Gusto ko siyang yakapin lalo na ng bigla siyang ngumisi pero hindi saya ang ipinapakita noon, sakit, pagsisisi, at panghihinayang.

"Megan let's go" Seryoso ang boses ni Nick pero hindi ko pa rin magawang tanggalin ang mga mata ko kay Rafael. Bigla na lang akong hinawakan ni Nick sa braso at hinila palabas ng restaurant. Hindi pa kami nakakalayo ay tiningnan ko pa ulit si Rafael. Napaupo siya sa upan niya at tinakpan ng dalawang kamay niya ang muka niya. Im sorry.



Gusto kong umiyak gusto kong sumigaw. Ang bigat bigat ng dibdib ko para bang ang laki laki ng pagsisisi ko at galit sa sarili ko sa tuwing pumapasok sa utak ko ang ekspresyon ng muka ni Rafael kanina. Nang makalabas kami ng mall at makarating kami ni Nick sa parking lot at doon ko na nailabas ang bigat ng dibdib ko. Nagpumiglas ako sa hawak niya at lumayo ng bahagya sakaniya.

"Bakit mo sinabi yon?! Baliw ka ba?! Lasing ka ba?! Nakadrugs ka ba?!" sunod sunod ko siyang sinigawan. Napatingin siya sa paligid ng parking lot na tila ba nahihiya sa ginawa ko. Wala akong pakielam sa sasabihin ng tao. Nakasakit na nga ako ehh. Nakasakit na kami!



"Wag ka nga dito mageskandalo. Lets go home and then we'll talk about this. There are shits that is more important than your suitor!" Aniya at tinalikuran ako at pumasok sa sasakyan niya. Pabalibag niyang sinarado ang pintuan niya at marahas na inistart ang makina ng pulang Audi R8 niya. Ngayon ko lang napansin na stressed out siya.



BEEEEP!!! BEEEEPPP!!!



Bumusina pa siya kaya halos mapatalon ako sa gulat. Lumapit ako sa sasakyan niya para sumakay. Hindi pa ko nakakapagseatbelt ay mabilis na niyang pinahahurot ang sasakyan niya napalabas dito. Mahigpit akong napahawak sa gilid ng upuan dahil ng bilis niyang magpatakbo. Nakailang mura at busina na ang naririnig ko sa mga kinucut at inoovertake niyang sasakyan.

"Nick! Dyos ko po! Magdahan dahan ka nga!" Sigaw ko sakaniya pero para siyang bingi at baliktad ang utak dahil sa kesa sundin ang sinabi ko ay kabaliktaran pa nito ang ginawa niya. 




I cursed under my breath as we reached the house of his parents. Bigla akong kinabahan. Bakit kami nandito? Sobrang naguguluhan na ko. Pagtigil ng sasakyan niya sa tapat ng mansion nila ay huminga siya ng malalim bago patayin ang makina ng sasakyan at walang imik na lumabas ng kotse at dirediretsong pumasok sa bahay nila at tuluyan akong iwan magisa dito na gulong gulo ang isipan. Ikinalma ko ang sarili ko at huminga rin ng malalim bago lumabas ng sasakyan. Halos malaglag na ang puso ko sa takot dahil sa mabilis niyang pagmamaneho. 




"How did this happen?! Napaka private ng issue na to dad! Isa lang sa family natin or sa Montereal ang may kasalanan ng pag leak ng balitang to. " Nasa front door pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang galit at seryosong boses ni Nick. Mas lalo pa akong naguluhan ng marinig ko ang pangalan ng pamilya ko. Nang makapasok ako ng tuluyan sa mansion nila ay nakita ko agad si Nick na palakad lakad ng pabalik balik at hindi mapakali. Kunot ang noo niya at hinihilot ang sentido niya.




"Megan, Hija. Halika at umupo ka muna. Uminom ka muna ng juice para makalma kayo." Sumunod naman ako sa sinabi ng mom ni Nick. She gave me a weak smile and i just did the same. Hindi ko rin alam kung dapat ba kaming ngumiti ngayon. Still, wala pa rin akong alam sa nangyayari.




"Nickolas, calm down. Walang magagawa ang pagpapairal ng init ng ulo mo." Sita pa ng kanyang ama na mukang seryoso na rin. I can feel the tension in the air but still wala akong kaalam alam kaya hindi ko na napigilan magtanong sa mom niya.




"Tita im sorry to ask pero ano po ba talagang nangyari? Hindi ko po alam kaya sobrang naguguluhan na po ako ngayon." Huminga siya ng malalim at inabot sakin ang isang news paper. Binasa ko kaagad ang headline at halos tumigil ako sa pag hinga ng makita ang balita.



NICKOLAS SY AND MEGAN MONTEREAL, ENGAGED?! 



Binasa kong mabuti ang article sa baba nito at siyang kinagulat ko ng pati tungkol sa nawalang pera sa kumpanya namin ay nakalagay dito detalyadong detalyado lahat walang labis walang kulang. Pati ang ibang litrato ko na nagpapakita na labas pasok ako sa condo ni Nick. May litrato pa ng mismong contract ng engagement namin ay nandito rin. Halos hindi ako makahinga sa nakita ko. Buking na kami.

I'm with the Devil [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon