*Kabanata 13

51.6K 1.1K 38
                                    

*Kabanata 13

-----------



Pagkadating ko sa campus ay nagtatakbo ako at niyakap ko kaagad si Kylie ng makita ko siya. Halos mangisay pa ko sa tuwa! Kinikilig talaga ako! Hindi ko akalain na ganun ang sasabihin ni Rafael sakin. Wala nga sa isip ko na tatawagan niya ko eh.



"Ano ba yan, Megan! Aatakihin ako sayo eh. Akala ko naman kung sino yung yumakap" Inirapan pa ko ng pabiro ni Kylie tumawa nalang ako.



"Tumawag si Rafael sakin kanina. Sobrang kinikilig ako sa sinabi niya!" Pasimple akong nagtatalon sa kilig. Nakisabay naman si Kylie sakin dahil natutuwa din siya sa nangyayari sakin haha!



"Anong sabi ni kuya sayo?" Tanong niya. Tinignan ko siya sa mata at ginaya ang tono ng pagkakasabi ni Rafael kanina sakin.



"I wanna see you there Megan. I need you more than a good luck" Unti unti kaming napatili dalawa. Hayy ang saya talaga! Eto na to!



"Ayan na talaga Megan! Feeling ko may nararamdaman na din yan si kuya eh nahihiya lang talaga siya" Nagkwentuhan pa kami ni Kylie habang naglalakad papunta sa basketball court.


Nakita namin sa labas ng court at isang kumpol ng mga estudyante galing WU. Lahat sila ay naka kulay Blue na tshirt. Yung mga babae naman akala mo mga model halos karamihan sakanila mga naka crop top ang mga tshirt na may tatak ng university nila. Kami nga walang ganyan ehh. Dami nilang kaechosan.



"May pinareserve na si kuya na upuan natin eh. Alam ko sa unahan yun" Pagpasok namin ng court kitang kita ko kaagad ang team nila Rafael na nagmimeeting. Nasa bleacher kami pero nasa unahan at tapat ng pinagmimeetingan nila.



Kahit nasa malayo palang kitang kita ko ang gwapong seryosong muka ng aking minamahal. Yie! Nakakakilig talaga. Kaya gustong gusto ko siya eh. Lahat na ng gusto ko sa lalaki nasa kaniya. He is awesome inside and absolutely out! Ang hot niya sa jearsey na suot niya. Kitang kita ang makisig niyang pangangatawan. Lalo pang nagpainit ng damdamin ko ay yung medyo pawisan at magulo niyang buhok na siyang nagpahot pa lalo sakaniya. Shet! Naiihi na ko sa kilig!



"Hoy Megan! Ano ka ba? umupo ka kaya?" Tinuro sakin ni Kylie ang upuan na bakante sa tabi niya. Nakakatuwa naman kitang kita ko siya dito sa pwesto namin.


"GO LIONS!!"

"GO KEVIN! I LOVE YOU BABE!"

"WE LOVE YOU CAPTAIN RAFAEL!"


Hindi pa nagsisimula nagiingay na ang mga fan girls ng basketball team ng Lions. Ilang minuto ko pang tinitigan si Rafael tsaka sila natapos mag meeting. Captain si Rafael ng basketball team dahil since 1st year niya pa lang dito sa university star player na siya. At kahit na busy siya lagi sa pag tetraining nasa top 2 pa din siya sa pinakamatataas ang grade sa buong campus. Akalain mo yun perfect diba? Gwapo, matipuno ang katawan, sporty, mabait, gentleman, masiyahin, masipag, at matalino pa. Kaya naiintindihan ko bakit madaming nagkakadarapa sakaniya maliban sakin eh.

"Si Olivia Del Rae yun diba? Yung sikat sa Tourism building"

Narinig kong bulungan sa likuran ko. Hinanap agad ng mga mata ko si Olivia at nakita ko siya sa gilid ng court naglalakad papunta kay Rafael. Binati siya ng ibang mga kateam ni Rafael at nginitian lang niya ang mga ito. Hindi ko maitatanggi na maganda talaga siya. Simple pero elegante tignan. Matured din kumilos syempre senior na din siya.

"Ang sabi ng kaibigan ko sa Tourism building close na close talaga sila ni Captain Rafael. Bagay na bagay sila noh?"

Bigla nanaman ako nakaramdam ng paninikip ng dibdib ko. Lalo na habang pinapanuod ko si Rafael at Olivia na nagtatawanan sa gilid ng court. Close talaga silang dalawa. Ang laki laki ng lamang ni Olivia sakin. Close sila ni Rafael samantalang ako sa call at text lang nakakausap ng maayos si Rafael. Hindi ko kaya makipagbiruan sakaniya tulad ng ginagawa ni Olivia. Masyado akong natatameme pag kaharap ko na ng personal si Rafael.


"Mga bruhang to, wag niyo nga pagchismisan si kuya. Parang mga hindi babae to ang bababaw ng utak" Pagsusungit naman ni Kylie sa dalawang babaeng nasa likuran ko. Pagtapos non at nginitian ako ni Kylie. Siguro naramdaman niya na nagseselos ako. Pinilit ko nalang na wag ulit tignan si Rafael para hindi ako magselos sakanila ni Olivia.


Ilang minuto pa ang lumipas at napuno na ang buong bleachers ng mga estudyante. Nagsimula ng mag cheer ang mga cheering squad ng kanya kanyang universities kaya nabalot ng ingay ang buong covered court. Nagsalita na din ang emcee na magsisimula na ang laro. Pinakilala niya ang dalawang team na maglalaban at doon lang ulit ako napatingin kay Rafael. He was staring straight into my eyes. Sakin ba siya nakatingin? Tumingin ako sa likuran ko wala naman ibang nakatingin sakaniya dahil busy ang lahat sa pag chicheer.


I felt a warm sensation in my heart. Ramdam ko rin ang paginit ng pisngi ko ng nginitan at kawayan niya ko. Kumaway rin ako. Maya maya pa ay may sinisigaw siya sakin. Dahil maingay hindi ko siya marinig ng maayos. Tinanong ko pa si Kylie kung nairinig niya at kahit siya hindi rin maintindihan. Tumawa at umiling iling nalang si Rafael at kinuka ang phone niya sa bag niya at winagayway sakin at nagtext. Nagtaka naman ako.


"May itetext daw siya sayo" Nakangiting sabi ni Kylie sakin. Sakto ay biglang tumunog ang phone ko. Binasa ko kaagad ang text ni Rafael at lumawak ang ngiti ko sa text niya.

Rafael Dela Cruz <3:

Cheer for me ok? :)

_____



Tinignan ko siya ulit at tumango. Ngumiti siya at nagsimula na ang game. Halos mapaos na ko sa kakacheer. Pero ang saya pa rin kaya ganado ako mag cheer. Bawat shoot niya at tumitingin siya sakin at ngumingiti. Kaya buong game halos maihi ako sa kilig. Haha! Ang gwapo ba naman niya eh. Matapos ang ilang oras natapos din ang game. Syempre kahit mukang nahirapan talaga sila nanalo pa rin sila. 110- 100 ang score.


"Tara baba tayo sa court. Batiin natin si kuya!" Hinila ako ni Kylie at pumunta kami sa court.


Nakita ko kaagad si Rafael na binabati ng ibang estudyante. Ang iba naman ay nagpapapicture sakaniya. Sikat talaga siya. Napatingin siya sakin at nginitian ako. Ilang minuto pa ay nakalapit rin siya samin.


"Congratz kuya! Ang galing mo! Ilang 3 points din yun ah haha!" Nagtawanan pa sila ni Kylie. Nagulat nalang ako ng bigla niya kong yakapin.


Nanlaki ang mga mata ko at ramdam ko ang mainit niyang katawan sa katawan ko. Mahigpit ang yakap niya at naginit ang pisngi ko. Nakita ko pa na nag thumbs up si Kylie sakin at niyakap ko nalang rin si Rafael. Ang sarap ng yakap niya. I felt secured and safe in his arms.

"Thank you." Bulong niya sakin at napangiti ako lalo.


"Thank you para saan?" tanong ko pa. Unti unti siyang bumitaw sa pagkakayakap sakin at hinila ako palabas ng court. Hawak hawak niya ang kamay ko na lalo pang nagpapula ng muka ko. Geez! muka na ata akong kamatis! Dinala niya ko sa garden kung saan kaming dalawa lang ang nandoon.



"Thank you sa pag punta mo at pag cheer sakin." He smiled. Napangiti lang din ako. Wala namaman salitang lumabas sa bibig ko. Speechless nanaman!


"Ilang buwan ko na rin to napagisipan at... Sabi ko sa sarili ko sasabihin ko na sayo pag nanalo kami sa game na to." Aniya. Lumapit siya sakin at hinawakan ang dalawang kamay ko. Tuminin siya sa mga mata ko at sinabing...


"I think youre amazing and i cant stop thinking about you. Ilang buwan ko na rin nararamdaman to pero hindi ko masabi. I was too worried na baka ayawan mo ko o hindi mo ko pansinin. I cant let that happen. But now im taking the risk of telling you how i feel." Seryoso niyang sabi sakin. Para bang hindi na ko makahinga sa mga sinasabi niya. Hindi ko akalain na lalabas ang mga salitang yon sa bibig niya.







"I wanna court you, Megan. Pwede ba kitang ligawan?"

I'm with the Devil [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon