*Kabanata 49

45K 897 28
                                    

*Kabanata 49

----------






Megan's Point of View


Months and months later..naging mas malalim ang nararamdaman ko kay Nick. Halos araw araw na normal lang naman ang ginagawa namin pero my feelings for him got deeper. Pag gising kakain lang kami, then maghapon na sa school. Kadalasan ihahatid niya lang ako sa condo pag tapos ng klase namin tsaka siya didiretso sa office. Naging mas close si Nick sakin, mas comportable na ko sakaniya. Last week nakipag meeting kami sa abugado ng mga Sy kasama na rin ang mga pamilya namin. We ended the deal. Gulat na gulat si mommy at daddy ng malaman na tinatapos na namin ang deal. Kinausap na din ni Nick ang mga magulang ko kasama na din si kuya tungkol sa relasyon namin.





At first, hindi sila makapaniwala na ganito ang kababagsakan namin. Lalo na si kuya, ayaw niya pa rin kay Nick but he doesnt stop me from being with Nick kahit malayang malaya na ko ngayon. Pumayag sila mommy at daddy na mag stay pa rin ako sa condo niya. Noong una ayaw ni kuya Mateo pero wala rin siya magagawa dahil siya yung tipo ng kuya na kahit ayaw na ayaw niya hindi ka niya pipilitin sumunod sakaniya. Kung ano desisyon mo kahit ayaw niya tatanggapin niya. Kelan ko lang din nalaman na naghiwalay si Hanna at si Kuya. Kwento ni kuya, may anak na daw si Hanna. A one year old boy almost two, kinabahan nga ako kasi sabi niya anak daw ni Hanna sa ex niya yon biglang pumasok sa utak ko si Nick.





"Babe you're spacing out again." Nakaahon ako sa malalim na pagiisip ng lumapit si Nick sakin dala dala ang itim niyang toga. I smiled at him and hugged him so tightly na para bang anytime mawawala siya sakin.





"Congratulations! Graduate ka na!" i cheerfully greeted at him after giving him a kiss. He held my waist with both of his hands and pulled me closer. He looked at me with his worried eyes.




"Are you thinking about it again? Do you want me to put the baby on a DNA test?" i quickly shook my head. Hindi na kaylangan ng DNA test. Kung si Nick naman ang tatay nung anak ni Hanna edi sana kinukulit na niya si Nick. Hindi naman makitid ang utak ko para hindi isipin yon.





"Wag na. Kung anak mo naman yon edi kinulit ka na ni Hanna dati pa." Magsasalita pa sana si Nick pero dumating ang mga kaibigan niya. We took tons of pictures together hanggang sa nakalimutan ko na ulit ang bagay na yon.





After the graduation umuwi na kami. May graduation party sila Nick but he rather go out with his family for dinner. He really changed alot. Kung dati happy go lucky siya sa buhay ngayon matured na siya. He's as good as his older brother ayon sa dad niya. Pagkapasok namin sa condo ay dumiretso na si Nick sa kwarto niya para magbihis. Kaya ako rin ganun din ang ginawa ko.





Pumasok ako sa kwarto ko at naghanap ng susuotin. Nakalkal ko na ata buong damitan ko pero wala pa rin akong mahanap. Hayyy ano ba naman to. Sa dami dami ng damit ko wala akong mapili. Maya maya ay narinig kong kumatok si Nick sa kwarto ko bago dahan dahang buksan ang pinto ko.





"Pasok ka, hindi pa naman ako nagbibihis. " sabi ko pa at pumasok siya dala dala ang isang itim na paper bag na may tatak ng isang mamahalin na brand ng damit.






"Wear this." He commanded. Nilapag niya sa kama ko ang paper bag at napatayo ako galing sa pagkakaupo sa sahig sa tabi ng mga nakakalat kong damit.





"Nick...mamahalin to ah?" I said. Hindi ako makapaniwala ng makita ko ang maroon na dress na suot suot lang ng sikat na modelo sa new york noong isang araw. Napanganga ko sa ganda ng dress. Simple at plain lang ito pero napaka elegante tignan na may konting pagkasexy dahil sa medyo maiksi ito.






"I bought the shoes too. Baka kasi mahirapan ka pa maghanap ng sapatos malate pa tayo sa dinner mamaya" tumalikod na siya at palabas na ng kwarto ko matapos sabihin yon. Nick is very sweet in his own ways. Hindi man siya tulad ng ibang lalaki na flowers ang chocolate type pero siya naman yung lalaki na ginagawa ang lahat mapasaya ka lang ng hindi ito pinapahalata.






I run towards him and i hugged him from behind. Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ako materialistic na tao, im happy because of his efforts on making me happy. Hindi man siya sweet type but he never fails to suprise me and show his love to me on his own simple way.





"Thank you..for everything." i said between my sobs. Naiyak na ko sa tuwa. I feel very lucky to have him with me, loving me, taking care of me, always watching my back when i need him..madami pa ehh.




"As long as you're happy, i'm happy as well." He turned around and face me. He ran his fingers to wipe my tears and he gave me a gentle smile. He kissed me and i did the same and we kissed again for who knows how long.





__________





"Megan you look great!" Bati pa ni tita Isabelle sakin pagkaupo namin ni Nick sa table namin. I smiled i litteraly blush. Hindi ko inisip na madadala ko ang damit na to.




"Habang tumatagal ay gumaganda ng gumaganda ka hija." Dagdag pa ni tito Marco napayuko na ko sobrang hiya. They both laughed.





"Dad, si Kuya wala pa?" Tanong naman ni Nick kay tito Marco. First time kong makikita in person ang kuya niya at ang asawa nito. Nakita ko na sila sa picture noong nandito si Hero dahil naka wallpaper ang family picture nila sa psp niya.




"Andito na daw eh magpapark na lang- oh ayan na pala. " Sagot pa ni tito Marco habang malawak ang ngiti. Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko ang 30 years old version ni Nick.



Magkamukang magkamuka sila at kitang kita na makisig at matangkad rin ang kuya niya. Nakahawak siya sa kamay ng isang babae na napapanganga ako sa ganda. Hindi halata ang make up niya. Tingin ko nga ay mascara at powder lang ang suot niyang make up pero napakaganda niya. Kasama rin nila si Hero na tumakbo papalapit sakin ng magkatinginan kami. He kissed my cheek and hugged me.




"Ate Megan i missed you and daddy Nick too!" pumunta siya kay Nick at niyakap din si Nick. Umupo sa tabi ko si Hero sumunod ang mommy at daddy niya.




"You must be Megan. Pleasure to meet you. I'm David and this is my wife Dionne." They both smiled at me. Napakagandang lahi ng mga ito. Feeling ko ang panget ko pag kasama ko ang mga Sy.




"Nice to meet you po." ngumiti rin ako sakanila.




Maya maya pa ay nagkukwentuhan na kami ni ate Dionne matapos namin kumain at habang hinihintay ang dessert. She's really nice medyo kalog rin ang cool niya. Si Nick naman ay nakikipagkwentuhan sa dad niya at kuya niya. Si tita Isabelle naman ay nakikinig sa kwento ni Hero. Everything was going so perfect until someone unexpected came to us with a baby boy on his hands.



"Arent we invited?" Hanna said while looking at Nick then she looked at me. Hinawakan ni Nick ang kamay ko. Kumabog ang dibdib ko sa sobrang kaba. Ano ginagawa niya dito?!




"Anong ginagawa mo dito Hanna?" Mariin na tanong ni Nick at tinignan siya ng masama. Halata ko sa mga mata niya ang pagkairita at inis.



"Well i though this is a good time to introduce you our son since andito ang buong pamilya." She smiled sheepishly and i nearly cried.

I'm with the Devil [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon